"Psy gusto mo ng Ice Cream?" Sabay alok ko ng ice cream sa kanya, with a smile.
"Ayoko."
Tinalikuran pa niya ako after niyang sabihin iyon.
Oh-Kay? What was that for? Tanong ko sa sarili ko habang sinusundan siya ng tingin na ngayon ay makakasalubong ang barkada namin.
Napakunot-noo pa ako nang makitang hindi niya pinansin ang tropa. Ni hindi nga niya inabot ang kamay ni Justin na nakikipag high-five. Sinundan lang siya ng nagtatakang tingin ng tropa, bago bumaling sa pinanggalingan nito, at nakita nga siya nakaupo sa isa sa mga bench doon habang nakatingin sa kanila.
Ano naman kayang problema ng isang iyon?
"Hoy Yette, anong problema nung better half mo?" Tanong ni Samantha sa kanya, na may kasama pang sapak sa braso niya.
"Aba! Malay ko sa kanya. Inanalok ko nga siya ng Ice Cream kanina eh. Sukat ba naming layasan ako."
"Eh baka naman nahuli kang nangangaliwa?" Intriga sa kanya ni Justine, aka her bestfriend. Ito talaga ang bestfriend niya, at ito din ang nag introduce sa kanya sa barkada nito nang mag transfer siya sa school ng mga ito. At eventually nga dahil mababait naman ang tropa niya, napasama na din siya.
Pinanliitan siya ng mga mata ng ibang mga kasama. Siyempre mas loyal ang mga it okay Psymon, dahil nga sila ang original na tropa. Michelle, Samantha, Seigfrid, Psymon, Justin and Craig.
"Paano naman niya ako mahuhuli, eh hindi naman ako nangangaliwa?" Nakataas ang kilay na tanong k okay Justin.
Saka pa lang siya nilubayan ng masamang tingin ng mga ito. Umupo na din sila sa bench na tinatambayan ko.
"Eh bakit nga ganoon yun?" Pangungulit sa kanya ni Justin. "Aba! Inirapan pa ako ng loko-loko kanina."
"I don't know, Okay! Kanina ko lang din siya nakita, mula ng pumasok tayo kanina."
"Hindi naman magkaka-ganon yun kung wala 'yong pinagseselosan eh." Nakingiti pa si Michelle nang sabihin iyon.
"Oo. Alam naman natin na sobrang pasensyoso iyon. Eh since ikaw ang girlfriend niya. Baka nga may pinagselosan yun." Segunda pa ni Seigfrid.
Tumango-tango naman ang iba.
"Eh sino ngang pagseselosan niya? Wala naman akong lalaki." Nakasimangot na sagot niya. "Hindi ko ugaling manlandi ng lalaki kung may boyfriend naman ako na pwede kong landiin. At tsaka kayong tatlo lang naman ang lagi kong nakakasalamuha bukod sa kanya at sa mga kakalase nating lalaki." Dugtong pa niya habang sinasabunutan na ang sarili.
Pagdating nila ng classroom para sa last subject nila ay naabutan na nila doon si Psymon. Nakaupo pa din naman ito sa tabi ng upuan niya pero hindi man lang sila nilingon nito at seryoso pa din ang mukha.
Nilapitan na niya ito at naupo na din sa upuan niya. "Hoy Psy. May problema ka ba?"
Umiling lang ito bilang sagot. Ramdam niyang nakatingin sa kanya ang mga kaibigan.
"Eh bakit ayaw mo akong kausapin?" Pangungulit pa din niya.
Umiling lang ulit ito.
"Psymon." Hindi pa din siya nagpatinag sa silent treatment nito.
"Ano ba Juliette, di ka ba makaunawa?" Mahina pero may diing sabi nito sa kanya.
Natigilan siya dahill doon. Dahil kahit bulong lang ang pagkakasabi nito ay para na rin siyang sinigawan sa impact.
BINABASA MO ANG
Juliette and Psymon (One Shot)
Short StoryStory of Juliette and Psymon na medyo based on true story. Mas maganda talaga kung pag-uusapan niyo ang away niyo nang kayong dalawa lang, para wala nang ibang makikisali. -Psyche