Nature: The Worst Enemy We Could Ever Have
Naalimpungatan naman ako nang rinig na rinig ko mula sa labas ang lakas na pagbuhos ng ulan. Kinukusot ko pa ang mga mata ko habang dahan-dahang bumabangon. Sumulyap pa ako sa orasan namin na nakasabit sa may dingding at nakita kong alas syete pa ng umaga. Pero agad rin akong napangiwi nang makitang ang dilim dilim ng paligid. Kaya lumabas naman ako sa kwarto at sinilip sina Mama at Papa na nakatutok sa may TV.
"Anong nangyayari, Ma?", pambungad ko sa mga ito at nakita ko namang sabay rin silang napabuntong hininga.
"Lumakas iyong bagyo anak, bahagya pang lumihis kaya sabi nila baka dadaanan rin iyon sa lugar natin ngayon. Pinapasabihan na nga ang lahat na lumikas. Tsk, dapat kasi kagabi pa nag-abiso na sila hindi iyong ganto na kailangan agaran na.", sagot ni Papa kaya nailing si Mama.
"Hindi rin naman nila inaasahan ang ganto Anton kaya hindi rin na'tin sila masisisi. Mas mabuti pa'y kumaha ka ng gamit mo roon Shia. Nai-ready ko na ang mga pagkaing dadalhin natin sa evacuation center, buti nalang at nakapag-imbak ako.", ani ni Mama kaya napatango naman ako.
"O mas mabuting kumain ka na muna ng almusal, nauna na kami kanina kasi ang himbing ng tulog mo.", dagdag pa niya kaya muli akong tumango.
"Si Jashy Ma?", tanong ko nang makita kong wala yata ang makulit kong kapatid.
"Natulog ulit, ang aga kasing nagising.", sagot ni Mama kaya nagpaalam nalang muna ako sa kanila saka tumungong banyo para maghilamos. Hindi ko pa maiwasang hindi mapangiwi nang pagsilip ko sa may binata ay sobrang lakas ng ulan at dilim ng paligid. May nakita pa akong nagtutumbahang mga puno. Ang lakas nga yata ng bagyo.
Pagkatapos ko ring kumain ay inayos ko na ang mga gamit ko. Ang mga importante ay nilagay sa itaas ng aparador para kung sakaling abutin kami ng baha. Bahain rin kasi itong tinitirhan namin. Mga iilang gamit lang naman ang dala ko. Napangiwi pa ako nang pagsilip ko sa signal ng cellphone ko ay pawala-wala ito.
"Shia anak! Di ka pa ba tapos riyan? Dalian mo na. Medyo lumalakas na ang ulan at tumataas na rin ang tubig, baka abutan tayo ng baha rito sa bahay.", sambit ni Mama kaya napangiwi ako. Medyo lumakas raw ang ulan, mas lalong lumakas kamo. Papalabas na ako ng kwarto nang may marinig akong nabasag. Napatigil tuloy ako saka dali-daling tinungo ang kabilang kwarto. Dun ko naman nakita ang papungas-pungas kong kapatid at tila ba walang kamalay-malay sa nangyayari.
"Ate, may dumuduyan ba sa atin?", tanong niya pa kaya naiawang ko ang aking mga labi. Lumilindol! Dali-dali ko naman siyang hinila saka tumungo dun sa may ilalim ng mesa. Hindi ko alam pero bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang lakas ng lindol. Bahagya pa akong napatili nang biglang kumulog at kumidlat.
"Ate, takot ako.", sambit pa ni Jashy kaya niyakap ko naman siya at hinintay na mawala ang paglindol. Makalipas rin ang ilang segundo ay nawala rin ito. Papatayo palang kami ay bumukas na ang pinto at bumungad sa amin ang nag-aalala naming mga magulang.
"Okay lang ba kayo? Mukhang kailangan na talaga nating lumikas. Tumataas na ang tubig. Umaabot na sa tuhod. Hali na kayo.", turan ni Papa kaya tumango na lamang kami saka sila sinundan sa baba. Dala-dala ang mga kinakailngan namin ay lumabas kami ng bahay pero agad rin akong napalunok nang makita ko kung ano ang susuungin namin. Nagtumbahang puno, mga poste, may iilan pang bubong. Jusme.
Napalingon naman kami sa may kapitbahay namin at nakitang sinusuong narin nila ang hanggang tuhod na baha. Magsisimula na rin sana kami nang may mahagip ang mata ko. Napanganga pa ulit ako saka pinigilan sina Mama.
"Ma, Pa, ano iyon?", sambit ko pa kaya tiningnan nila ang kung ano mang itinuturo ko. Nanlaki pa ang mga mata nila saka tiningnan ang mga kapitbahay namin.
BINABASA MO ANG
One Shots 102
RandomAnother compilation of one shots that I have written for the first 4 months of 2021! Hope you'll enjoy reading! Highest Rank Achieved: #6 in oneshots #47 in thriller #374 in random #207 in tragic