Be With You
I smiled at him as he walks towards me. Napairap pa ako nang bahagya pa ako nitong kinindatan habang naglalakad siya papalapit.
"Hindot mo 'no?", patawa-tawa kong sabi kaya napangisi naman 'to.
"Hindi ah, pogi lang babe.", aniya kaya natawa nalang ako. Inabot niya naman ang kamay ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti.
"Hmm, saan tayo ngayon?", tanong ko sa kanya pero sa halip na sumagot ay nginitian lang ako nito saka hinila patungo sa kung saan. Nangiti naman ako nang mapansin ko na kung saan kami papunta. Dun sa kung saan kami unang nagkita.
"Pfft. Libre mo ah?", sabi ko kaya natawa naman ito saka ako nilingon at bahagyang pinisil ang pisngi ko. Gigil oh.
"Kailan ba kita pinagbayad ha? Mukhang nakakalimutan mo yatang ikaw ang buraot sa ating dalawa.", turan niya kaya natawa ako.
"Oo na, damihan ko ha?", sambit ko pa kaya napanguso ito. Cute. HAHAHHAHA.
"Oo na, payat mo pa rin kahit pinapakain naman kita.", sabi niya kaya saya-saya akong namili ng street foods na gusto kong kainin. Dinamihan ko na kasi minsan lang naman kaming lumabas. Saka pfft. Galante siya kapag pagkain ang pinagagastusan. Hobby niyang pakainin ako eh.
Panay lang kami daldalan at kulitan habang kumakain. Minsan rin ay nilalagyan ko siya ng sauce sa pisngi. Ginagantihan rin niya naman ako. Epal eh. Lagkit na tuloy. HAHAHA.
Hanggang sa kalangitnaan ng pagkain namin ay bigla nalang itong natahimik. Tinaasan ko nalang tuloy siya kilay. Pfft.
"Timang mo, kalat mong kumain.", seryosong ani niya kaya natawa lang ako nang kumuha siya ng tissue at pinahid ang sauce sa mukha ko. Parang ako pa may kasalanan eh, siya naman nagpapahid ng sauce. Hmp. Kumuha lang rin ako ng tissue at pinahid rin ang kalat sa mukha niya.
"Nagmumukha tayong gusgusing bata.", sambit ko kaya natawa siya.
"Ikaw lang, pandak ka eh.", aniya kaya sinipa ko binti niya. Napaaray nalang tuloy ito habang tumatawa.
"Epal mo.", sabi ko naman kaya napatawa lang ito. Napanguso nalang tuloy ako.
"I love you.", aniya kaya inismiran ko nalang siya saka uminom ng coke.
"Walang I love you too? Di mo na ako love?", pa-cute pa nitong ani kaya nagmake face lang ako.
"Of course, I love you too. Dzuh.", sabi ko kaya napangiti naman ito.
"Nakakamiss ang ganto ano?" aniya kaya natawa ako.
"Hmm, medyo. Iyong asaran? Pfft. Okay lang, medyo busy rin naman.", sagot ko saka nakipagtitigan sa kanya.
"Pfft. Ayaw patalo ah?", aniya kaya natawa ako.
"Nagpapatalo ako, minsan.", sagot ko kaya natawa siya.
"Minsan, minsan hindi talaga.", turan niya kaya natawa ako.
"Saan tayo? Uwi na?", tanong ko naman at umiling naman ito.
"Hmm, dating gawi?", aniya kaya napangisi ako.
"Star gazing? Game. Pero wala tayong dalang mat.", sabi ko kaya pinakita naman nito ang dala-dala niyang backpack. Prepared. Pfft.
"Ako pa ba? Ako lang 'to, babe.", aniya kaya natawa nalang uli ako.
"Oo ikaw lang iyan, tas ako lang 'to, para sa'yo.", banat ko pa kaya natawa siya.
"Banat mo bulok.", sagot niya kaya natawa nalang rin ako.
"Pfft. Okay lang at least, maganda, hali ka na nga 'no. Hmp.", sambit ko nalang saka siya na naman ang hinila papunta sa pinagtatambayan namin noon. Pfft. I really love being with him. Wala lang, ket ang epal niya. He still makes me happy. And for me, that's more than enough.
BINABASA MO ANG
One Shots 102
RandomAnother compilation of one shots that I have written for the first 4 months of 2021! Hope you'll enjoy reading! Highest Rank Achieved: #6 in oneshots #47 in thriller #374 in random #207 in tragic