OS23: TOTGA

11 1 0
                                    

TOTGA

"Pinagd-drama mo diyan boang!", sigaw ng kaibigan ko nang mahuli niya akong nakatulala habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Wala! Natulala lang, drama agad. Kaltukan kaya kita?", tanong ko pa sa kanya kaya natawa ito.

"Joke lang, gigol ka naman. Chill lang, ampanget mo na nga, mas pumapanget ka pa.", aniya kaya tinititigan ko nalang siya saka pilit na nginitian.

"Sana talaga di ka pa kunin ni Satanas ano?", sambit ko pa at umiling naman ito.

"Ba't niya pa ako kukunin eh kasama ko na siya?", sagot nito kaya walang kung ano-ano'y kinuha ko iyong unan saka siya binato. Ansama ng ugali. Di ko talaga alam kung ba't ko naging kaibigan ang isang iyan.

"Pero di ah, diba 3rd anniversary niyo na sana ni Vash ngayon?", aniya kaya agad ko naman siyang sinamaan ng tingin.

"Gusto mo coke? O beer? Mwehehehe.", sagot niya pa kaya inirapan ko ito.

"Sana talaga mapunta ka na sa underworld.", sambit ko kaya napatawa siya. Nailing nalang tuloy ako nang makitang pagiling-giling ito habang palabas ng kwarto.

Napa-facepalm na nga lang ako nang magpatugtog ito ng sobrang lakas, rinig na rinig ko sa kwarto ko eh. The one that got away, halatang nananadya. Isa nalang talaga itatapon ko na iyan. Sinamaan ko naman ito ng tingin nang pumasok ito uli may dala-dalang ice cream.

"Baaaabeee, favorite mo. Double ductch.", aniya pa kaya napairap pa uli ako.

"Nood tayong movie? Minions.", sambit niya pa kaya napahinga ako ng malalim.

"Ayaw mo babe?", tanong niya pa uli kaya biglaan ko nalang na sinubo iyong kutsarang bigay sa kanya ket wala pang laman.

"Isa nalang talaga, susungalngalin na kita.", sagot ko kaya humalakhak na naman ito.

"Weh? Di nga? Talaga ba?", tanong niya pa kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. Lord, bigyan niyo naman po ako ng pasensya. Matatapon ko na po talaga ang isang 'to.

"Charots lang bff, titigil na nga. Ayaw mo talaga? Sure na?", aniya pa ulit kaya napabuga ako ng hangin saka siya inirapan. Nagulat nalang ako ng bigla nalang nitong hinawakan ang pisngi ko.

"Umiiyak ka na naman. Boang.", aniya kaya napapikit ako ng mariin. Nakita ko namang napasulyap ito sa bedside table ko kung saan ko nilapag ang wedding invitation sa kasal ni Vash. Napahagulhol naman ako nang niyakap na ako nito.

"Bff, masyado tayong maganda para iyakin ang taong sinayang tayo. Hindi tayo ang nawalan, sila. Always remember that.", sabi niya kaya napatango ako. Natawa nalang tuloy ako nang kumanta pa ito.

"In another life, I would be that girl, oo nga leg8 bff, malay mo next lifetime kayo na. Charots!", turan niya pa kaya natawa nalang ako.

Sino ba kasing umiiyak ako dahil dun. Umiiyak ako dahil sa naalala kong may allergy ako sa peanuts. Tas ang gaga, di ata chineck ang ice cream. Nangangati na ako.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon