OS30: The Hidden Agenda

8 1 0
                                    

The Hidden Agenda

Hindi ko naman mapigilang hindi mapatitig habang nakatingin sa pamangkin ko. She was just smiling at me. Walang kamuwang-muwang sa nangyayari o sa kung ano mang kababuyang ginawa sa kanya ng tiyuhin ko. Pota, sarili niyang anak talagang pinatos pa. Naikuyom ko namang kamao ko saka nginitian pabalik si Annie. Wala na ang Mama ni Annie na kapatid ko, namatay siya nang dahil sa aksidente pati na rin ang mga magulang ko kaya dito ako nakatira. May Lola pa ako pero hindi niya naman kami mabubuhay ni Annie kaya nandito ako sa pamamamahay ng demonyong 'to. I was left with no choice kasi alam kong wala akong matatakbuhan. Kasi kung sa maniwala man kayo't sa hindi, isang potangenang pulis ang gago kong tiyuhin. Mataas pa ang ranggo kaya kahit ilang beses ko nang sinubukang tumakas at magsumbong ay wala akong magawa.

"Baby, pwede bang kina Mamala ka na muna matulog ngayon?", malakas na sambit ko saka bahagyang sinulyapan ang manyak na tiyuhin ko.

"Po? Eh kayo lang po dalawa ni tatay rito? Di po kayo takot sa monsters?", umiling naman ako saka siya nginitian ulit.

"Hindi baby kaya kina Mamala ka na muna matulog ah?", ani ko at tumango naman ito. Sinulyapan ko naman ang tiyuhin and he was just smirking at me. May pinaplano na naman yata. Kinagabigan, naglalasing na naman ang tiyuhin ko, and I'm pretty sure he was planning something pero wala akong pake. Matagal na akong nagtitimpi sa kanya.

Lumabas ako ng kwarto nang isang manipis na sando at cyclings lang ang suot. Napangisi pa ako ng marinig ko itong napasipol. Naglakad ako patungong refrigerator at kinuha ang babasaging pitsel saka kumuha ng baso. I was about to drink water nang makita kong tumayo ito mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad papalapit sa akin. Tiningnan ko naman ito sa  mata nang tuluyan na nga itong makalapit. Bahagya pa akong manginig nang dahil sa galit nang hinaplos nito ang mukha ko. Nakakadiri siya.

"May kailangan kayo?", kunwari malumanay kong tanong at ngumisi naman ito. Bigla naman nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin at sinubukan akong halikan pero bago pa man niya ito magawa ay malakas ko nang binasag sa pagmumukha niya ang pitsel. Napasigaw pa ito kaya walang kung ano-ano'y binuhat ko pa iyong isang monoblock saka hinampas sa kanya ng paulit-ulit. Napuno ng sugat ang mukha niya at nagdurugo pa ito pero wala akong pake. Ramdam ko nang nahihilo ito kaya mas lalo lang akong napangisi. Nang tuluyan na ring masira ang monoblock ay sinimulan ko namang i-untog ang ulo ko sa dingding, nilakasan ko pa para tuluyang dumugo ang noo ko. Pinagpupunit-punit ko pa ang damit ko at pinagsasampal ang sarili. Kita ko ang gulat sa mukha nito pero wala na akong pake.

"Anong ginagawa mo ponyetang bata ka!?", sigaw pa nito pero nginisihan ko lang siya saka sumagot.

"Hindi ka lang nakukulong kasi hindi ka nahuhuli sa akto at hindi mo kami pinagbubuhatan ng kamay. Ngayon natin makikita kung hanggang saan ang kaya mong pantatakip sa mga kababuyan mong hayop ka.", sagot ko saka nagsimulang sumigaw at humingi "kuno" ng tulong. Nagsidatingan naman ang mga kapitbahay namin at labis na nagulat sa nangyari. Hindi nila inaakala ang mga nadatnan nila. Duguan ang mukha ng tiyuhin ko at ako namang mukhang nakaawa-awa. Dumating ang ambulansya at dinala ako sa hospital kasabay ng aking tiyuhin. Pagkarating doon ay agad kong isinalaysay ang mga kababuyan niyang ginagawa sa amin. And I know this time hindi na niya ito mapagtatakpan pa. Ilang beses na akong sumubok magsumbong pero ginagamit niya si Annie na pangba-blockmail sa akin kaya hindi ko maituloy-tuloy. Ilang beses siyang nagsabing wala siyang ginawa pero huli na ang lahat. Tiningnan rin si Annie at tuluyan ngang nakompirmang ginalaw niya rin ito which even made him looked worst.

"Who says you're the only one who has a  hidden agenda? Ako rin meron, mabulok ka sana diyan potangenang animal na gago ka.", tanging nasabi ko na lamang nang tuluyan na nga siyang dalhin sa presinto. At last, may naging tama na rin sa plano ko.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon