Birthday Gift
Napahikab naman ako saka dahan-dahang bumangon nang may marinig akong kumakatok sa pinto. Sino naman kayang hakdog na 'to? Inaantok na ako kahit buong araw naman talaga akong tulog. Hindi na ako nagulat nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Eli.
"Oh ba't ka nandito?", tanong ko sa kanya kaya napaismid naman ito.
"It's Saturday. Sleepover ko ngayon rito.", sagot niya naman kaya natawa ako.
"Oo nga pala, medyo late ka yata ngayon. Tambak sa trabaho?", tanong ko at tumango naman siya bago dinampian ng halik ang aking pisngi. Wala yata siyang energy para kulitin ako ngayon, ibig sabihin legit ang pagod na nararamdaman niya. Napangisi na lamang tuloy ako sa naiisip kong gawin.
"Pagod ka ba?", alam kong nakaka-bobong tanong iyon since halata naman but I need his answer para tingnan kung paanong pangungulit ang gagawin ko sa kanya. Pero sa halip n sumagot ay inilangan lang ako nito. Napanguso tuloy ako. Maglalakad na sana siya papuntang sofa nang hinila ko siya pabalik saka niyakap.
"Babe.", pagbabantang aniya pa kaya natawa lang ako saka siya tinangala.
"What?", nangingiting ani ko at napailing naman ito.
"You're planning something.", turan niya pa kaya tinawanan ko siya.
"No, I'm not. I'm planning to be a good girl right now.", sagot ko pa pero tinaasan lang ako nito ng kilay. Napabungisngis na lamang tuloy ako. Nawala yata antok ko. He was about to walk away nang bigla kong hinawakan ang magkabilaang pisngi niya saka siya malamyos na hinalikan sa labi.
"Pampawala ng pagod.", bulong ko sa kanya saka siya kinindatan. Humiwalay naman ako sa pagkakayakap ko sa kanya saka siya nginitian.
"Anong gusto mong kainin? Fried chicken? Menudo? Pansit? Or--", nakita ko pang napairap ito nang di ko itinuloy ang sasabihin. Amp, mukhang bakla.
"Or what?", aniya kaya nginisihan ko siya saka inilapit ang bibig sa may tenga niya saka bumulong.
"Or ako?", bulong ko saka hinalikan ang leeg niya saka patawa-tawang tinungo ang kusina. Pfft. Magpupuyat pala ako ngayon, buti nalang pala nakatulog ako kaninang hapon.
* - *
Pagkatapos ko namang magluto ay agad ko rin naman itong ginising.
"Psst, babe. Gising. Yuhooo? Babeee?", sambit ko pa habang bahagyang tinatapik ang pisngi. Luh? Atitod. Ayaw magising.
"Babe! Gising na! Luto na ulam!", sigaw ko pa pero wala pa rin. Pinamewangan ko na lamang siya habang tinitigan. Pagod nga yata. Napabuntong hininga na lamang ako saka umupo sa lapag saka tinitigan ang mukha niya. Napanguso pa ako nang mapansin kong may gasgas pa ito sa pisngi. Anyare kaya diyan? Hinaplos ko naman ito at napatawa pa ako nang automatic na napangiwi ito. Taray, sensitive si Kuya. Tatayo na sana ako para bumalik sa kusina nang biglang may humigit sa kamay ako. Nanlaki nalang tuloy ang mga mata ko nang makitang nakabangon na pala si Eli. Napatawa nalang tuloy ako nang niyakap ako nito.
"Ano ba ulam na niluto mo?", tanong nito sa akin habang yakap-yakap ako.
"Wala talaga akong niluto, ako talaga iyong ulam mo. Rawr!", sagot ko kaya napahalakhak ito.
"Charots lang, baka ako talaga kainin mo.
Adobong manok lang 'no, pero kung gusto willing naman akong magpakain.", sambit ko saka siya kinindatan kaya napaawang na lamang tuloy ang mga labi nito. Pfft. Patawa-tawa nalang ulit akong naunang tumungo sa kusina."Babe naman eh!", sigaw niya kaya mas lalo akong napatawa.
"Ano? Halika na! Kainin mo na ako! Este kumain ka na.", sigaw ko pabalik saka binuntutan ng tawa. Makalipas lang rin naman ang ilang minuto ay sinundan na ako nito. Napakagat labi pa ako nang sinasamaan niya ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
One Shots 102
RandomAnother compilation of one shots that I have written for the first 4 months of 2021! Hope you'll enjoy reading! Highest Rank Achieved: #6 in oneshots #47 in thriller #374 in random #207 in tragic