OS35: I Don't Share What's Mine

13 1 0
                                    

I Don't Share What's Mine

Panay lang tipa ko sa cellphone ko habang nakahilata sa kama. It's Saturday at saktong may gaganaping event sa school kaya walang pasok. May sabi pa silang may attendance raw mamaya pero pake ko naman hindi ba? Psh, edi babawiin ko nalang sa quizzes and all. Napatigil naman ako nang biglang pumasok sa kwarto ko si Xylle, pinsan ko na siyang schoolmate ko rin.  We're both college student, 4th years.

"Oh? Problema mo?", tanong ko at nakita ko namang napanguso ito.

"This would be the last time na makakasali tayo sa event since last year na natin 'to, wala ka pa ring balak pumunta?", aniya kaya napairap naman ako.

"Aanhin ko naman iyan?", sagot ko kaya napaismid naman ito. Pero kalaunan ay tinaasan ko ito ng kilay nang bigla na lamang itong ngumisi saka sumandal sa hamba ng pintuan.

"A-attend si Eli, hindi ba? Hindi ikaw ang date niya?", napahinga naman ako ng malalim nang dahil sa sinabi niya. Eli's my boyfriend.

"A-attend nga siya, pero sabi niya he don't need a date unless it's me. So he'll probably go alone, no date.", sagot ko kaya nailing naman ito.

"Ang heartless mong g*ga ka. Pero di nga, 'di mo alam? May nagpapa-cute sa kanya? Architecture student yata, niyaya pa nga siyang maging date since alam naman yata ng lahat na wala kang balak pumunta.", agad naman akong napatigil dahil sa sinabi niya. Nakita ko pa kung paano ito mas lalong napangisi nang makita ang reaksyon ko.

"Fine, pupunta ako pero h'wag mong sabihin sa kanya.", ani ko kaya napahalakhak naman ito.

"Galing mo talaga, hindi ka pupunta para sa attendance, pupunta ka para magbantay. Lodi.", sambit pa niya kaya kumuha ako ng unan saka binato sa kanya.

"Buti nalang dalawa ang kinuha kong gown, ohlala~", dagdag pa nito saka ulit ako iniwan. Architecture student huh?

* - *

Napahinga naman ako ng malalim nang makarating na nga kami sa venue. Sinuot na namin ang mask namin saka pumasok. Bahagya ko bang sinulyapan ang phone ko nang makitang nag-message si Eli.

'Babyy
Wish you were here~'

Message pa nito with picture, he's with his blockmates. Pagkapasok nga namin ay agad rin naman kaming humanap ni Xylle ng pwesto. Since alam niya namang mabubuhay na ako whole throughout this night kapag may pagkain ay hinayaan na niya ako nang makaupo na kami sa table namin na may naka-serve nang pagkain saka nagpunta sa kung saan-saan. Nagsimula nga ang event and everything went smoothly. Panay lang ang tingin-tingin ko sa paligid, na kahit may iilan ng mga blockmates ko ang nakakita sa akin at inaya ako sa table nila ay inayawan ko pa rin. I prefer staying alone. Kaya hindi ko mapigilang hindi mapataas ang kilay nang makitang may grupo ng mga babae ang lumapit sa table nina Eli. Napangisi pa ako ng bahagya nang niyakap pa siya nung isa na halatang nakainom na since namumula na ang mukha. She even kissed him on his cheek.

"Tangina, naaawa ako kay Eli, ang akala niya ay wala ka rito.", napalingon naman ako kay Xylle na nakabalik na pala mula sa paglilibot.

"Hindi niya alam na naka-under surveillance siya.", dagdag pa niya kaya hindi ko nalang mapigilang hindi inumin ang laman na wine sa baso ko. Sosyal 'tong school namin, may pa-wine.

"Ha? Hawtdowg.", sagot ko kaya nailing lamang ito. Inanunsyo namang magsisimula na ang sayawan kaya may iilang nagsitayuan na ang tumungo sa gitna. Naihigit ko na lamang ang hininga nang makita kong hinigit nung babae si Eli papatayo. Napangisi pa ako nang makitang lumingon-lingon pa ito sa paligid. He probably felt my stare.

"Is that the archi student that you're talking about?", tanong ko kay Xylle at nagkibit balikat naman ito.

"Ewan, hindi iyan eh. Iba iyan, mukha sa Educ iyan eh.", napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Educ siya tas ganyan?", sagot ko kaya natawa si Xylle.

"Uh-oh, someone's getting jealous.", natatawang ani nito kaya napairap naman ako. Napataas pa lalo ang kilay ko nang saktong pagkahila ng babae kay Eli ay siya ring naging pang-slow dance ang kanta. Tengene ah. Tinitigan ko lang sila nang makita kong sinubukan na nung babaeng halikan si Eli sa labi. Inubos ko na naman uli ang laman ng wine glass ko saka tumayo.

"Time's up, baby.", anunsyo ko kaya napatawa si Xylle.

"Gooo, Ariah. Galingan mo ah?", aniya pa kaya napairap naman ako saka nagsimulang maglakad papunta sa gawin nila.

"What's wrong Eli? Wala naman ang girlfriend mo hindi ba? Oh dude, stop spoiling the fun.--Where's the fun in that, missy? Kissing him? Hands off.", sabat ko kaya parehas silang napalingon sa kanila.

"Surprise, not get off that filthy hands of yours from his shoulders kung ayaw mong balian kitang depungal ka. Kanina pa ako naiinis sa'yo g*ga ka. Alam mong taken na, harut-harutin mo pa. Aalis ka o aalis ka?", kalmado kong sabi pero kita kong napalunok si Eli at pati rin iyong babae.

"F-fine.", sagot niya saka dali-daling umalis.

"So ikaw pala iyong panay lang ang titig sa akin kanina, I wasn't informed na may bantay pala ako.", aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hinigit niya naman saka masuyong niyakap. Niyakap ko rin naman siya pabalik.

"Akala ko ba hindi ka pupunta?", turan niya kaya napairap ako habang siya ay natawa.

"Wala bang kiss diyan? Ket sa cheeks lang?", dagdag pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sa tingin mo hahalikan kita matapos lumapat ang labi ng haliparot na iyon sa pisngi mo?", sagot ko kaya natawa naman ito. But before he could even utter a word agad ko namang hinawakan pisngi niya saka siya hinalikan.

'Fvck, I don't share what's mine. Never. Especially him.'

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon