OS37: Destined Or Not

7 1 0
                                    

Destined or Not

"Ikaw ah! Ba't ba sunod ka ng sunod?", sambit ni Yana kay Shun. Panay pa rin kasi ang pangungulit ng binata sa dalaga kahit na ilang beses na siya nitong sinabihang hindi siya magpapaligaw.

"Eh kasi nga diba? Try and try until you succeed ang motto ko sa buhay.", nakangising sagot ni Shun kaya hindi naman maiwasan ni Yana ang hindi mapangiwi. Okay lang naman sana si Shun, well, may gusto talaga siya rito, pero sinabihan na siya ng magulang niya na hindi siya pwedeng magpaligaw hangga't hindi pa siya 18.

"Bahala ka diyan, sabing ayoko nga sa'yo kaya shoo! Layas.", sambit ni Yana saka naunang naglakad kaya natatawa na lamang tuloy siyang tiningnan ni Shun.

"Ang cute mo talaga baby!", pang-aasar pa ni Shun sa dalaga kaya napalingon sa kanya si Yana saka siya sinamaan ng tingin pero bakas sa namumula nitong pisngi ang kahihiyang dulot ng sigaw niya.

"Ang cute mong mag-blush!", sigaw pa ulit ni Shun kaya dali-dali nalang na yumuko si Yana saka halos kumaripas ng takbo makalayo lang kay Shun.

* - *

"Yan, nandiyan na naman prince charming mo oh!", ani ni Chelsea na siyang isa sa kaibigan ni Yana. Agad naman siyang napalingon sa gawing itinuro ng kaibigan at agad niya namang nakita si Shun na malaki ang ngiti habang nakatingin sa kanya. Napabuntong hininga na lamang tuloy siya nang tuluyan na itong maglakad patungo sa kanya.

"Oh? Ano na naman?", bungad niya rito kaya napahalakhak na lamang ito saka kinuha ang mga librong dala-dala niya. Gustuhin niya mang kiligin ay pilit niya pa ring ipinapakitang ayaw niya kay Shun. Takot niya lang na lumaki ang ulo ng binata. At sa tatlong buwang panliligaw nga nito ay napagtanto niyang seryoso nga ito sa kanya.  Na kahit ano mang pilit niya sa sariling hindi niya ito gustuhin at mahalin ay wala siyang magawa. Sa kulit ba naman kasi nito ay sino pa nga ba ang hindi mahuhulog hindi ba?

* - *

"Hindi nga kasi Shun? Ano bang pakulo 'to? Nagbabaliw-baliwan ka na naman eh!", ani ni Yana dahil nga may pa-sorpresa 'kuno' si Shun sa kanya. Years had already passed at magli-limang taon na nga sila ng binata. At limang taong nakalipas, everything went smoothly na kahit kadalasan ay pag-aaway na nagaganap at konting tampuhan ay nadadala naman sa pag-uusap at suyuan.

"Kapag talaga Shun ano na naman itong naisip mo, sasabunutan talaga kitang hotdog ka! Ilang araw kang walang paramdam then bigpa ka nalang susulpot at sasabihing may sorpresa ka!", inis na sambit ni Yana. Nakapiring kasi ang mga mata niya kaya wala siyang makita. Patuloy lang siya sa paghakbang patungo sa kung saan sa tulong at gabay ni Shun. Hanggang sa bigla nalang nawala ang mga kamay ni Shun sa balikat niya. Muntikan pa siyang matalisod dahil sa hindi niya inaasahang bibitawan siya nito.

"Shun? Hoy Shun! Papatayin talaga kitang gag* ka! Shun!", sigaw pa niya habang pilit na tinatanggal ang telang nakapiring sa mga mata niya. Ngunit laking gulat niya na lamang nang biglang sumalubong sa mga mata niya ang mga nagkikinangang mga ilaw. Mga nakangiting mukha ng mga malalapit niyang kaibigan, magulang niya at ang magulang ni Shun.

"HAPPY BIRTHDAY YANA!", bati nila kaya hindi niya naman mapigilang maluha. Agad niya namang inilibot ang paningin upang hanapin si Shun pero napatigil na lamang siya nang marinig niya ang boses nitong kumakanta.

'My lungs are black, my heart is pure
My hands are scarred from nights before'

'And my hair is thin and fallin' out of all the wrong places
I am a little insecure'

Mas lalo naman siyang napaluha nang magsimula itong maglakad papalapit sa kanya. May dala-dala pa itong bouquet at syempre nakangisi itong nakatingin sa kanya. Siguradong-siguro siyang aasarin na naman siya nito mamaya.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon