OS38: Ain't Gonna Let You Go

9 1 0
                                    

Ain't Gonna Let You Go

Napasimangot naman ako nang makitang wala pa ring paramdam iyong hakdog. Umay.

"Ansama talaga ng ugali ng isang iyon, ampochi.", inis ko pang bulong sa sarili habang nakatitig sa phone ko. Valentine's eh, umay. Epal niya. Lihim nalang tuloy akong napairap. Di ko talaga siya babatiin, hakdog siya.

Matutulog nalang sana ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Mabilisan ko tuloy iyong sinilip at napangisi na lamang nang makitang siya iyong tumatawag. Pfft. Hinayaan ko nalang muna iyong mag-ring. Epal siya, antagal kong naghintay. Hmp. Nang tumawag na ito uli ay saka ko pa lamang ito sinagot.

"Oh?", parang bagot na bungad ko sa kanya at narinig ko namang tila ba natawa ito.

"Pfft. Problema mo? Tagal sumagot ah.", aniya pa kaya napairap ako.

"Tagal your face. Oh napatawag ka?", tanong ko pa at napakagat labi nalang ako nang manahimik ito. Pfft.

"Tsk. Nasa labas ako.", sagot niya pa kaya nanlaki na lamang tuloy ang mata ko saka dali-daling bumaba. Pochi! Napanganga nalang tuloy ako nang makitang nasa labas nga siya. Wow. Anong nakain niya today?

"Pfft. Gulat na gulat?", aniya kaya napakurap-kurap ako saka lumabas ng gate.

"Ba't ka andito uy?", tanong ko pa kaya nailing ito.

"14 ngayon.", sagot niya pa kaya napaismid ako.

"Oh tapos?", sagot ko rin sa kanya kaya napairap ito.

"Valentine's day babae. Valentine's, hindi mo ba alam? Wala kayong kalendaryo?", turan niya kaya napangiwi ako.

"Oo nga, eh ba't---lalabas tayo. Hina mo naman. ", putol niya sa sasabihin ko kaya napa-'oh' ako. Wao. Himala. Napaisip siya ng ganun. Pinanliitan ko tuloy siya ng mata kaya pinitik niya noo ko.

"Tigilan mo ko sa pag-ganyan mo. Magbihis ka na. Makalabas ka ah, parang di maikli shorts mo. Ganda ka?", aniya kaya napairap ako saka sinipa binti niya.

"Alam mo, ang aga-aga ang epal mo. H'wag nalang kaya tayo lumabas ano?", sabi ko kaya napairap ito.

"H'wag lumabas imo mama, magbihis ka na. Nandiyan parents mo?", tanong niya kaya inismiran ko siya.

"Wala. Si Ate lang, ipagpaalam mo ko. Kasalanan mo, pabigla-bigla ka. Hindi magpaparamdam tapos bigla-bigla nalang susulpot. Timang lang.", sambit ko pa kaya napairap ito. Parang bakla.

"Magbihis ka nalang kaya ano? Daming sinasabi eh, parang ayaw mo eh alam ko namang hinihintay mo ko.", sagot niya pa kaya sinamaan ko naman siya ng tingin habang siya naman ay napangisi.

"What? Pfft. Miss mo lang ako eh.", aniya pa kaya napasinghal ako. Kapal oh. Ang aga-aga ang hangin.

"Miss mo mukha mo.", sagot ko nalang at papasok na sana uli nang pigilan niya ako.

"Oo na, I miss you too.", bulong niya kaya napabuga nalang akong hangin saka siya sinulyapan.

"Oo na rin, I miss you. Epal. Happy Valentine's. Asan na regalo ko?", sambit ko kaya napatawa ito.

"Marupok pfft. Sikret. Bihis ka muna, asan ba ate mo?" aniya kaya natawa nalang rin ako.

"K. Pasok ka na nga lang.", ani ko pa kaya natawa na rin siya.

"Makahingi ka ng regalo sa akin ah, asan akin?", natatawang sambit niya kaya nilingon ko lang siya saka nag-make face.

"Sikret rin para masaya.", sagot ko kaya natawa nalang uli siya. Nagmukha nalang tuloy kaming timang. Ampochi. Pero hindi ko rin maiiwasan hindi mapangiti. Kasi alam kong kahit ganyan siya, parang timang I knew that he loves me, as how I love him. And for me, that's more than enough.

— End.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon