OS40: Everything May Seem Wrong

8 1 0
                                    

Everything May Seem Wrong

Labis naman akong napaluha habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Bahagya pa akong napahagulhol nang unti-unti ring nagsipatakan ang mga butil ng ulan. Ano 'to nakikisabay sa pagd-drama ko?

Pagod na ako. Nakakapagod mabuhay pero hindi ko alam kung ba't andito pa rin ako. Ayoko ng mabuhay, but I couldn't end my life as well. Kasi alam kong mali iyon.

Sabi nila, "One bad day doesn't mean a bad life". Eh pano kung everyday bad? Bad life na ba? Ng*nang buhay naman 'to oh. Nakakaurat.

Panay lang iyak ako habang nasa ulanan nang bigla nalang tumigil ang pagbuhos ng ulan. Ay teka, tumigil ba? Napatingala naman ako at nakitang may nakaharang na kung ano.

Hindi pala tumigil ang ulan. May payong. Sinulyapan ko naman ito at nakita ko namang si Sciara ito. Kapitbahay namin.

"Mukha ka ng timang diyan, tayo Selexia.", aniya kaya napasinghot ako. Napabahing pa ako nung maramdaman ko na ang lamig.

"Mahirap ba?", tanong niya kaya napasulyap uli ako sa kanya.

"Sa tingin mo ba mali lang ang lahat ng 'to?", tanong niya pa uli kaya napakurap-kurap ako.

"Kung desisyon at plano 'to ng Diyos, walang mali dun Selexia. Mahirap man ngayon, pero hindi ibig sabihin nun hindi na iyon magbabago pa. Magbabago para sa ikabubuti mo. Hindi sa ikakasama.", aniya pa kaya napatitig lang ako sa kanya nang hubarin niya ang jacket niya at ilagay ito sa mga balikat ko.

"Lahat may rason, hindi mo man maintindihan lahat ngayon, kung ba't ganyan ang buhay at ang sama-sama sa atin. H'wag kang mag-alala, aabot rin tayo sa puntong mapapasabi ka nalang, 'aha, I believe'. Charots, biro lang. Uso magsalita, okay ka lang ba? Gutom?", tanong niya pa kaya napailing ako pero kasabay rin nun ang pagkulo ng tiyan ko.

"Sige, kunwari di ka gutom. Pero tara muna dun oh, libre kitang isaw. Kawawa ka naman, kumain ka ba? Baka mangayayat ka niyan.", aniya pa kaya napakamot ako sa ulo. Hindi ko inaasahang ganito siya kadaldal.

"Baka naw-weirduhan ka na sa akin ah? Pansin lang kasi kita kaya ganun. Chismosa ako, kaya alam mo na.", sambit niya pa saka tumawa.

"Ampunin sana kita pero parehas pa pala tayong palumunin kaya mag-aral nalang muna tayo.", sabi niya saka ako sinulyapan at kinindatan. Napangiwi naman ako nang akbayan ako nito.

"Ika-nga nila everything may seemed wrong, charots. Walang nagsabi nun. Pero di ah, i-english ko para sosyal, kunwari ano diba? May natutunan ako sa online class. Everything may seemed wrong, but don't think too much. When the right time comes, everything will fall into pieces. Angas diba?", sambit niya saka tumawa at hinila ako sa may isawan. Hindi alintana ang malakas na ulan. Hindi ko alam, but having her right now as my company feels so comforting. Kahit sobra siyang madaldal.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon