Still Stucked In The Same Page
'How can I move on
When I'm still inlove with you
I'm not moving'Napabuga naman ako ng hangin nang dahil sa kanta. How could they play that in here? Napairap nalang tuloy ako saka sumulyap sa may mini stage ng resto bar at nakita ko namang aliw na aliw ang lahat dahil sa banda.
Napakagat labi na lamang tuloy ako saka iniiwas ang tingin nang dahil sa bigla-bigla na lamang rumagasa ang mga alaalang dapat ay matagal ko nang kinalimutan.
Inisang lagok ko naman ang natitirang alak saka napapikit ng mariin. Hanggang sa hindi ko na lamang namalayang lumuluha na pala ako. Hindi ko pa maiwasang pagalitan ang sarili nang ang simpleng pag-iyak ay napunta sa paghikbi at hagulhol. Why the hell am I crying?
"Ahm miss, okay ka lang?", napaigtad pa ako sa gulat saka napatingin sa nagtanong saka siya pilit na nginitian. Waitress ng resto bar.
"Ah oo, sorry. Sadyang hindi lang talaga maganda ang araw ko. Pasensya sa abala.", tanging sagot ko na lamang at napatango naman ito. Binigyan pa ako nito ng panyo bago bumalik sa trabaho.
Napahinga na lamang tuloy ako ng malalim saka napasulyap sa phone ko. In-on ko naman ito at bumungad naman sa akin ang isang litrato.
It was a picture of his. With his bride-to-be. Muli na naman akong napahikbi habang nakitang masayang-masaya na siya. How the hell he can just moved on from the almost 5 years that we had? Panong ang dali lang para sa kanyang bitawan iyon?
Ni hindi nga man lang umabot pa ng isang taon magmula ng mag-break kami. How can he just start instantly over again, habang ako rito ay lugmok na lugmok pa?
"Ey there.", napatigil naman ako saka napasulyap sa nagsalita. Nakita ko namang isang babae itong hindi naman nalalayo sa edad ko. Maybe she's just a few years older than me. Umupo naman ito sa harap ko saka nilapag ang dalawang beer na dala-dala niya.
"Hmm, ex mo?", aniya kaya napalunok ako.
"Ilang taon?", tanong niya pa at hindi ko alam pero kusa rin akong sumagot.
"5 years.", sagot ko kaya napatangi naman ito.
"I see he's getting married huh? Still ain't over with him?", tanong niya pa uli kaya napatitig ako sa kanya. I don't know, but I could see myself from her. Her lips were smiling but still there's sadness in her eyes.
"No matter how long you've been with someone, if they'll meet someone after you that they want to be with for the rest of their lives? Wala na tayong magagawa dun. We were just part of their past, exes.", lintiya niya kaya napalunok ako, because she has a point.
"But there's no problem about crying about it, lalo na kung mahal pa natin iyong tao. Pero hindi natin iyon pwedeng i-sumbat sa kanila, because right in the first place we agreed na maghihiwalay na. Iyon nga lang, siya nakahakbang agad, habang ikaw naiwang mag-isa.", dagdag niya pa kaya napalunok ako.
"Cry your eyes out right now. Ilabas mo lahat, then after that, slowly, try to think better and cut your strings off him. Don't be stucked om the same page where you've been left, darling. Try to flip it on the next one.", aniya pa kaya napatango ako.
"This beer is on me. Drink until you're wasted. We shouldn't waste our time crying over guys, darling. Yes, our feelings were valid, but nah, it isn't necessary. Know your worth, lady.", sambit niya saka ako kinindatan at umalis. Kita kong kinausap pa siya nung isang waitress. Mukhang nagt-trabaho rin siya dito, but the she acts, it's as if she own this. Baka.
Napahinga naman akong malalim saka inalala ang sinabi niya. And she got a point. Pumayag akong makipaghiwalay eh, so why do I made myself be stucked in here?
Ba't pilit ko pa rinh hinahawakan ang matagal na namang bumitaw sa akin? Napatingala na lamang tuloy ako para pigilang muli ang pagbuhos ng aking mga luha.
Yes, I want to move on. Naiintindihan ko rin ang point nung babae, but it's easier to be said than done. Oo, gusto kong bumitaw na. I've been working hard on that. But I really don't know how to start. I don't know how, kasi kahit anong bitaw ko, why do I always end up being stucked on the same page?
BINABASA MO ANG
One Shots 102
RandomAnother compilation of one shots that I have written for the first 4 months of 2021! Hope you'll enjoy reading! Highest Rank Achieved: #6 in oneshots #47 in thriller #374 in random #207 in tragic