OS44: I Was Once His

11 2 0
                                    

I Was Once His

"Ma'am Aika! Tawag ka sa taas.", sambit ng isa sa mga ka-trabaho ko kaya napatango na lamang ako saka tumayo mula sa pagkakaupo.

"Saang taas ba?", tanong ko pa sa kanya kaya natawa ang iba.

"Sa'n pa ba? Kay boss Kalix.", sagot niya kaya napatango na lamang ako. I was in the architectural department.

At iyong tinutukoy naman niyang Kalix ay head ng engineering department. Nasa taas office nila, just above from ours.

Since walang bakanteng elevator ay napilitan nalang akong maglakad sa may hadgan, since na-realize kong hindi na pala ako gaanong nakakapag-work out ngayon dahil sa tambak ang workload namin. Halos everyday overtime.

I thought architecture was such a great course, that it could bring me lots of money. But dude, it was pretty exhausting. Well, lahat naman ata ng trabaho nakakapagod.

Kumatok lang ako sa may pintuan ng office nila saka ito binuksan. Agad ko ring nilibot ang paningin para sana hagilapin kung nasa'n si Kalix at nakita kong nakatingin ito sa akin.

Halatang inaasahan ang aking pagdating. Hinintay talaga akong makaakyat, atat lang? Kidding aside, nginiwian ko nalang ito nang nginisihan ako nito nang magtama ang tingin namin.

That annoying smirk of his. Pero sabi nila mas lalo raw siyang guma-gwapo kapag ginagawa niya iyon. But I do really find it annoying.

"Hmm, problema?", bungad ko sa kanya kaya natawa nalang lamang ito.

"Grabe Katniss, problema agad?", sagot niya kaya inirapan ko siya.

"Hindi ka pa naman siguro baliw para tawagin ako rito ano? Saka dzuh, grabe. Hindi mo man lang naisipang ikaw ang bumaba since ikaw ang may sasabihin.", turan ko kaya natawa naman ito.

"May ipapakita kasi ako, chill. Masyado kang highblood Katty.", aniya kaya inirapan ko siya. Agad naman nitong hinarap sa akin ang monitor ng computer niya.

"I think may problema dun sa isang sinubmit niyong blueprint para dun sa isang project natin sa Bacoor.", may itinuro naman ito sa may left side kaya napatingin rin ako dun at di ko maiwasang hindi mapasulyap sa ring finger niyang may singsing.

And yah, he's married. Unlucky. Pfft. How cruel isn't it? "Hindi ata magandang idea ang gantong design para sa gusto nung client. And, parang medyo hindi nam-maximize ang space. I am not asking na baguhin, but perhaps, maybe you could work on it? Like may ibabawas o di kaya idagdag na kung ano?", seryosong aniya kaya hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa mukha niya.

He looks neat and clean. Pointed nose, pout red lips, chinky eyes, he's fair-skinned, curly eye lashes, and those lovely hazel brown eyes. He's really a definition of perfection.

Napakagat labi naman ako nang mahuli ako nitong nakatitig sa kanya habang nag-eexplain kaya iniiwas ko ang tingin. At hindi ko alam pero kusang napunta ang tingin ko sa picture fràme na nasa mesa niya.

It was a picture of his family. With his daughter and wife. Hindi ko alam pero tila ba bumigat ang loob ko pagkakita ko nun. Bahagyang napalunok dahil sa tila ba may namumuong sama ng loob ng sa dibdib ko.

Ako kasi dapat iyon. I was supposed to be the one he has to marry. Ako iyong nauna eh, but then he ended up marrying my bestfriend. But what can I do? Wala na naman. Sila na. I was already out of the picture. All I can say is, I am glad I was once his.

One Shots 102Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon