Don't Fool Me
Napatitig naman ako sa kanya and I can see his smiling face while walking towards me. The audacity.
"Ey mahal.", bungad niya pa sa akin kaya naikuyom ko na lamang ang kamao ko saka siya pilit na nginitian.
"Mahal, natagalan ka ata.", sagot ko na lamang at hindi ko mapigilang hindi magngitngit sa inis nang may maamoy akong pabango ng babae.
"Nagbago ka ba ng pabango? Iba ata amoy mo ngayon.", puna ko rito at agad ko namang rumihestro sa mukha nito ang kaba. Magloloko na nga lang, magpapahuli. Tanga.
"Ha? Hindi ah. Baka sa iba iyon mahal.", tanging sagot nito saka sinulyapan ang ring finger niya. Hindi niya suot ang singsing.
"Singsing mo?", tanong ko pa uli at nakita ko namang napakamot ito sa ulo.
"Tinanggal ko kanina, nangangati kasi daliri ko. Nasa kotse, tara na ba? Baka ma-late na tayo sa appointment.", aniya kaya napatango naman ako saka siya bahagyang niyakap. Nangangati raw daliri, perhaps mas magandang sabihin na iyong alaga niya ang nangangati. Halatang nagpapakamot sa iba eh.
"Mahal, h'wag mo kong iwan ha?", malambing ko sambit at niyakap naman ako nito saka malamyos na hinalikan sa pisngi.
"Oo naman.", aniya kaya napatango ako saka dahan-dahang inilapit ang bibig sa may tenga niya.
"Don't fool me Kris, don't you ever dare. You will surely regret it.", malamig kong ani kaya ramdam kong bahagya itong nanigas.
"Tara na, excited na akong malaman ang gender ni baby.", masayang ani ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin.
Despite of my warnings, nagpatuloy pa rin siya. He just keep his resiliency. Acting as if he's not doing a nasty thing. It was really a wrong move marrying this bastard. Sa una lang pala magaling.
Now that I've realized na pinakasalan lang pala ako nito dahil sa mamanahin ko. How thick-skinned could he be. Masyadong matayog ang pangarap. As if I'll let him have even a single penny from it.
**
"Maurice, I'm sorry please. H'wag mo 'tong gawin.", pagmamakaawa niya sa akin habang parehas na nakatali ang kamay at paa niya. He was now begging for his life.
"Didn't I told you? Don't fvcking fool me Kris. I gave you hints. Ang kapal naman kasi talaga ng mukha mo, I was 6 months pregnant Kris!", nanggagalaiti kong sigaw sa kanya.
"Pero nakunan ka! You were careless!", sagot niya pa kaya natawa ako saka hinawakan ang baba niya ng mariin.
"Hindi mo alam? Hindi mo alam ang ginawa ng kabit mo sa akin?", tanong ko pa at nakita ko namang bahagyang nagulat ito. Baka nalilito sa kung sinong babae niyang tinutukoy ko.
"I thought it was my fault Kris. But no, your mistress made me drink something. Without my knowledge. How clever can she be. Pero labas ang anak ko sa kabalastugang ginagawa mo Kris. Anak ko iyon, hindi kanya, but still she chose to kill my baby.", ani ko habang tila ba paunti-unti nang nagiging emosyonal.
"So I prepared a surprise. Happy anniversary!", biglang palit naman ng emosyon ko nang maalala ko ang sorpresang hinanda ko para kay Kris. May pinindot ako sa remote na hawak-hawak ko at bumukas naman ang ceiling at bumungad sa amin ang katawan ng isa sa mga babae niya. I totally forgotten about her name. Is it Clarisse? Celine?
"M-maurice! Anong ginawa mo!?", sigaw na lamang ni Kris habang nakatingin sa katawan nung babae.
"Didn't I told you, that you're going to regret for making me a fool Kris? This is what I meant.", ani ko sa kanya saka siya hinataw ng baseball bat ang ulo niya ng paulit-ulit.
Napahalakhak lang ako nang makalipas rin ang ilang minuto ay tila ba'y wala na itong buhay. Napangisi na lamang tuloy ako saka pinahid ang mga dugong tumalsik sa mukha ko. Pwe! His blood even taste so bitter.
Agaran ko namang tinawagan ang isa sa mga tauhan ko to clean this mess up. Bahagya pa akong napatigil nang may makapa ako sa bulsa. A pregnancy test kit. It wasn't mine, it was owned by his mistress.
And yes she was pregnant. But I couldn't care less. Mata para sa mata. Ngipin para sa ngipin. Buhay ang kinuha, kaya buhay ang kapalit.
"T-tulong." napatingin naman agad ako dun sa babae at nakitang nagalaw pa ang mga daliri nito. Agaran rin naman akong nag-squat saka ito sinulyapan. Bahagya ko pang hinaplos ang mukha niya saka ito sinampal.
"You could have done any better. Kung hindi mo lang sana dinamay ang anak ko, mabubuhay rin sana kayo ng anak mo. But you little devil did such a terrible thing, so you should pay for the price.", sambit ko pa sa kanya saka tumayo at patawa-patawang umalis sa lugar na iyon.
At hindi ko na lamang alam kung ano ang nangyari. Bigla-bigla na lamang ay may kakaiba akong naramdaman. It was as if something was pulling me off. I was driving pauwi, when a sudden flash of light just came from nowhere. And in no time, I felt a sudden gushed of pain.
Hindi ko na lamang tuloy mapigilang hindi mapangisi. Masyado ata akong mahal ni Satanas. Gusto agad kaming mag-reunion sa impyerno. P*tangena.
BINABASA MO ANG
One Shots 102
RandomAnother compilation of one shots that I have written for the first 4 months of 2021! Hope you'll enjoy reading! Highest Rank Achieved: #6 in oneshots #47 in thriller #374 in random #207 in tragic