Espresso Love

21 6 0
                                    

Life is like coffee; It can either be bitter, sweet, or bland.

The bittersweet aroma of freshly ground coffee beans assaults my nostrils as I open the coffee shop's door. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko habang inililibot ang tingin sa loob. The dainty interior is really cute, hindi iisipin ng kung sino na lalaki pala ang may-ari. Araw-araw ay dumaraan ako rito sa Pink Oven para umorder ng morning coffee ko bago pumasok sa trabaho. But today, I went here not for their coffee but...

"Good morning, Bailey!" Mas lumawak pa ang ngiti ko nang marinig ang bumati sa akin.

"Hi Brent, good morning." I can feel the flutter of butterflies in my stomach.

"The usual?" I nod in answer. I bit my lip to stop myself from giggling when he winked at me. He is such a flirt!

Pagkatapos bayaran ang inorder kong kape ay dumiretso ako sa pinakamalapit na bakanteng lamesa.

I stare at Brent's back while he's preparing my coffee. Hindi ko talaga inaasahan na magkikita kaming muli pagkalipas ng ilang taon. We've been friends since I can remember, pero nagkahiwalay kami nang mag-aral siya sa ibang lugar. We tried communicating through emails and chats, but eventually; we lost touch because of our busy schedule. Kaya naman tuwang-tuwa ako nang magkita kaming muli a year ago, dito mismo sa coffee shop na 'to.

"Here's your Large Iced Americano with one extra shot of espresso on the side." Nakangiting inilapag niya ang order ko sa mesa bago umupo sa upuang nasa harapan ko.

Nagtatakang napatingin ako sa kanya. He usually calls me to the counter to pick up my drink. Napansin ko rin na hindi na niya suot ang pastel pink na apron. What's up with him?

"So—" Nagkatinginan kaming dalawa bago umalingawngaw ang tawa namin sa buong coffee shop. Buti na lang at kaunti lang ang tao.

"You go first." Kinuha ko ang kapeng inorder ko at sumimsim dito. The bitter and slightly acidic taste of the arabica tickles my taste buds, pero may kakaibang lasa ang kape ko ngayon.

"I like you, Bay." Sunod-sunod ang naging pag-ubo ko nang marinig ang sinabi niya. Nang sulyapan ko siya ay nanlaki ang mga mata ko.

"Oh my gosh! I'm so sorry!"

Kinuha ko ang nakatagong panyo sa blazer ko at pinunasan ang mukha niya. Nakakahiya ka, Bailey!

Pero imbes na mainis siya sa akin ay hinawakan niya ang kamay kong may hawak ng panyo.

"It's okay, Bay. Sa wakas natupad na ang pangarap kong maligo sa kape." Tumawa siya nang mahina habang ako nama'y napayuko sa kahihiyan. Akala ko'y bibitiwan na niya ang kamay ko pero habang pinupunasan ang mukha niya ay hawak pa rin niya ito.

I could feel goosebumps on my skin when he intertwined his fingers with mine. My mind's in disarray. I'm happy and nervous at the same time. But there's this nagging feeling behind my mind. Am I ready to take the risk?

"Kailan pa?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Ah, nakalimutan ko nga palang manhid ka, Montero." Napairap ako nang banggitin niya ang apelyido ko. "Since high school. Mukhang hindi mo nakita 'yong inilagay kong sulat sa paborito mong libro bago ako umalis noon. Gusto mo bang malaman kung anong laman n'on?"

Umiling ako at ngumiti.

I don't need to know what's in that letter, because now I know the feeling is mutual. I usually visit this coffee shop for coffee. But when I saw him working here, nadagdagan ang rason ng pagbisita ko rito. Maybe it's a sign. Maybe it's fate talking.

I realize what is different with my coffee today. It's the sweet aftertaste of vanilla and caramel, my two favorite flavors before he left. The flavors I tried to forget because they remind me of him.

"I like you too, Brent." My smile grew wider when I saw the shock in his eyes. "You look silly, dummy."

And before I can react, he stands from his chair and crosses the distance between us. "Who would've thought that espresso can tastes this sweet?"

And by that kiss, I know deep inside that I'm more than willing to take that risk.

Espresso LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon