Prologue

67 4 0
                                    

"Alam mo ba, kaytagal kong hinintay ang araw na ito. Ang mag-usap tayo harap-harapan at sabihin sayo lahat ng gusto kong sabihin since break up natin", habang kaharap ko si Anie sa kabilang duyan.

"Alam mo bang iniyakan kita ng husto nung iniwan mo ako? Uminom kami nung birthday ni Louise sa bahay nila. Pinilit akong pinaiyak ng mga barkada niya pero nanindigan akong di ko gagawin yun. Pero ilang minuto lang, umepekto na yung alak na ininom ko. Nagsususuka ako sa kanal sa harapan ng bahay nila at hindi ko napigilan ang luha ko. Bumagsak na lang ito at nag-iiiyak na lang ako pero wala akong magawa para maibalik na ang nawala sa atin", nakikinig lang sa akin si Anie na nalulungkot din sa nangyari sa amin.

"Ako din naman, hindi ako naglalalabas ng bahay kahit na may outing kami. Hindi na nga rin ako pumunta sa birthday ng pinsan ko sa Pangasinan dahil gusto kong mapag-isa", habang tinititigan ko lang siya.

"Isa pa, hinihintay kitang makipagbalikan sa akin noon pero wala akong mahintay".

"Ako din naman eh. Hinihintay din kitang makipagbalikan sakin dahil ikaw itong nakipaghiwalay sa ating dalawa", natawahimik na lang si Anie nang sinabi ko sa kanya ang linyang ito.

"Naalala ko pa nga, kinukuha mo pa sa akin yung speaker na binigay mo sakin. Diba nga walang balikan ng mga gift?"natatawa kong sabi kay Anie.

"Pero swerte ng girlfriend mo ha", sabi niya sa akin.

"Bakit naman?", nagtataka kong tanong sa kanya.

"Because she have someone like you, malas ko lang at pinakawalan pa kita noon", nakasimangot na sinabi sa akin ni Anie sa akin at ngumiti na lang ako ng pilit. Tumayo ako sa swing na kinauupuan ko, lumayo ako kunti sa kanya at hinarap ko siya. Tinignan ko siya sa mata.

"You know what, sa dami ng nangyari sa atin. Good or Bad man ito. Nagpapasalamat parin ako sa Diyos at nakilala kita. You know why? Because you're THE BEST THING HAPPEN IN MY LIFE".

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon