Naranasan nyo na bang sumakay sa pampasaherong jeep na punuan?
yung tipong kakabadtrip kase siksikan?
Ang malas mo pa kung yung driver nang jeep pilit pang nagpapasakay kahit wala nang mapupwestuhan...
Yung sa sobrang siksikan, daig nyo pa ang Sardines in Can??? LOLs!!!.
Eh pano kung isang cute Guy ang makatabi mo sa siksikang jeep ni manong?
Mababadtrip ka pa ba?
O magpapasalamat ka na lang kay Manong driver dahil buwaya sya sa pasahero????
^_____^
-----------------------------------------------------------------------------
"Grabe ang tagal mo!"
"Akala ko ba 7am ang usapan???"
"Anung petsa na?"
Rumatsada na naman ang machine gun na bibig nang pinsan ko! Diosme na-late lang ako nang 30 minutes grabe nang magfreak out!!!
"Couz... Kalma lang ano.... May humahabol ba saten? San ang sunog? May giyera ba? Excited much???"
Kakatapos lang nang Christmas at dahil vacation pa from school sinamantala na namin ang chance na dumalaw sa iba pa naming relatives sa Calamba, Laguna....
Ako nga pala Loise Anne Marasigan, yun namang babaeng may machine-gun na bibig ay ang pinsan kong si Rei Joyce Panganiban. Kasama din namin si Ate Jenelle, ang nag-iisang kapatid na babae ni "Rejoyce" I mean si Joyce... Bale magkapatid si ama at ang mother nina Joyce at ate Jenelle.
(Wag kayong maingay kundi patay tayo kay Joyce!!!! Pikon pa naman yun lalo na kapag pangalan na nya ang involve.... hihihihi!!!! )
Eto kaming tatlo ngayon sakay ng jeep puntang San Pablo, Laguna... From San Pablo kailangan pa naming sumakay nang another jeep going to Calamba.
After 45 minutes andito na kami sa San Pablo. Sa terminal nang jeep going to Calamba. Mas trip naming sumakay dito sa terminal kesa maghintay nang dadaang swing na jeep tutal mabilis lang namang mapuno....
Pagsakay sa jeep kanya-kanya kaming pwesto. Dun na kami naupo malapit sa driver.
Eto ang pwesto namin:
Guy - Ate Jenelle - Ako - Guy ulit
Joyce
Talagang hindi tumabi samen si Joyce huh... Iba din kase trip nun eh.
Wala pang 5 minutes kaming nakakaupo pero papuno na agad yung jeep....
"Makikiipod na po! Wala naman pong bayad ang ipod! Labing-isahan po yan!" - Kundoktor
"Aba kuya sagad na sagad na ako dito baka gusto mong dun na ako maupo sa upuan nang driver???" - matandang babaeng nakapwesto sa likod nang driver.
"Isa pa po sa kanan makiki-ipod na po! Hindi naman po aalis itong jeep nang hindi puno!" - kundoktor.
"Hoy ipod na daw!" - Joyce.
"Grabe! eto na nga eh." - sagot ko.
(Grabe!! Alam nio yun??? Yung tipong kapag pinawisan ang katabi ko siguradong basa pati ako! Yung tipong magkakaamuyan na kami nang hininga sa sobrang siksikan! Kabadtrip na.. Kaya lang bigla kong naalala yung sabi ni Joyce nung isang araw.... Napansin ko kase na kahit siksikan na sa jeep hindi pa rin sya nagagalit eh mainitin pa naman ang ulo ni Joyce, bungangera pa kaya hindi na ako nakatiis na tanungin sya...)
BINABASA MO ANG
Manong Driver, Isang Malakas na Preno Pls!!! (ONE SHOT)
Short StoryHango sa tunay na buhay (ni alam mo na kung sino ka) ang ilang eksena sa story kong ito.... hahahaha!!! :) .... hanggang ngayon napapangiti pa rin ako kapag naaalala ko ang itsura mo nun... buti na lang sa tapat mo ako nakapwesto kaya naman kitang-k...