VERONICA'S POV"Nakakahiya yung ginawa mo , para mo narin ikinahiya yung pamilya mo sa ginawa pagpapalit dyan sa pangalan mo." Galit na sigaw ni Dad.
"Dad , it's not permanently , it's temporary lang naman." Saad ko.
"Why you really need to do this?!" He asked. I sigh.
"I just want to have a Peace Life." I said. He clenched his fist.
"What the hell are you doing! Peace life? Mas nilalagay mo lang sa kapahamakan yang sarili mo!." Sigaw niya.
"Dad , alam niyo naman yung nangyari sakin noon at ayaw ko ng maulit yun ngayon."
"Maraming paraan para hindi na maulit yun , hindi yung sa ganitong paraan." Galit na galit na talaga siya.
"But dad!..."
"Fine! I will let you to do this! But in three condition." He said seriously.
"What condition?"
"Una kukunin ko ang Credit Card mo , Pangalawa hindi kana dito titira , at pangatlo panindigan mo yang buhay na gusto mo." Saad niya at lumabas sa kwarto ko. Napahinga ako ng malalim , kakayanin ko kaya 'to?
_____________________
"I'll give you Ten Thousand , kapag naubos yan hindi na kita bibigyan , magtrabaho ka para sa sarili mo , tutal nagpapanggap kang mahirap edi panindigan mo.Then , Napaayos ko na yung Apartment mo , babayaran mo buwan-buwan yun. May isang ref ng pagkain dun , pagnaubos yun ikaw na ang bahala kung paano ka makakakain." Seryosong saad ni Dad. So seryoso pala talaga siya sa sinabi niya kagabi? Argghh!!!
"Fine i will. Papatunayan ko sainyo na kaya ko rin ang buhay mahirap."
"No , hindi mo kaya. Sa susunod na week babalik at babalik ka din dito."
"NO! Kayo narin ang nagsabi na paninindigan ko 'to !." Sigaw ko at lumabas ng bahay.
Buti nalang at binigay niya na sakin yung pera at yung adress.
Maaga pa naman para pumasok kaya hinanap ko muna yung Sapusomo. Sa pagtatanong-tanong ko ay nahanap ko agad ito. Medyo malapit lang pala 'to sa messy university , buti naman para hindi na ako gumastos ng pamasahe.
Pagkapasok ko sa loob ay may mga gamit na , maliit lang 'to pero malaki na 'to para sakin dahil iisa lang naman akong titira dito. May dalawang kwarto huh?.
Nang buksan ko ang Ref , punong-puno nga ito ng pagkain. Pero mauubos din 'to , kaya kailangan ko ng humanap ng trabaho.
Agad akong lumabas ng apartment. Maaga pa naman , maghahanap muna ako ng trabaho dito sa tabi-tabi.
Kanina pa ako naghahanap dito ng mapapasukang trabaho pero walang natanggap sakin. Kahit karenderya ay ayaw akong tanggapin , lalo na yung coffee shop. Sobrang hirap pala talaga maging ganito , pero patutunayan ko na kaya kong makipagsabayan sa mahihirap!. Gusto kong balang araw magiging proud siya sakin.
I miss my Mom , Kamusta na kaya siya sa France?
Tumunog yung Cellphone ko , it means kailangan ko ng pumasok sa School. Agad akong sumakay ng trycicle papuntang University , hindi ko na kayang maglakad.
Pagkababa ko ng Trycicle ay agad akong tumakbo papunta sa room namin , baka malate na naman ako. Lagot na naman ako kay Sir.
Sa awa naman ng diyos ay hindi ako nalate. Puro discuss lang naman kami , kaya nakakaantok. Muntik ng mapasukan ng langaw yung bunganga ko , dahil sa kaantukan buti nalang nag lunch break na.
"Hoy Grace! Bat parang pagod na pagod ka ha?" Tanong ni Zandra.
"Eh kasi , a-ano naghahanap ako ng trabaho. Kaso walang natanggap sakin." Sambit ko. Kagaya ng sinabi ni dad sa Call , kailangan kong panindigan yung itsurang ginawa ko sa mukha ko. Wag ko daw gamitin ang mukha ko para kumita ng pera. Kaya paninindigan ko 'to.
"Oh bakit ka naghahanap ng trabaho? Nasan ba ang mga magulang mo?"
"A-ahh? M-magulang ko? A-ahmm n-nasa probinsya."
"Saang probinsya?"
"Alam mo? Mas maganda kung pumunta nalang tayo sa Cafeteria at kumain." Sambit ko. "Good idea!!" Nakangiting sambit niya.
********
Bumibili si Zandra ngayon ng Makakaim namin , at sabi niya libre niya daw ako. Sobrang sama ng tingin sakin ng mga studyante dito , wala naman akong ginagawang masama sakanila ah?
"Oh bat ka nakatungo?" Tanong ni Zandra , nandito na pala siya.
"A-ahh wala wala."
"Alam ko na ang dahilan!" Sambit niya. Huminga ako ng malalim."Bakit kasi ang sama ng tingin nila sakin? Wala naman akong ginagawang masama sakanila ah?" Bulong ko.
"Wala kang ginawang masama sa kanila pero may ginawa kang masama kay Blaze. Nabalitaan ko yung nangyari , narinig ko sa usapan ng iba. Alam mo napakalakas ng loob mong sipain yung eggnogs niya , ikaw palang ang nakakagawa nun!" Bulong niya.
"So kapag may ginawa akong masama kay Blaze , magagalit na sakin ang lahat? Ganon?"
"Ganon na nga kaya ihanda mo na ang sarili mo."
"Ha? Bakit? Para saan?"
"Kasi paniguradong aapihin ka nila , lalo na yang si Blaze , yan ang number one bully dito sa University , ang pinaka ayaw pa naman niyan ay yung mga Nerd.."
"G-ganon ba?"
"Alam mo ganito kasi yan , noong panahong matino pa siya. May nakilala siyang Transferee na nerd , naging magkaibigan sila , kinukutya si Blaze ng karamihan dahil nga sa pakikipagkaibigan niya sa Nerd na yun. Di nagtagal naging sila , binalewala ni Blaze lahat ng pang-aapi sakanya tapos nalaman niya na Niloloko lang siya nung Nerd." Kwento niya.
"Anong klaseng panloloko? Pinagpalit?" Tanong ko.
"Nalaman niya kasi na Dare lang pala ng mga kaibigan nung Nerd yung pagiging sila. Atsaka hindi naman pala talaga siya Nerd , dahil isa siyang Model. Kaya ayun , nagalit ng sobra si Blaze.Simula nun naging cold at bully na siya sa mga nerd. " Seryosong sabi ni Zandra. Kawawa naman pala siya kaya pala naman ganun yung ugali kasi may pinagdaanan.
"Ahhh kaya pala... By the way naghahanap ako ng trabaho. May alam ka ba kung saan ako pwede pumasok?" Tanong ko.
"Nako sa ngayon hindi na tumatanggap ng mga applicants yung mga may business , maliban nalang kung mag-aapply ka bilang isang yaya." Umiiling-iling na sabi niya.
"Saan kaya pwede?"
"Sakin. Be my Maid , para narin sa kabayaran ng ginawa mo sakin or else patatalsikin kita dito sa University ko." Nakangising sabi niya. Napansin kong napaigting ang panga ni Vladymyr.
"Bro! Are you serious? gagawin mo siyang maid?" Tanong ni Vladymyr. Pero hindi siya sinagot nito , kinuha niya ang cellphone niya.
"Hello Dad-----"
"Fine! I will be your Maid!" inis kong sabi.Napangisi siya.
"Dad may maid na ako." Nakangising sabi parin ni Blaze. Pinatay niya agad ang tawag , So rude.
"Simula mamaya magsisimula ka ng magtrabaho sakin. Eto , nanjan ang number at adress ko. Call me if may itatanong ka." Mayabang na sabi niya at agad umalis.
"GOODLUCK." Saad ni Vladymyr at sumunod kay Blaze.
First Job ko Maid pa? Tapos kay blaze pa ako magtatrabaho?!
MAGSISIMULA NA NAMANG GUMULO ANG BUHAY KO.
"END OF CHAPTER 2"
DON'T FORGET TO VOTE , COMMENT , AND FOLLOW.
THANK YOU!05/13
BINABASA MO ANG
𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)
Teen Fiction𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖻𝗂𝗇𝖺𝗀𝗈 𝖺𝗇𝗀 𝖠𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖲𝖺𝗋𝗂𝗅𝗂 𝗎𝗉𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗄𝖺𝗅𝗂𝗆𝗎𝗍𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗄𝗂𝗇𝗀 𝖭𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇. 𝖠𝗄𝗈 𝗌𝗂 𝖵𝖾𝗋𝗈𝗇𝗂𝖼𝖺 𝖠𝖼𝗈𝗌𝗍𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝖻𝖺𝖻𝖺𝖾𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝖺𝗍𝖺𝗄𝖺𝗌𝖺𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗄𝖺𝗋𝖺𝖺𝗇 , 𝗇𝗀𝗎𝗇𝗂...