Chapter 8
NZ Lieu Rule
•••••••••••••••••••••••••••••••••
Nakaupo ako sa may bleachers ng tennis court ng Allegany. Tinext ako ni Tanya na dito kami magkikita. Nagpaalam na ako sa NZ kanina. Naipasa ko na rin ang napakaganda kong abstract painting sa Prof namin. Agad na papuri ang nakuha ko mula sa istriktang Prof. Nakakaguilty naman dahil hindi ko naman iyon gawa pero okay na yun kesa naman wala akong maipasa at mabulyawan lang nung Prof namin.
Nanunuod ako sa mga naglalaro nang gulatin ako ni Tanya.
"Arg! Tanya, papatayin mo ko sa gulat?" sigaw ko sa kanya.
Nakangisi lang si Tanya. Nakaskater skirt sya na black at long sleeve na checkerd.
"Masyado ka kasing serious. Anu bang meron?" aniya.
"Tse! Adik. Alangan namang magngingiti ako rito? Ikaw dyan, at anu nang meron sainyo ni Flint? Napuyat ka daw kagabi?" panunuya ko at naniningkit ang mga mata.
Hindi nakapagsalita si Tanya. Kiniliti ko sya. "What? Anong ginawa nyo at napuyat ka?" tanong ko ulit.
"Grabe ka Marionne! Sinamahan lang nya kong magpaint eh" sabi nyang namumula ang pisngi.
"Alam mo Tanya, okay lang naman kung si Flint eh. Mabait sya. Pero mag-ingat ka pa rin. Mayaman yan. You can't be sure kung anong pakay nyan sayo." sabi ko.
Tumango sya. "Mag iingat naman ako Marionne eh. Tsaka hindi naman ako magpapakatanga noh" aniya at umirap.
Tumawa ako. "I'm just giving you a warning huh"
Ngumiti si Tanya. Niyakap ko sya. "I'm happy for you friend. Sana maging masaya ka sa kanya" sabi ko.
Hindi na nanliligaw sa kanya si Lance. Hindi ko alam ang nangyari pero parang si Tanya na ang nagpatigil rito na manligaw. Dahil na rin siguro sa nararamdaman nya kay Flint. Alam kong iba na ang estado nito. Baka nga sila na eh pero inililihim lang yun ni Tanya. Pero okay lang, naiintindihan ko naman sya eh.
"Salamat Marionne. Ikaw lang ang nakakaintindi sa kin." aniya
"Syempre kaibigan kita. Lahat ng desisyon mo susuportahan ko. Basta pakinggan mo lang ang mga payo ko." ngiti ko.
"Promise! Babaunin ko lahat ng payo mo, at ikaw ang unang makakaalam kung kami na" ngiti nya rin.
"So hindi pa pala kayo?" pagtataka ko.
"Oo naman! Anong akala mo sakin? Were getting to know each other pa rin. Hindi porket magkasama kami sa iisang bahay eh easy-to-get na ko?" sabi nya na nakapagpangiti sa kin.
"That's my girl!" sabay gulo ko ng buhok nya.
"Arg! Stop it Marionne! Eh kayo ni Kevin? Musta na kayo? Ang tagal na nya sa Batangas ah" tanong nya.
Nagpout ako ng lips. "Oo nga eh. Namimiss ko na nga sya eh. Uuwi na daw sya in a week."
"Thats Great! Pagdating nya, labas tayo hah. Kasama si Flint" sabay ngiti nya.
"Oo ba. Pero parang awkward naman? Baka sumama lahat ng NZ. Ma-op pa si Kevin. Alam mo na, a matter of rich and poor." sabi ko lang at tumawa.
Hindi naman big deal sakin na mahirap lang si Kevin eh, mahal ko ito. At alam kong kami ang bagay dahil hindi ko naman pinangarap na magkaboyfriend ng mayaman. Although, I'm starting to like David.... Really? Starting to like talaga Marionne? Baliw kana! Kung anu-anong iniisip mong babae ka! Siguro ay crush hindi like. Dahil siguro sa mabait sya, gwapo at misteryoso kaya napukaw nya ang damdamin ko.
Hindi naman sa ini-echepwera ko si Kevin pero may panlaban din naman sya pagdating sa kagwapuhan. Marami kayang umiiyak at nagkakandarapa roon sa kanya sa street ng apartment namin. Pero ako lang ang gusto nya. Kaya mahal na mahal ko sya.
"Hindi naman sila ganon Marionne. Nakasama ko na silang lahat sa isang party. Mabait silang lahat. Lalo na si Brayden." ngiti nya. "Ay hindi mo pa sya nameet diba? Hindi pa ata sila dumadating eh. Nasa out-of-town pa rin" sabi nya lang.
Tumango lang ako. Nakaexcite naman. Mabait yung Brayden? Ano kayang hitsura nya?
"Mabait yon. Kahit alam nyang maraming nagkakagusto sa kanya, keri lang teh. Hindi sya mahangin hindi gaya ng iba. Mabait talaga sya. Mas mabait pa kay Flint at David." sabi nya lang.
What? Mas mabait pa kay Flint at David? Ano sya, anghel? Tss. Natawa lang ako.
"Totoo ba yan? Baka kabaliktaran naman?" tanong ko.
Tumawa sya. "Loka. Hindi noh? Mabait talaga un. Ay nako. Kung mamimeet mo un baka un pa ang maging crush mo" aniya. Alam ni Tanya na crush ko si David. Pero hindi sya ung gaya ng iba na nang aasar.
"Duh? I dont think so. Pero intriguing sya ah." sabi ko lang.
"Tan, nakapasok kana ba doon sa NZ Lieu?" biglang kong tanong.
"Ah. Oo, bakit? Pinapasok ka roon di ba?" nanlaki ang mga mata nya.
"Bakit bawal bang makapasok roon?" ani kong kumunot ang noo.
Niyugyog nya ang balikat ko. At kinikilig.
"Sino ang nagpasok sayo roon. Si Jarred? Trav?" tanong nyang kinikilig.
"Si David. Ba-bakit? Is it a big deal?" pagtataas ko ng kilay.
"Ano ka ba Marionne? Don't you know the NZ Lieu rule?" tanong nyang parang nagulat.
"NZ Lieu rule? Hindi. Ano ba yon?" pagtataka ko. May ganong factor?
"Tss. Tss. Ano ba yan Marionne? Hindi pwedeng magpasok ang kahit sinong babae sa Lieu. Unless-" sabi nya. Hinya nya naituloy ang sinasabi nya.
"Unless, what?" tanong ko rin.
"Unless your one of NZ's girlfriends or they're dating you." sabi nya.
Nanlaki ang mga mata ko. "What?? Kahit tinulungan nya lang ako?" sabi ko.
"Thats not an excuse Marionne. Pwede namang sa cafeteria dba? Alam mo bang ako palang, si Farrah at si Reinee ang nakapasok sa NZ Lieu?" bulalas nya.
"What? Reinee? Yung blonde girl?" tanong ko.
Siya ung unang babaeng dinala ni David sa Lieu? Anong namamagitan sa kanila?
May kirot na namayani sa puso ko. Bakit ganto? I shouldnt have this feeling. F*ck!
"Oo. They're both inlove with each other. I dont know what happen next? Mga ilang buwan na rin silang hindi nag uusap eh." sabi nito.
Now I know bakit ako tinambangan ni Reinee sa loob ng school. Hindi nya matanggap na may ibang babaeng lumalapit kay David.
Pero anung nangyari? Mahal nila ang isa't-isa pero hindi na sila nag uusap? Ano yon? Hmmm. Siguro ay may pinag awayan sila.
Bakit gantoh ang nararamdaman ko? Damn! Kevin bumalik kana!! Arg!!
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤