Twenty Eighth

36 3 0
                                    

Gwen


Patuloy ako sa paghagulgol dahil hindi ko rin maiwasang pigilan ang sakit na nararamdaman ko. The pain is killing me inside. Para akong paulit-ulit na sinaksak ng kutsilyo sa puso. I've been in multiple pains before but I could say that these happenings are the most painful. I've already said before that love comes with pain. But why can't I still bear with it? Hindi ko na-imagine na makakaramdam ako nang ganitong klaseng sakit. Gusto kong itanong sa mundo kung bakit ang sakit magmahal? Gusto kong itanong sa tadhana kung bakit kailangang may iyak sa likod ng bawat saya?


We've been great for over a year. Minahal namin nang sobra-sobra ang isa't isa, so why? Why do I have to go through all these pains? Bakit kailangan kong masaktan kung ang gusto ko lang naman ay mahalin at suportahan si Dos?


I don't know what to do right now. I am in too much pain and confusion. Naiinis ako na handang ipagpalit ni Dos ang mga pangarap niya para sa akin. Sobra akong nasasaktan dahil alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang musika. It was his dream with his mother. Bago niya ako nakilala, mas nauna niyang minahal ang musika. So why? Why does he have to end up picking me instead?


Sobrang mahal ko si Dos at kaya kong i-sakripisyo ang lahat para sa kanya. Alam ko sa sarili kong magiging masaya ako kapag nakita ko siyang natupad ang mga pangarap niya. I want him to fly and I want him to reach for the skies and the stars pero hindi ko naman kayang mawala siya. If I let him fly, it would be over for us. But if I let him stay, it would be over for his dreams. I just don't fucking know what to do! I don't want to be selfish yet I can't afford to lose him too. These are just too much to handle.


Naramdaman ko pa ang pagsunod sa akin ni Dos mula sa kabilang banda ng kalsada. He was running towards me. Gustuhin ko mang lumayo but my feet won't cooperate. I lost the strength to run away. Hanggang sa namalayan ko nalang ang paglapit niya. Nasa likuran ko siya and he was hugging me from my back. Mas tumindi ang paghagulgol ko nang maramdaman ko ang pag-iyak ni Dos.


"Kausapin mo naman ako. Babe, tell me. Tell me what's wrong so I would know how to fix it. Gwen, please... nahihirapan akong makita kang ganito." He whispered.


Kinalas ko ang pagkakayakap niya but he was embracing me too tight. "Dos, hayaan mo muna ako. I just want to be alone. Gusto kong makapag-isip. Bumalik ka na muna doon at baka hinahanap ka. Maraming fans ang nag-aabang sa'yo, ayos lang ako Dos---"


'"Gwen, hindi! Hindi ka maayos! Hindi pwedeng palagi ka nalang okay kahit ang totoo ay hindi!" He let me go and stared at me with too much pain in his eyes. "I won't be performing kasi hindi ako pumirma ng kontrata. Ayaw ko na. Ayaw ko ng ituloy ito."


"Naririnig mo ba ang sarili mo? Ano 'yun Dos? Gano'n-gano'n mo nalang itatapon ang lahat? Pangarap mo 'yan, pangarap ko para sa'yo, pangarap ni Tita Maricar para sa'yo---"


"Walang silbi ang lahat ng ito Gwen, kung wala ka!" He sighed. Kapwa kami umiiyak habang nasa gilid kami ng daan pero wala na kaming pakialam. May mga dumadaan at napapatingin sila sa amin but they are not in our shoes to feel the pain we are containing. "Tangina! They are asking me to break-up with you. Paano ko kakayanin 'yun? Paano ko magagawa sa'yo yun? Ni hindi kita kayang saktan."


"Noong una palang sinabi ko na sa'yo, na huwag na huwag mong ipagpapalit and mga pangarap mo para sa akin. Dos, maiintindihan ko naman eh. Maiintindihan ko kung hindi pa ito ang tamang oras para sa atin. Makakapag-antay ako pero 'yang pagiging singer mo, wala ng next time."


"Gwen, ayaw ko. Ayaw ko kasi hindi ko kaya!" He held my hands tightly. "Mas mahalaga ka sa kahit na anong bagay. Mas mahal kita sa kahit anong bagay --"


A Music In My Heart (VA Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon