Destiny of the North

150 17 54
                                    

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidence.


....


"You were my own north star. Always in sight even though afar."


....



******

"Ms. Savannah Claire Perez, you're next." 



Agad naman akong tumayo nang marinig ko ang pangalan ko. Inayos ko muna ang mga gusot sa shirt ko at pinagpagan ang pantalon ko. Pinagkiskis ko ang aking mga palad at bahagya itong hinipan. Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.




Huminga muna ako nang malalim bago siya sundan. Kasalukuyan akong nag-aapply ngayon ng trabaho at sa kabutihang palad ay may hiring sa kompanyang 'to. Binigay lang kasi sa akin ng kakilala ko ang address na 'to kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumunta agad dito. Wala pa akong gaanong pahinga dahil kakabyahe ko lang mula sa probinsya papunta rito sa syudad.




Umalingawngaw sa magarbong hallway na 'to ang tunog ng takong na suot ng babaeng nasa harapan ko. Matangkad at balingkinitan ang pangangatawan nito. Napatingin naman ako sa ayos ko at bigla akong nanliit sa sarili ko.




Simpleng white t-shirt at black jeans lang ang suot ko na pinartneran ko ng black sandals. Halatang hindi bagay ang gan'tong suot sa magarbo at mamahaling lugar na ito. Sumakay kami sa elevator at pinindot niya ang 10th floor. Tahimik lang akong nakatayo do'n ngunit rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso ko. Huminga naman ako nang malalim at inayos na lamang ang sarili. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa 10th floor, at muling naglakad sa magarbong hallway.




Sa ilang minuto naming paglalakad ay nakarating na rin kami sa tapat ng pintuan. Nasa likod lamang niya ako habang kumakatok siya sa pintuang nasa tapat namin.




"Come in." Isang pamilyar na baritonong boses ang aking narinig mula sa loob ng opisinang iyon. Unti-unti namang sumiwang ang pintuan at bahagya akong napahawak sa braso ko nang maramdaman ko ang lamig na nanggagaling sa loob. Nanuot din ang mabango at pamilyar na amoy sa aking ilong.




"Pumasok ka na," malamyos na saad no'ng babae. Gumilid naman siya para bigyan ako ng daan kaya sinuklian ko siya ng isang malapad na ngiti. Tumango na lamang siya at iniwan na ako roon.




Namamawis na ang aking mga kamay habang papalapit sa upuan na nasa tapat ng mesa ng CEO. Bigla namang nanlaki ang aking mga mata ng mabasa ko ang pangalan nito. Kasabay no'n ang pagharap sa akin ng taong kilalang-kilala ko.

Destiny of the NorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon