Taragis na yan!!! Bakit sa lahat ng magiging kamukha pa ng Emperor ay ang malanding si Von pa!
"Hindi ka pa rin ba magsasalita Miss?" Bakas sa mukha niya ang pagkairita. Halata namang gusto na niya akong ibalibag kaso nagpipigil lang siya.
Naagaw ang buong atensyon namin nang may biglang nagsalita
"Kamahalan, patawarin mo ang aming anak. Hindi pa po kasi siya bihasa sa pag gamit ng kaniyang mahika" nakaluhod pang sabi ng isang lalaki
"Kamahalan nakikiusap kami. Patawarin mo ang aming anak." Nakaluhod ding sabi ng babae
Sa tantiya ko mag asawa sila.
Naramdaman ku na lang na parang lumulutang ako sa ere.
Buhat-buhat na pala ako ni Von este ng Emperador papunta dun sa mga nagsalita.
Ang akala ko ay ibabalibag niya ako. Mabuti naman at ibinaba niya ako ng maayos.
"Papalampasin ko ang isang ito Zyrus. Malaki ang naging tulong mo dito sa aking kaharian. Kung gayon anak mo pala ang babaeng ito" Kung makababae naman to akala mo wala akong pangalan
"Opo kamahalan siya po ang nag-iisa naming anak na si Zelenia. Nagka amnesia po kasi siya ng dahil sa isang aksidente."
Nice lapit sa real name ko, Zelene.
Teka.....Aksidente?
"Halika na anak, pasensya na po talaga kayo kamahalan". Tinanguan lang kami ng hari bago siya muling umupo sa kaniyang trono.
"Zelenia" napatigil kami sa aming paglalakad.
Matic na napalingon ako kay Von este sa Emperador.
"Yes po?"
Parang tanga to! Wala namang sasabihin.
Nagtitigan lang kami. Nagsimula na namang magbulung-bulungan ang mga tao sa paligid.
Umiling lamang siya
"You may go now". Tsk. Parang timang.
"Anak naman, dahan-dahanin mo lang ang paggamit ng iyong kapangyarihan."
Ehhhhhh?????????
"May powers po ako?" Nanungot pa ang kanilang noo.
"Hindi ka pa rin lubusang magaling anak. Sinabing maghinay ka muna sa iyong pagsasanay."
"Halika na anak, magpahinga ka na muna."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Ayon sa aking mga magulang este magulang ni Zelenia mag te-take daw ako ng exam para maging isang Royal Knight.
Taray..... May powers ang ate ninyo.
Isa raw kasi akong Light Magician sabi nina Mama Aria at Papa Zyrus.
Bukod sa pagiging Light Magician natuklasan ko rin na kaya kong lumipad, mag teleport, mag summon ng mga ibat-ibang klase ng sandata at iba pa na hindi ko na ma process dahil hindi pa din ako makapaniwala na napunta ako sa lugar na ito.
Sabi nga daw nila isa akong Prodigy pagdating sa pagiging Magician.
Nalaman ko rin na nagkaroon ng aksidente si Zelenia at nabagok ang ulo nito.
Sa kwento kasi na nabasa ko walang character na Zelenia.
My gulay! Itutulog ko na lang ito baka sakaling magising na ako sa panaginip na ito.
Kinabukasan........
"Ahhhhhhhh!!!!!!!!!"
"Anak anong bang nangyayari at nagsisisigaw ka ng ganitong oras?"
"May nangyari ba sayo anak. Heidi!!!! Bilisan mo kunin mo ang susi ng kwarto ng anak kong si Zelenia!!"
So hindi talaga ako nanaginip. Andito talaga ako sa mundong ito.
Kasalanan mo tong lahat Von!
Kung di dahil sa kalandian niya, di ako papatayin ng GirlFriend niya at mapupunta sa mundo na 'to!!!
Teka?? Namatay nga ba ako?!
Ngawa lang ako ng ngawa hanggang sa madinig ko ang pag "click" ng aking pintuan. Hudyat na nakapasok na nga sina mama at papa.
"Anak, anong nangyari sayo? May masakit ba sayo?"
"Hinga ng malalim anak, then exhale." Sinundan ko naman ang sinabi ni Papa Zyrus sa akin
"Papa, Mama, pasensya na po nanaginip po kasi ako ng masama. Akala ko po talaga mamatay na ako" pagsisinungaling ko.
"Tahan na anak. Panaginip lang ang lahat,"
Maya-mayang konti pa ay napakalma na nila ako.
"Magbihis at mag ayos ka na anak. Pupunta tayo sa iyong Doctor"
"Sa ngayon, maayos naman na ang kalagayan ni Zelenia. I suggest na kapag may nararamdaman ka gaya ng pananakit ng iyong ulo ay magpatingin ka."
"Maraming salamat po Doctor William, makakaalala la po ba ang anak namin? Wala pa kasi siyang matandaan." Tanong ni papa Zyrus.
"May posibilidad naman siyang makaalala. I think it will be better if she will not push herself too much. She needs to rest more". Dumako ang tingin sakin ni Doc. "Hija, makakaalala ka rin."
"Ahhh.... S.. salamat po Doc"
Nagkakamali po kayo Doc. Hindi po ako si Zelenia.
"Anak, may sasabihin sana kami ng iyong Ama" bahagya pa akong nagulat ng magsalita si Mama.
Naks mama. Hay nakakamiss din ang tiunay kong nanay. Kamusta na kaya siya? Alam niya kaya na ISEKAI ang mala diyosa niyang anak? Siyempre hindi. Di ko nga alam kung ISEKAI ito o reincarnation. Di ko sure kung na tegi ba talaga ako.
"Zelenia anak. Alam mo naman na siguro bago pa man ang iyong aksidente ay nakatakda kang magsanay para maging isang Royal Magic Knight."
"Weh? Di nga? Royal Magic knight?" Ang bibig mo talaga Zelene!
Nagkatinginan ang aking mga magulang este magulang pala ni Zelenia. Na weirduhan ata sa choice of words ko.
"Ah oo nga po pala nabanggit ninyo na nga po ang tungkol dun nung isang araw po". Palusot ko na lang.
"Oo anak, isa ka nga sa mga matunog na makakapasok"
Angas naman pala ni Zelenia, powerful ang ate ninyo.
Pero teka lang.... Walang Zelenia sa nobelang nabasa ko.
Ano ba yan. Hindi bali na nga. Tanda ko pa naman yung mga nabasa ko............. I think? (Sigh)
Nginitian ko na lamang sila bilang sagot.
La eh... Di ko naman alam kung ano sasabihin ko.Sinabihan din nila ako na ipagliban ko muna ang pagsasanay ko.
Duh! Competitive kaya ako. Kaya di ako nagpatinag at heto ako ngayon nagsasanay mag-isa. Hindi ko na hinintay teacher ko. Hindi naman halatang atat sa magic powers no?
Hmmmmmm ano kayang uunahin ko......
Ah! Pangarap ko talagang mag teleport!
Pano ba naman kasi ang laki ng campus. Ang lalayo ng mga building. Hihingalin ka pa.
Ehh?? Pano ba gawin yun?
Hmmmm... Isip Zelene, alalahanin mo ang nabasa mo.
Hmmmm......
Aha!!!!!! Tama!!! Si Caiden yung captain ng Royal Magic Knights kaya din niya mag Teleport.
Ang sabi dun sa nobela, makakapag teleport ka lang sa mga lugar na napuntahan mo na.
Nak ng teteng di naman ako madalas lumabas.
Bahala na nga.
Ipikit ang mga mata......
Hingang malalim....
Exhale.....
Inhale.....
Concentrate.....Ipinikit ko ang aking mga mata para i relax ang utak ko. Kung ano mang lugar ang maisip ng brain ko yun na yun.
"It seems you really like to sit on my lap Miss"
Huh?
BINABASA MO ANG
The Girl who fell on the Emperor's lap
RandomPaano kung mapunta ka sa mundo ng nabasa mong libro?? Kaloka di ba mga ses? Yan ang nangyari saken eh. Naman eh!!!!!!!!!!!!