Sophie's Point of View
Halos sabay kaming nagising ni Kayesha ng 8am. Sakto na paglabas namin ay gising na yung apat na tigreng naghihintay sa paglabas namin. Kaloka. Para namang kaming wanted nito.
"Good morning Babe" bati ni Aljon kay Kayesha at kiss in the forehead and hug pa sila. Agang pabebe naman nito.
"Good morning Boys!" usual na bati ko sa kanila at dumerecho sa ref para uminom ng tubig.
"Good morning Bae" sabi ni Kent at nag cling din sakin.
"Wow kainggit aa?" reklamo nitong si Kim
"Wag ka ng magselos Beh. Ako na lang" sabi ni Kevin at nakayakap pa kay Kim. My husband lover lang ang peg. Tokis kung titignan mo si Kim parang may nakakahawang sakit si Kevin at diring diri ee. Epic sa totoo lang.
"Eh may mga lovers naman pala dito ee." sabi ni Kayesha. Partner partner nga ang ganap namin. Juskoday nahiya na ang mga loveteam sa TV. Pero wala talagang tatalo sa #Kimvin. Sila na ata ang bubuwag sa Klaine or TomDen fever. Charaught lang. Alam ko naman na Bromance lang talaga tong mga to sa sobrang close nila sa isat isa.
Nagluto kami ng almusal. Since nandito si Kayesha eh hindi na namin inabala pa si Aljon para magluto. Kanya kanya kami. Pinagluto lang ako ni Kent ng itlog saka bacon para makapagpalaman sa tinapay.
"Specially for you" sabi ni Kent nung hinain sakin yung almusal ko.
"Thanks Hubby" sabi ko at sinimulan ko ng kumain.
Isang subo ko pa lang sa tinapay na may palamang itlog ay halos hindi ko na nakain. Kaloka. Bakit parang ang tamis?
"Ano to?" tanong ko.
"Itlog." sagot ni Kent
"Alam ko eh bakit ang tamis? Lasang hotcake?" sabi ko pa sabay patikim sa kanya
"Oo nga noh?" sabi nya at parang nagtataka. Walangya kung lason ang nalagay nya malamang patay na ko. Luko tong intsik na to!
"Ano ba nilagay mo?" tanong ni Kim
"Eto ee." sabi nya sabay kuha ng isang lalagyan ng mga dried ingredients. Tinikman naman ni Kevin para i check.
"Eh abnormal ka pala asukal yan ee" sabi ni Kevin at pinatikim din kay Kent
"Oo nga noh? Taena akala ko Iodized salt ee" sagot nya.
"Yan kasi papi ee. Natutulog ka pa kasi ee. Dilat mo na mata mo." sabi ni Kim
"Wow paps. Kung makapagsalita ka parang hindi ka din chinese aa? Imulat mo din nga yang mata mo?" sabi ni Kent
Funny thing though. Pinilit ni Kim na palakihin nga yung mata nya. Pinandilatan nya na kami.
"Okay na ba paps?'"tanong ni Kim na nakaganun samin. Pilit na nilalakihan ang mata
"Paps tama na. Isipin pa namin mamatay ka nat tumitirik na mata mo. Nandyan na yan ee. Wag mo ng ipilit hindi maganda. Intsik ka na talaga kaya hindi na mababago yang mata mo" sabi ni Kevin at pinapalo pa yung balikat ni Kim
"Ako nga din" sabi nitong si Kent at gumaya din kay Kim na pilit pinalalaki ang mata.
"Anong drugs tinira mo paps?" tanong ni Kevin
"Taena hindi bagay. Para kang nakawala sa mental." sabi ni Kevin. Aba trumatrash talk aa.
"Kain na nga lang tayo" sabi ko na tawa pa din ng tawa. Itlog lang na may asukal ang topic kung saan saan pa kami napunta sa pagkwe kwentuhan. Pati pagkaintsik ng dalawa naging big deal pa. Pero nakakaloka talagang kumain ng itlog na may asukal. Epic fail mga george
BINABASA MO ANG
Living With the Four Tigers [UST Growling Tigers Fanfiction]
RomanceWhats the feeling if youre living in a dormitory with Kim Kaizen Lo, Kent Lao, Aljon Mariano and Kevin Ferrer as your boardmates?