"May meeting ka rin ngayong 3:00 PM sa demand's company." Mahinang sabi ko sapat na paramirinig niya. Kasalukoyan kaming nasa sasakyan niya at siya ang nag-d-drive. Ewan ko sa kanya ba't niya pinauwi ang driver niya at siya na ang nag drive baliw yata 'to.
"That's all for today?" Tanong niya kaya tumango ako.
Hindi na kami nag-usap dahil sa nangyari kanina. Inaamin ko medyo na-offend ako pero kasalanan ko. Hindi naman siguro sa lahat ng taong naiwan mo na naging parte ng buhay mo at naging kampante ka sa taong yun at bumalik ka ulit at umaasa na ganun din ang pakikitungo nila sayo. At iyon ang nagpapahiya sa akin. Hiyang-hiya ako sa sarili ko dahil nagbabago ang lahat. Hindi lang pag-ibig ang nagbabago, pati na rin ang pakikitungo sa taong minsan mong minahal.
Napatigil ako nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa, agad kong kinuha ang selpon sa bag ko at tinignan ang screen. Lumabas sa screen ang pangalan ni 'mama' kaya napatingin ako kay Darwin para humihingi ng permiso na sagutin ko iyon. Tumango siya kaya sinagot ko agad ang tawag.
"Hello---"
"Momma!" Kaagad kung hininaan ang volume at napasulyap kay Astrey at nag-aalalang tinignan siya. Baka kasi narinig niya ang pag sigaw ni Astrea sa kanilang linya. Nakita ko naman ang pagsulyap niya sa akin na nakakunot ang noo at kalaunan ay nag fucos ulit sa pagmamaneho.
"Hello? Momma? Can you hear me po?" Hindi ko maiwasan na mapangiti sa narinig ko kay Astrea. Namiss ko tuloyan ang anak ko. Bahagya akong tumalikod kay Darwin at napahawak ang isa kung kamay sa ilalim ng baba ko para ako lang ang makarinig.
"Hello, naririnig po kita." Malambing na sagot ko sa anak ko na nasa kabilang linya.
"Momma, I miss you napo kailan kapo uuwi?" Tanong niya kaya natawa ako. Sigurado akong nakapout siya ngayon.
"Siguro mamaya po mga......" Huminto pa ako at napatingin sa relo. "Mga six po." Pagpatuloy ko.
"Momma matagal pa 'yun eh, uwi kana momma. I promise po hindi napo ako mag cry-cry kapag aalis ka po, sorry na momma uwi kana please po." Natahimik ako sa sinabi niya at napabuntong hininga.
Kung puwede lang na hindi na ako magtrabaho para makasama ka anak pero, mamamatay naman tayo sa gutom kung hindi tayo magbabanat ng buto. Kailangan kong magtaguyod sa atin anak, patawarin mo ako kung hindi maayos ang buhay natin. Mahal na mahal kita.
"Miss narin po kita, huwag ka pong mag-alala. Dadalhan po kita ng pasalubong anong gusto mo? Gusto mo ng barbecue? Bibili si momma para sayo." Mahinang sabi ko pa din.
"Opo pero.... Gusto ko po ikaw momma, uwi kana po." Napabuntong hininga ulit ako. Kainis bakit ba kapag naglalambing ang anak ko feeling ko mawawala siya sa akin? Ay ewan!
"We're here." Napatingin ako kay Darwin na nagmamadaling lumabas ng sasakyan kaya nataranta ako.
"Anak bye muna ha? Nag-wo-work pa kasi si momma---" Hindi kona tinuloy ang pagsasalita ko dahil naputol na ang linya. Hinabol ko si Darwin na ngayon ay maangas na naglalakad papasok sa Demand's building na para bang walang babaeng kasama sa laki ng hakbang kung maglakad.
"Hoy! Sir wait lang!" Pigil ko sa kanya at nagmamadaling lumakad para maabotan ko siya.
"Hoy! Naririnig mo ba ako? Sabing sandali lang eh!" Naiinis na sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Tangina naman oh!
"Hoy!"
"....."
"Sir!"
"....."
"Darwin!"
"....." Dedma si bitch.
"Baby," mahinang pagkasabi ko sapat na para marinig lang niya. Natatakot ako na baka may makarinig sa amin at delikado iyon para sa kanya. Palinga-linga naman ako sa paligid kung may tao bang nakarinig pero wala naman.
"Ay!" Tili ko bigla dahil hindi ko namalayan na tuloyan na pala siyang nakalapit sa akin at hinablot ang pulsutan ko papalapit sa kanya.
"Say it again." Malamig na sabi niya at tumingin sakin ng seryoso.
"H-ha?" Nautal na sabi ko.
"I said, say it again." Seryoso parin siya kaya napakagat labi ako. Bwesit na lalaking ito! Baka mabuking kami rito.
"Ang alin?" Maang-maangan na sambit ko at mahina ko siyang itinulak papalayo sa akin. "W-wala akong sinasabi ah, baka nagka-haluchianatte kana diyan, kaya kong ano-ano nalang ang naiisip o nadidinig mo." Pagkukunwari ko at napapaiwas ng tingin.
"Tsk!" Asik lang niya sakin at padabog na binitawan ako. Aba't! Bruheldong 'to kainis!
"Sandali lang kasi hintayin mo 'ko!" Naiinis na talaga ako sa kanya. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Sinalubong ko ang mapamatay na tingin niya pero siya pa yata ang naiinis sa aming dalawa.
"Inuutusan mo ba ako?" Tanong niya.
"Hindi, ang akin lang mag hinay-hinay ka. Hindi 'yung mang-iiwan ka, akala mo naman parang walang kasama." Mahinang sabi ko pero rinig niya parin.
"Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nang-iwan sa ating dalawa." May kahulugang tugon niya dahilan na ikinatulala ko.
Ano?
"Baka nakakalimutan mo, ikaw ang nang-iwan sa ating dalawa."
At saan niya nakuha ang katagang iyun?
BINABASA MO ANG
My Selosong Husband | Hiding My Daughter From The C.E.O (BOOK 2 OF MSSSGP)
Romantik"If you didn't leave me with my daughter, this story might not be that long. My name is Darwin Astrey Adelaide, and this is the continuation of our love story as a living partner until we both commit with my baby wife, Sydney Canberra-Adelaide." WAR...