AYMISHU
Ilang araw ka nang wala, parang may bahaging kulang
Ika’y nasa malayo, mga araw ay binibilang
Sa’yong muling pagbabalik, tahimik na maghihintay
Walang salitang sasapat, sa pagkalungkot at lumbay
Sa aking mga lakad, iyong kamay laging kahawak
Sanay na ‘kong masilayan, ngiting walang kasing sarap
Pero sa oras na ito, parang lahat ay nagbago
Nasaan ka na ba? Aking karugtong tila naglaho
‘Pag ika’y muling nakita, ikaw ay aking hahagkan
Ipapabasa ‘tong tula, huwag lang ulit iwanan
Upang iyong malaman pagmamahal sa iyo’y tunay
Handang patunayan, bumalik ka lang sa aking buhay
Sa pagkakataong ito, wala na akong masabi
Ang nais ko lang ngayon, ay matikman iyong labi
Syempre ako’y nagbibiro, alam kong hindi pa TAYO
Miss lang talaga kita, pagdating mo kwentuhan tayo.
#TAGA-ILOG09 02/27/2015
BINABASA MO ANG
Bulong ng Damdamin #Wattys2015
PoetryMga tulang binubulong ng damdamin. Mga tulang nais sambitin, sa mga taong nais 'tong intindihin, lalo na sa taong aking mamahalin.