Prologue

1 0 0
                                    

"Time of death- 8:35 PM. I'm sorry."

Parang huminto ang lahat sa paligid ko nang marinig ko ang sinabi ng doktor.

I saw my husband crying and my family. Why? I was only about to buy an instant noodles at the convenience store and got into a hit and run. The driver escaped.

Patay na ba talaga ako? But when I saw my pale body covered in blood under the blinding lights of the emergency room, na-realize kong wala na.

"Kara! Kara!" napakasakit na marinig ang hinagpis ng mga magulang ko. Para akong sinasaksak ng paulit ulit dahil sa iyak nila.

I feel so useless just standing there, watching my family mourn for me. I want to hug them. I want to at least say goodbye to them.

Nico. I look at my husband and I felt the stinging pain in my heart as I saw him staring blankly as tears streamed down his face while looking at my lifeless body.

"Mama... Nico..."

Lumapit ako sa kanila at niyakap sila kahit na parang hangin lang ang mga kamay ko.

"Ma, okay lang ako. Ma, 'wag kang umiyak..." I cried out. Pilit ko siyang inaabot pero lumalagpas lang ang aking kamay sa kanyang katawan.

I cried with them kahit pa hindi nila ramdam ang presensya ko. I want to comfort my mother. My husband. I want to say sorry for being so stubborn sometimes. I want to tell them all my regrets.

Nico, I'm sorry. I cannot go to Palawan with you anymore.

"Kahit anong gawin mo, hindi ka na nila maririnig." Nagulat ako nang may biglang sumulpot na babaeng may mahabang puting buhok na nakasuot pa ng cape.

Ngumiti siya sa akin. "Oras mo na, Kara Gerona."

--

"Hmm, let's see, ikaw ang unang kliyente ko ngayong buwan." she said as if she's got more clients to cater.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Siya 'yung babaeng nakaitim na damit sa ER na bigla nalang sumulpot. Sabi niya sa akin na sundan ko siya at para bang kusang sumama ang kaluluwa ko sa kanya.

Umiling siya at uminom sa hawak niyang karton ng dutchmill. I looked at her weirdly.

"Oy, hindi ko 'to ninakaw. Bigay 'to sakin ng isang kliyente ko bago siya tumawid sa kabilang buhay. Thanksgiving gift niya raw. Daming say amp."

Huh?

"Sino ka ba?" tanong ko ulit.

She looks like she was about to go to a halloween's party with her witch-like costume. Wala nga lang siyang suot na pointed hat. I sighed as I remember the halloween party I had just attended last month. I never thought that that would be my last halloween party with my husband. We even got a couple costume.

Ni-hindi man lang ako umabot ng pasko.

"Ah, ako si Sera. Ang pinaka-cute na grim reaper sa balat ng purgatoryo." she even winked at me.

"Ah..." grim reaper... Hindi ba sundo iyon sa tagalog? 'Yung parang may suot na itim na damit at may tungkod?

Tears swelled up my eyes as I remember that I am really dead. What should I do? Ayoko pa mamatay. Madami pa akong pangarap. Ayoko pa.

"Oy, 'wag mong isiping tumakas, ha? Lahat ng bagay ay may kapalit. Kapag hindi ka sumakabilang buhay sa nakatakdang oras para sa'yo, maaari kang maging isang ligaw na kaluluwa. Or worse, evil spirit! Alam mo 'yon? Diba may chismis din na ganyan sa lupa?" she came closer to me. Umatras naman ako.

"U-Uh, Kelan ba ako dapat tumawid sa kabilang buhay?"

She smiled and winked again.

"'Wag kang mag-alala, may promo ako. Syempre ikaw ang unang kliyente ko ngayong araw kaya bibigyan kita ng promo pack." She said happily.

We were walking to I don't know where at 2 AM in the morning. Kung buhay ako, siguro nanginginig na ako sa lamig.

We stopped walking when she suddenly faced me, smiling mischievously.

"A-Ano naman 'yon?"

She turned around as if she's very happy and excited about something. May bitbit siyang puting folder at ballpen na itim.

"You see, dito sa records mo, malabo ang cause of death mo. Hindi pa confirmed." Aniya.

Napakunot naman ang noo ko. What does she mean by that?

"Tapos?"

Napakamot siya ng ulo. "Usually, glitch of system 'to at naaayos naman after 3 hrs pero lumagpas nalang ng limang oras ay  pending parin ang cause of death mo. Hindi pa rin confirmed."

Naguguluhan ko siyang tinitignan. Ano 'yan? May glitch sa langit? Joke time ba 'to? Kinurot ko ang sarili ko, nagba-baka sakaling panaginip lang lahat ng 'to. Bangungot. But I failed when I felt nothing.

I sighed. Deads na talaga ako.

Pinanuod naman ako ni Sera. Hindi siya naweirduhan sa ginawa ko na parang sanay na siya makakita ng ganun.

"Anyways, so ayon nga. Pending pa rin. Sa mga ganitong case ay nagiging mga evil spirits ang mga kaluluwang hindi malaman laman ang ikinamatay nila within 24 hours."

Nanlaki ang mga mata ko. Jusko, 'wag naman sana, Lord?! I mean, nagsisimba naman ako nung buhay pa ako!

She clicked her tongue and winked at me again as if she got me. "Pero dahil first client kita this month at mukhang mabait ka naman to be an evil spirit, bibigyan kita ng promo pack!" Maligaya niyang bulalas.

I sighed in relief. May pag-asa pa akong makatawid ng matiwasay sa kabilang buhay. I don't want to be an evil spirit. The sound of it is awful. I want to be one of those stars from above looking down and guarding my loved ones. My family. My husband...

"A-Ano namang promo pack iyon?" I dared ask.

She cleared her throat na para bang may i-aanunsyo siyang nanalo ng raffle draw. She even straightened down her cape before speaking.

"Bibigyan kita ng tatlumpong araw para mahanap ang taong tutulong sa'yo makatawid sa kabilang buhay ng matiwasay!" She excitedly said habang ako ay napa-nga nga.

Ha? Ano raw?

Paano 'yon?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

See You When I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon