The Tragic Heart

0 0 0
                                    

Author's POV

Kung ako man ay may kaparehas na istorya patawarin ho niyo ako. At paki-pm nalang po kayo kung meron nga. Plagiarism is a crime. Please report nalang kung may kumopya ng aking gawa. Sana ay magustuhan niyo ito at maari ay kung palaganapin niyo ang One Shot na ito. Iyon lamang salamat.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakatingin ako sa katabi kong medyo may itsura.  Maituturing na chinito, gwapo, at isa sa mga grupo ng bad boys ika nga nila. Ito pala ang chair arrangement namin ng 1st quarter. Nakausap ko siya ng isang beses, masasabi kong mabait siya at may pagkagentleman. Nalaman ko rin ay marunong siya kumanta at magbeatbox. Ideal guy nga.

Kung ako iyo'y tatanungin. Ako ay isang kayumanggi, may kapanguan ang ilong at may mga matatabang pisngi. Malabo rin ang aking mata. Mahina ang aking panrinig. Maliit din ako. Isa lang ata ang natira sa akin, ang talino.

Ano ba ang laban ko sa ka-M.U niyang maganda, maputi, mahaba buhok, masayahin, jolly at mabait.

Ganto na ata ang buhay ko. Pero kung tutuusin may natira naman sakin ano? Ang katalinuhan. Kilala nila ako sa pagiging matalino. Masaya na ako doon. Masayang masaya na.

Isang araw, nagkagroupings by chair. Katabi ko siya kaya kagrupo ko siya. Medyo nalungkot ako nung wala man siya ginawa kundi magkwentuhan. Isang pinaka ayoko sakaniya yung inaasa sa iba ang ayaw niyang gawin tas eto ako nanaman gagawa. Ako nanaman mag-eeffort. Habang sila nandyan ang saya saya.

Pagdating sa reporting. Wala. Nganga kami. Naiinis ako . Bakit ba laging ganon? Ako na nga gagawa ako pa ang magrereport kase daw ako raw ang may alam sa ginawa ko. Peste. Nakakainis.

Tumingin nalang ako sa bintana nung araw na iyon. Sanay naman na ako. Bakit ngayon pa ako nag-eemote? O dahil ba nadissapointed ako sa kanya?
Bigla siyang lumapit saakin na ikinagulat ko. Bakit niya pa binibigyan ng pansin sa isang katulad ko diba?

" Ayos ka lang ba? Nakita kasi kitang malungkot. Sorry ha. Mahiyain kase ako kapag nasa harapan na ng klase" sabi niya habang kinakamot ang batok.

Sa sandaling iyon . Parang nawala ang bigat ng dibdib ko. Sino ka ba? Hindi ko pa nga pala natatanong pangalan mo.

Naglakas loob ako para tanungin pangalan niya. Nabigla ako ng makita ang gulat niyang mukha. May sinabi ba akong masama?

"Ay! Hahaha . Kala ko kilala mo na ako. Ako pala si Kevin Gueverra. "

" Hi. Ako naman si Sophia Dela Vega."

Doon na nagsimula ang pagkakaibigan namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay Ng UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon