Dedicated to: CeriniSea harmainecbabbadmaca ishangsdc leovelynballad1 MaryjoyRecimo HaydeeII6 KayeClowieAgravante Marimarsese queen_lyyn SweetAnneDee
Episode Title:
"Remembering Kalmia"
Eddie's POV
Inilapag ko ang lunch box saka umupo sa sementadong upuan.
Sinunod kong nilibot ang tingin, napangiti nang maalala ang unang pagkakataon ng pagpunta ko rito. Kahit araw-araw akong bumibisita, iba pa rin ang una. Iyon nga lang, may halong saya at pait ang karanasan ko.
Pero masasabi kong hindi ko iyon pinagsisisihan.
Kasabay ng pag-dribble ko ng bola ay ang pagdaan ng napalaking shuttle bus. Huminto ito sa harap at bumaba ang ilang mga bisita.
"Welcome! Today! This year 2002, we will be celebrating the grand opening of Almira Hotel as one of the largest Hotel here in Tuguegarao City!" Masiglang-masigla ang host na binibigyang buhay ang mga tao gamit ang pagpalakpak.
Sa gilid ay napansin ko ang matikas na lalake suot ang itim nyang terno at kurbata. May suot itong sash. Malakas ang dating niya habang paakyat sa stage. Sa edad na walo, hindi ko mawari kung sino siya pero nahalata ko ang pagkamangha ng mga tao nang magsimula na siyang magsalita.
"It is... a humbling moment to stand here in front of you. Thank you for being here." Napakahinahon niyang magsalita. Banayad at tila hindi marunong magalit sa kahit sino.
Sumabog ang iba't-ibang kumpitis sa pagilid. Muntik kong mabitawan ang bola pero namayani sa akin ang pagkasabik, pati ang madla ay hindi rin maitago ang tuwa.
"As one of the best reviewed hotels, we can't help but to announce that finally... in my hometown, Almira Hotel will be here as the newest property of all Cagayanos."
"A hundred of rooms and suites with a bucket of panoramic views... kung makikita niyo po, marami pa po akong magiging plano rito." Sinundan namin ang tinuro niya sa pinakamataas na palapag.
"Free Wifi and fitness center will also be available..." Malugod siyang ngumiti sa amin. "And lastly, our accommodating and responsible employees." Pinalakpakan niya ang mga empleyado sa kanyang tabi. Sabay-sabay silang yumuko.
Sinuri ko ang mga empleyado at sinubukang hanapin si tatay. Ang sabi niya aantayin ko siya rito para raw makamiryenda ako. Pero isang oras na siyang wala.
Nagsimula na ang ribbon cutting. Itinaas ng lalakeng nasa stage ang kanyang kamay at malugod na tumango sa aming lahat.
Si tatay kaya... nasaan na siya?
Sa dagat ng maraming tao, isang babae ang nakabangga sa akin dahilan para mabitawan ko ang bola.
"O sorry kid..."
“O-Okay lang po.”
Hindi ko mapigilang mapanguso. Nilakbay ko ulit ang tingin. Regalo pa naman sa akin ni tatay 'yon. Gustung-gusto ko iyon dahil ang bolang iyon ang kauna-unahan niyang regalo sa akin simula nang mawala si nanay.
BINABASA MO ANG
He Loves Me, She Loves Me Not
Ficção GeralWhen the villain got her own story, will someone finally understand her? Or just like a villain's ending... will she suffer in the end? Highest ranking: #2 friendzone #3 medtech #4 savage