Simula

54 8 2
                                    

"BASTA akin yung bata."

Inirapan ko ang kaibigan kong si Rea. Naka-ugalian na naming dumiretso parati sa elementary department tuwing tapos ng klase.


"Kailan ka pa nag-kagusto sa mas bata sa'yo?" Nag-angat ang kilay ko. I bit the inside of my cheek.


"Hindi mo na-heared? Is it not obvious ba? Kata-talk ko lang kanina diba?" Pang-gagaya ko sa mga napapanood ko sa tv. Maarte.

Humalakhak siya.

"Tigil-tigilan mo akong malandi ka! Hindi ba't chess player ang hanap mo kaya pumupunta tayo rito?" Umiling-iling ako at mas tinuunan ng pansin ang mga estudyanteng bata na nagsisilabasan sa campus nila. "Jusmiyo, ang gulo mong babae."

"Manahimik ka nga." Suway ko. Baka mairita kasi ako sa kanya at matarayan ko. Ayaw ko pa naman ng maingay lalo na't 'pag naghahanap ako ng lalaki. Char.


Nahiwalay ako kay daddy. Pinag-aral niya ako sa Pangasinan noong elementary. And now, I'm grade 7 and fourteen years old. Next year ay babalik na ako sa Tarlac para roon mag-aral ng junior high.


Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko ang hinihintay ko parati. Grade 5 pero keri. Bata pero okay lang. Snob pero kakayanin. Aba! Isa yata akong Guerrero at nang nag-paulan ng lakas ng loob at kawalang-hiyaan ay sinalo ko lahat-lahat. Punyeta

Nasampal ko na lang nang wala sa oras ang aking bibig. Naaalala ko ang parating paalala ni Nanay Morena, pinakamatanda naming kasambahay sa Tarlac. H'wag raw ako magmura dahil pangit daw 'yon sa isang babae. Minsan kasi kapag natawag siya sa akin ay parati niya akong naririnig na nagmumura at nagagalit pa nga siya.


"Ayun siya o!" Bigla kong hinigit ang braso ni Rea at hinila siya palapit sa akin saka itinuro ang lalaking natitipuhan ko.

Hindi ko maiwasang humanga kay Jaris. He's young for having that face. Kung ang ibang bata ay masasabihan mo ng cute at adorable ngunit siya ay hindi. He's beyond handsomeness. Inaalon ang mahaba niyang buhok dahil sa malakas na hangin at tinatakpan nito ang medyo kasingkitan niyang mata. Suot niya pa ang salamin niya at parang walang pakialam sa paligid niya dahil nakasimangot lang itong naglalakad.


"Ay kaloka! Gaganda tayo Hobe, pero hindi tayo papatol sa bata!" Mas lalo pa akong umirap. "Boto sana ako sa kanya para sa'yo. Kasi diba.... Maganda ka, he's handsome. Maputi siya, and you're skin was like snow. Matalino 'yang batang 'yan," tinignan ko siya nang bigla siyang tumigil. "Ewan ko lang sa'yo." Alanganin niyang wika.

Pinalobo ko ang bubble gum sa bibig ko. Tinaas ko ang pang-gitna kong daliri at mahinang bumulong ng 'fuck you'.


Time flies so fast, kanina ay pinag-uusapan lang namin yung bago kong crush na De Luna ngayon pinoproblema ko pa ang sasakyan ko papuntang printan. Sobrang effort ang nilulubos ko makasilip lang kay Jaris. Nag-aaral ako sa Alaminos, Well, malapit lang naman ang department nila. Pero late ko na kasi nabasa sa gc ng section namin na may kailangan kaming i-present bukas kaya kailangan mag pa-print. Kaya heto ako ngayon at pahirapang nag-aabang ng masasakyan.


Iniwan ko na rin si Rea sa labas ng campus. Nag-paalam ako na may kailangan ipa-print. I shrugged and fixed my uniform attire and continue waiting a cycle. Ang kaninang maubos-ubos kong pasensya ay napalitan ng tagumpay. Omygosh! Mahal na mahal talaga ako ni Lord!



Jaris is passing the road with his nanny. He looks irritated. Mukhang ayaw niyang may nagbabantay pa sa kanya. Mayaman e, malamang over protective ang parents. Kung ang ibang tao ay nagmumukhang pangit sa tuwing walang emosyon at malamig ang mata, pero iba siya, Jaris just hits so different dahil nagdagdag lang ito ng maiyag at appeal sa kaniyang sarili.


His White UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon