May bagong lipat na pamilya sa aming katabing bahay at nakita ko ang isang babaeng masama ang tingin sa akin at parang may masamang binabalak , yun pala ay kasama sya sa pamilyang bagong lipat sa katabing bahay , sya ay aking nilapitan at kinausap tinanong ko sa kanya kung saan silang lugar galing sabi nya "wala kang pakialam sakin bakit sino ka ba? isa ka lang ordinaryong tao!" sabi ko bakit ikaw di ka ba ordinaryo?sabi nya"oo di nyo ako katulad na mga ordinaryong tao!" sabi ko baka abnormal ka at bigla nyang sinabi "mag ingat ka sa mga sinasabi mo baka yan ang ikamatay mo", tumaas ang bahibo ko kasi natakot ako sa kanya.
Makaraan ang ilang araw ay nakita ko sya at muli ko syang kinausap ngunit nung kakausapin ko na sya ay bigla nyang sinabi na "Hoy!,anung kailangan mo!?" sabi ko wala lang gusto ko lang magtanong ng mga bagay bagay , sabi nya " wala akong panahon sa mga ordinaryong tao" sabi ko kasi ikaw abnormal at sya ay naiinis at dinala nya ako sa ikaw madilim na lugar at hinawakan ang aking braso at sinabi nya na "mag ingat ka sa mga multong umaaligid sayo , sila ay nandyan lang sa tabi tabi at handang pumatay kada oras", tumaas nanaman ang balahibo ko at sinabi ko na nakakapatay ba ang multo? , sabi nya "marami na akong karanasan sa mga paranormal na gawain , nasapian na rin ako at nakapag lakbay na ako sa impyerno"sabi ko , paano mo nagagawa iyon? sabi nya ay " kailangan mong buksan ang isipan mo at wag magisip ng mga walang kwentang bagay na katulad ng ginagawa ng mga ordinaryong tao , dito mo mabubuksan ang iyong ispiritwal na kaanyuan at pwede ka nang mag labas pasok sa ispiritwal na mundo at sa realidad" , sabi ko ay parang gusto ko na rin sumalungat sa mga ordinaryong gawain at gusto kong makatuklas ng mga kakaibang pang yayaring nang yayari dito sa mundong ibabaw .
pwede mo bang sabihin kung ano ang mga multo?"ang mga multo ay ang mga souls ng tao na di na matahimik dahil sa nakulong sya sa isang lugar at naghahanap ng kapayapaan at ang multo ay hindi nakakatakot dahil hindi mo sila makikita dahil sila ay isa na lamang soul na walang ala-ala at natural sa mga souls na maghanap ng vessel o bagong mapapasukang katawan para muling mabuhay , ibig sabihin nun ang buhay ay walang katapusan at ito'y paulit ulit lamang kaya't ang buhay ay isang walang kahulugang bagay para sa mga taong katulad ko dahil nga tayong lahat ay mamamatay rin at maghahanap ang ating souls ng bagong katawan at mabubuhay ulit tayo sa ibang oras at estado sa buhay".
Ako'y humanga sa iyong kalaliman ng isip , ngayon naiintindihan ko na na ang mga souls ng ng tao na kung tawagin multo ay hindi nananakot kundi naghahanap ng katawang papasukan at muling mabubuhay at sana sabihin mo rin sa akin na kung bakit mo nasabing maraming multo ang umaaligid sakin ? , sabi nya ay " nararamdaman ko iyon gamit ang aking ikatlong mata o third eye , ang third eye ay hindi talaga ikatlo nating mata kundi tawag lamang sa pag bubukas ng kakaibang pwersa ng ating mga senses sa katawan at ang pakiramdam na ito ay lumalamig ang buong katawan at parang may nag babantay sa iyo ng hindi mo alam", ganun pala yun! eh paano ba maaalis ang isang multo sa isang lugar na may multo para mawala na ito? sabi nya" kailangan mong magdasal , ako'y di naniniwala sa dasal ngunit kailangan mo ito dahil ito ang parang nagpapa concentrate sa katawan para malabas ang ispritwal na kapangyarihan na kailangan para makontrol ang mga ligaw na souls sa isang lugar at paminsan minsan ay kung malakas ang soul na ito dahil sa sobrang pighati nung ito'y nabubuhay pa , minsan ay nasasapian ako nito at nahihirapan akong mapalaya ang mga ganitong multo sa isang lugar". ahh ganun pala yun , sabi nya "gusto mo bang isama kita sa mga soul hunting ko ? " sabi ko ay oo naman basta interesting sasama ako pero ito ay kakaiba sa mga ginagawang interesado ng ordinaryong tao , kakayanin ko kaya ito? sabi nya " magagawa mo kung ikaw ay maniniwala sa sarili mo at handang kung sakali mang lamunin ng ispiritwal na mundo ang ispirito mo at hindi na muling makabalik pa ".
to be continued