Haru
I continued on dancing and after a few more minutes, napagod narin ako kasi marami ang mga nakapalibot and they keep talking to me. Nawalan na ako ng mga interes sa mga lalaki sa paligid ko. Mainly because Xairhiel Crenshaw is finally here. Kaya pala hindi ko siya makita ay nandito lang siya sa may baba.
"Yohan!" I called him.
Nagulat pa ako kasi may kasayaw siyang babae ngayon. Yohan looks like he's having fun. Nakahawak ito sa bewang ng babae habang nasayaw. Grabe rin talaga 'tong bestfriend ko!
"Yohan!" I called him again. Pasigaw na ang pagtawag ko kasi sobrang ingay na ng paligid. Narinig niya naman ako kaya iniwan niya ang babae at lumapit sakin.
"What?"
"I saw them. I finally saw them." Excited kong sinabi. Hinila ko pa siya sa may gilid kasi literal na nasa gitna kami kanina.
"Them? Sino?" Kumunot ang noo niya.
"Xairhiel and Rhy, duh!"
"What? Rhy's here?" Nanlaki ang mga mata niya. "You told me he's not here!"
"I lied, okay? I mean, hindi naman natin siya nakita kanina kaya I thought he's not here." I reasoned out. Napapikit lang siya ng mariin at dinala pa ako sa may sulok. Mabuti nalang ay may bakanteng upuan kaya naupo ako roon dahil medyo sumasakit narin ang paa ko.
"Nasaan sila?" He asked.
Napatingin ako sa pwesto nila and saw the two of them talking. May ilang lalaki narin ang nakaupo sa table nila na familiar lang ang mukha sa akin.
"There." Nginuso ko ang table kung saan sila nakaupo.
"Ugh, umuwi na tayo, Haru." Naupo si Yohan sa tabi ko. Napahawak pa siya sa kanyang ulo at parang ang laki ng problema niya.
"Yohan, relax. It's not like he's going to eat you. Kung hindi naman pala kayo mag ex then why are you avoiding him this much?" He just sighed and brushed his hair. "And besides, ngayon ko lang nakita si Rix. Let me obsess with him for a minute, okay?"
"Fine. Ako nalang ang uuwi." Nanlaki ang mata ko. Tumayo siya na mabilis ko namang hinila kaya napaupo siya ulit.
"Ano ba, Yohan! Help me out here!"
"Ano namang gagawin ko? Makapal naman ang mukha mo, kaya mo na 'to. You don't need my help, I swear." Tinaas niya pa ang kanang kamay niya na parang magpapanata.
"Let's go to their table!"
"No way, Haru!"
"Akala ko ba magkakilala kayo ni Rhy? Are you shy?" Pangaasar ko sa kanya. Inikutan niya lang ako ng mata.
"I'm not shy. Ayoko lang na pumunta sa table nila. Ang dami nila roon! I'm not going to fit in there!" Parang nagpa-panic na ngayon si Yohan. I held his hand.
"Fine. I won't force you. Umuwi kana. And this is not me guilt-tripping you. This is me being nice." I sincerely said. Yohan is so fragile. Kahit na palagi akong binabara niyan at sinusungitan, sobrang fragile niya na konting push mo lang sa kanya ay mababasag.
I don't know what happened to him pero hindi naman siya ganito when I first met him. I know something happened pero he just couldn't tell me.
Yohan sighed. "I'm sorry, Haru. Hindi ko pa kaya."
"I'm sorry din." Napayuko ako. I know he's still not over with something that happened between him and Rhy. Ako lang 'tong pinipilit na magkasama at magkita sila kasi I have a feeling that they both just have misunderstood each other. I just wanted them to talk. But I guess, after all those years, Yohan is still not ready.
BINABASA MO ANG
Beneath Thin Ice
General FictionHaru Paralejo is unruly. Wild. Uncontrollable. Crazy. He always get what he wants. When I say always, I meant always. But there's just one things he couldn't get... the heart of the stone-cold Xairhiel Crenshaw. He was obsessed to get him. To hold h...