Chapter 2

28 8 0
                                    

"Hobe arat manood ng chess game!"

Sumulpot si Eya sa harapan ko at winagayway ang palad. Taka ko siyang tinignan at umangat pa ang aking kilay.

"Ganda mo." Ngumiti siya.

I would have to thanked her, because I appreciate what she said. Kaso bigla na lang siyang tumili.

"May laban yung isa mong crush!" Tili niya at hinila na ako palayo.

Habol habol ang tingin ko sa direksyon ng library. I was planning to go to the library, because I saw Jaris walking towards it. Tapos ngayon hinihila ako ng kaibigan ko palayo upang makanood kami ng chess game. Hindi naman ako makapalag dahil mahigpit ang kapit niya sa'kin.

Balewala ang mga nasasalubong namin. Students man o trainor. Matulin ang takbo naming dalawa, sinusundan ko ang bawat hakbang niya. Napansin ko rin ang mga mata ng aming mga nasasalubong ay nagtataka, kunot at nagtatanong.

Ang ginawa naman kasi namin ay talagang nakakakuha ng atensyon. We're running like an idiot for heaven sake. Damn it!

"Bitaw na." Agap ko. Hinihingal pa.

Napakapit ako sa tuhod ko habang habol-habol ang bawat paghinga. Napagod ako dun!

Binitawan na ako ni Eya at hindi man lang pinansin ang pagod ko. I was panting! At hindi man lang niya ako inabalang kamustahin kung okey lang ba ako sa takbuhang naganap. Focus ma focus siyang makanood ng chess game.

"Si Kobie, at yung crush mong si Rafael ang maglalaban." Pag-uumpisa niya. Nakuha pang mag kwento! " kung sino ang mananalo ay ilalaban sa district. "Sana si Rafael ang manalo. Para makapag-laro pa rin si Kobie ng basketball" Bulalas niya.

Umawang muli ang labi ko nang higitin niya ako papasok sa loob ng room.

"Kapag nanalo si Rafael, dito sa school natin ang event ng chess game. Maraming mga athlete ang pupunta rito, mga fafa 'yon!"

Kahit sino sa kanila ang manalo ay ayos lang. But Kobie is a gem. Ang alam ko ay sabay ang laban ng chess at basketball. Kung si Kobie ang mananalo malamang sa malamang hindi siya makaka-join sa basketball, tabingi ang team ng Corazon pag nagkataon. Samantala, si Rafael ay kailangan manalo para siya na lang ang mag-present ng chess sa school namin.

Bilang lang ang mga nanonood. Si Kobie Mateo ang kalaban ni Rafael Parazo. Determinado ang dalawa sa laban. Para bang babae ang laro at isa lang sa kanila and nararapat na manalo. Kobie and Rafael are best friends. At balita-balita sa buong campus na pareho silang may natitipuhan estudyante mula sa Quezon High School, hindi ganun katunog ang pangalan ng eskwelahan actually ngayon ngayon ko lang nalaman 'yon. Rafael is one of my crush. Wala naman akong paki kung may iba siyang nagugustuhan dahil maski naman ako ay maraming natitipuhang lalaki.

Naghiyawan ang mga nanonood nang makapuntos si Rafael. I heard some saying 'checkmate' pinangungunahan na naman nila ang laro, na mukhang matatagalan pa naman.

Nang nasa Pangasinan ako ay nakahiligan ko rin ang panonood ng mga chess games. Dahil parati kaming pumupunta ni Rea sa elementary department noon. At attracted ako sa chess players. I found them genius and attractive as well, for my opinion only. But in the end, with each passing of time, with each ray of sunshine I realized that I was already waiting and fantasizing a De luna, Jaris was the one I was referring to.

"Mag-aaral ako. H'wag ka nang sumunod. P'wede ba?" Ani Jaris.

Ngumuso ako atsaka pinagtiklop ang dalawa kong palad.

"Can I follow you?" ngumiti ako ng matamis. "Cause my mom told me to follow my dreams." dinig ko ang pagbuntong hininga niya dahil sa sinabi ko.

Ang itim na malalim niyang mata ay tumitig sa'kin ng direkta. His jaw clenched in disbelief.

His White UmbrellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon