CHAPTER 11

3K 64 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Hindi na kita ng dalaga kung sino ang may hawak ng bulaklak dahil natakpan ang mukha niya dagdag rin na nagulat ito sapagkat sa mukha talaga niya naka tutuk ito.

"Para sa iyo....." wika ng lalaki.

Tinanggap ito ng dalaga pero nagulat siya ng umangat.

"Ikaw..." bulalas niya.

Napakamot ang ulo ang binata sa sinambit ni Mary Rose. Ang dalaga naman pilit na tinatago ang kilig na nararamdaman. Ito ang unang pagkakataon na naka tanggap siya ng bulaklak at pakiramdam niya nagliparan ang mga paru-paru sa tiyan niya.

"Hindi mo ba nagustohan?" tanung ni Erwin.

Napatitig naman ang dalaga sa lalaki. Napansin naman ni Erwin ang kakaibanga kislap sa mata ng dalaga.

'Ang saya niya, kakaiba....' sa isip ng binata habang nakikipagtitigan.

Naunang nagbaba ng tingin ang dalaga dahil naiilang ito sa klase ng titig ng lalaki.

"Sa......salamat.." tanging usal ni Mary Rose.

Lumapad ang ngiti ng lalaki at lumitaw ang pantay-pantay at mapuputing ngipin nito.

'Anu ba itong nararamdaman ko, bakit parang lumulutang ako sa ulap.' sa isip ng babae.

'Ang bilis ng tibok ng puso ko parang aaahhhhh... bakit ganito?'

Nagsimula na ang event at kasali si Mary Rose, siya ang mag susuot ng sarili niyang ginawa.

"Madam ikaw na ang kasunod..." saad ng event organizer.

"Oky, nanjan na...." sagot niya.

Sinipat muna ng dalaga ang kanyang sarili sa salamin. Ang ganda niya sa suot dress, simply lang ito tingnan pero lutang ang kanyang kagandahan. Gawa sa silk ang tela at labas ang magandang kurba ng kanyang katawan. Halos lahat ng makakakita ay mapapalingon talaga.

"Madam ikaw na...." wika ng organizer.

Umakyat na siya entablado at naglakad ng taas noo. Halos nasa kaNya ang lahat ng mga mata.

'Wow, ang ganda niya, napaka elegante tingnan...' sa isip ni Erwin.

Pati siya ay napa tingin rin sa gawi ng dalaga. Napaka ganda nito kahit simple lang tingnan. Ang lambot rin ng balakang nito na kumikembot habang naglalakad.

"Nakakapagod...." sambit ng dalaga.

Natapos ang event at heto siya handa ng umuwi. Masaya siya dahil successful na naman ang kanyang launching.

"Madam, uuwi kana ba?" tanung ni Carla.

"Oo bakit?" sagot ni Mary Rose.

"Pasabay sana ako madam, doon lang hanggang Cubao..." saad ni Carla.

"Ganun ba, sige walang problema..." sagot ng dalaga.

Kinuha ni Mary Rose ang bulaklak at nagtungo na sila sa parking area.

"Ang bongga mo madam may flowers kana, kanino naman galing ang mga iyan?" tanung ng bakla.

"Secret....." kay lapad ng ngiti nito.

"Hmmm may nahalata lang ako madam, and i smell something..." saad ni Carla.

"Anu naman iyon?" tanung ng dalaga at ang ngiti ay hindi maalis-alis.

"Blooming ka madam at ang kislap ng iyong mata ay kakaiba, hmmmm madam inlove ka ba?" wika ng bakla.

Bigla namang natahimik si Mary Rose sa narinig at napa isip ito.

'Inlove na ba talaga ako?' sa isip ng dalaga.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon