CHAPTER 16

2.6K 59 1
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Parang tinulos si Mary Rose sa kanyang kinauupuan. Hindi man lang ito naka pagsalita at kahit galaw man lang.

"My God hindi ako maka paniwala ikaw nga talaga....." wika ng babae habang yakap-yakap si Erwin.

"E.....Erica......" gulat na wika ni Erwin.

"Oo ako nga, matagal na kitang hinahanap, bakit ka ba umalis ka sa inyo? Alam mo ba na hinahanap ka na ng mga magulang at kapatid mo?" wika ng babae na Erica daw ang pangalan.

Tahimik lang si Mary Rose na nakamasid at halos madurog ang kanyang puso. Ang lalaking mahal niya may ibang babae.

"Umuwi kana sa inyo baby...." malanding turan ng babae.

Para itong ahas kung makapulolupot sa leeg ng binata at parang sinasadya na idikit ang katawan nito sa lalaki.

"Ahemm.... excuse me lang ha.." wika ni Ellyn.

"Kilala mo ba ang babae na iyan Erwin?" dagdag nito.

Hindi nakapagtimpi si Ellyn lalo pa't nakita niya ang pagyuko ni Mary Rose at dumilim ang mukha nito.

"Baby, kilala mo ba ang babae na iyan?" malandi nitong turan.

"Oo, kaibigan siya ng......." hindi natuloy ng binata ang sasabihin.

Nawala si Mary Rose sa kinauupuan niya. Nilinga-linga ito ng binata at nakita niya sa labas ang dalaga na nagmamadali.

"Pink, sandali....." tawag niya sa kasintahan.

Patuloy sa pagtakbo si Mary Rose, sobrang nasaktan siya sa mga nakita. Para siyang dinurog ng pinong-pino.

Halos hindi niya napigilan ang sarili na huwag umiyak, unang pag-ibig niya ito pero sobrang nasaktan siya.

"Pink......" sigaw ulit ng binata.

Patuloy sa pagtakbo ang dalaga at hindi niya napansin ang paparating na kotse.

"Pink...... hindiiiii........" sigaw ng binata.

Kitang-kita niya kung paano tumilapon ang dalaga. Duguan ito ng bumagsak sa kalsada. Nagsilabasan na rin ang mga naroroon.

"Pink..." saad ng binata at tinakbo ang dalaga.

Natulala rin ang dalawang babae, para silang pinako sa kinatatayuan takip ang bibig at tumulo ang mga luha.

"Bhest........ " hiyaw nilang dalawa.

Tumakbo si Ellyn at Nice sa kinaroroonan ng dalawa. Nakita nilang duguan ang kaibigan.

"Anu pang hinihintay mo jan....." bulyaw ni Nice kay Erwin na imiiyak.

"Buhatin mo siya at dalhin natin sa ospital.." saad ng dalaga.

"Bilisan mo......" segunda rin ni Ellyn.

Nataohan ang binata sa mga narinig. Bumalik siya sa katinoan. Dali-dali niyang binuhat ang dalaga at pumara ng sasakyan na dumaan.

"Sa ospital tayo dali....." saad ni Erwin.

Narating nila ang ospital at agad niyang binuhat ang dalaga papuntang strecher.

"Pink, please hold on, sorry pink sorry, huwag mk akung iwanan please...." saad ng binata.

"Sir hanggang dito nalang po kayo..." wika ng isang nurse.

Walang nagawa ang binata kundi ang manatili doon. Pabalik-balik siya sa harap ng ER. Nakarating na rin ang mga kaibigan ng dalaga.

"Nasaan na siya?" umiiyak na wika ni Nice.

"Nasaan na si Mary Rose...." bulyaw ni Ellyn.

Tumingin nalang ang binata sa loob ng emergency room. Sinundan naman ito ng dalawang babae.

"Kapag may mangyaring masama sa kaibigan namin hinding-hindi kita mapapatawad..." saad ni Ellyn sa binata.

Wala sa sarili na pinagsusuntok ng binata ang pader habang paulit-ulit na nagsalita.

"Kasalanan ko ito, kasalanan ko ito...." wika niya habang pinagsusuntok ito.

Umagos na ang dugo sa kanyang kamay at hindi parin ito tumitigil. Pakiramdam niya manhid na ang katawan nito.

"Pink......" usal ng binata at napa luhod ito.

Nakaramdam ng awa ang dalawang babae ngayon lang nila nakita ang isang lalaki na humahagulgul ng ganito.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon