CHAPTER 17

2.7K 58 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Inalalayan ni Nice at Ellyn ang binata at pinakalma muna nila ito. Nang kumalma na ang lalaki ay kinausap nila.

"Sino ba ang babae na iyon Erwin?" tanung ni Nice.

"Siya ang ipinagkasundo sa akin ng aking mga magulang para pakasalan, ganyan ang tradisyon sa amin doon sa Mindanao. Pag tungtung nang lalaki sa edad na pito ipinagkakasundo na ito. Kababata ko si Erica at gusto ng mga magulang niya na ako ang mapangasawa nito." sagot ng binata.

"Bakit naman niya nasabi na naglayas ka?" wika ni Ellyn.

"Naglayas ako dahil balak na nila kaming ipakasal nung mag dise-otso na ako. Kaya bago paman mangyari iyon tumakas na ako. Hindi ko siya mahal at parang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Ang nais kung pakasalan ay ang babaeng mahal ko at mahal rin ako, ayaw ko na magsama kami ng babae sa isang bubong ng walang pagmamahal. Kaya mapadpad ako dito, namuhay ng mag-isa at malaya, nangtrabaho nang kung anu-anu para mabuhay hanggang sa nakilala at nakuha ako ni Mommy Ricky para magmodel. Doon ko nakilala ang kaibigan ninyo." paliwanag ni Erwin sa mga ito.

Napa nganga naman ang dalawa sa mga rebelasyon niya pero nakikinig parin ang mga ito.

"Unang kita ko palang sa kanya may kakaiba na agad akung naramdaman, lalo na nang nagkasama kaming rumampa sa entablado parang may kung anung kuryente ang tumulay sa palad ko na lalong nagpabilis ng tibok sa aking puso......" salaysay ng binata at napa ngiti.

"Pero ngayon nangdahil sa akin nagkaganyan siya, hindi ko talaga mapapatawad sarili ko kung may mangyaring masama sa kanya." wika nito na may halong lungkot at pangamba.

"Ngayon na intindihan na namin, huwag kang mag-alala malakas si Mary Rose tiyak hindi agad iyon susuko." turan ni Nice.

"Oo nga ang mabuti pa punta muna tayo sa clinic at ipagamot iyang mga sugat mo, mahirap na at baka ma impeksyon pa iyan." sabad naman ni Ellyn.

Tinungo nila ang clinic at nilagyan ng benda ang kamay ng binata pagkatapos noon ay bumalik sila agad. Tamang-tama ng bumalik sila lumabas na ang doctor. Sinalubong nila ito.

"Doc, kamusta po ang kaibigan namin?" tanung ni Nice.

"Tatapatin ko na kayo, ligtas na siya pero dahil sa lakas ng pagkauntog sa kanyang ulo at mga sugat na natamo,pag hindi pa nagising within 24hrs ang kaibigan ninyo baka macocomatose na siya...." pahayag ng doctor.

Parang binagsakan ng langit ang lalaki, bigla siyang nawalan ng lakas ng marinig ito.

"Sige doc salamat...." wika ni Ellyn.

"Pwede na ninyo siyang puntahan sa ICU..." saad ng doctor bago umalis.

Tahimik na naka upo ang tatlo sa upuan, walang may gustong magsalita. Maya-maya ay tumayo si Erwin.

"Pupuntahan ko muna si Pink doon baka magising na siya." wika ng binata.

"Sige susunod kami..." tugon ni Ellyn.

Nakatitig lang si Nice at halata ang lungkot sa mga mata, ganun rin si Ellyn. Sa loob-loob naman ni Erwin parang wala na siyang ganang mabuhay pero nagpapakatatag ito.

Tinungi niya ang ICU at nagsuot muna ng hospital gown bago pumasok.

"Pink......" wika ng binata.

Nag-uunahan na namang pumatak ang kanyang mga luha lalo pa't nakita niya ang kalagayan ng kasintahan. Puno ng benda ang ulo,ang daming galos sa braso maging ang mga mukha nito. May mga aparato rin ito sa kamay at ilong. Halos durog na durog ang puso ng binata.

"I'm so sorry pink...... please gumising kana....... please...... babawi ako sayo..... kung gusto mo saktan mo ako, sipain mo, tadyakan mo o kung anu gusto mo gawin basta gumising kana..." sambit ng binata na humahagulgul.

Hindi niya napansin ang pagpasok ni Ellyn at Nice. Nasaksihan naman ng dalawa ang pighati ng binata at awang-awa sila dito.

"Bhest gumising kana oh......" naluluhang sambit rin ni Ellyn.

"Oo nga bhest gumising kana jan please...." wika ni Nice at umiiyak na rin.

Lumipas ang 24hours pero hindi parin nagigising ang dalaga kaya, lanlumo si Erwin

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon