BECAUSE OF YOU
(REALITY'S DESIRE BOOK 3)
Written by: Sexy Lady
"Doc, anu po ang nangyari sa kaibigan namin bakit wala siyang naalala tungkol sa kasintahan niya... " wika ni Ellyn.
Tumingin ang doctor sa kanilang dalawa at huminga muna nang malalim bago nagsalita.
"Sa palagay ko may temporary amnesia ang kaibigan ninyo. Sanhi ng pagkabagok ng ulo niya dagdag rin ang matagal na pagkatulog niya. Ang isa pang dahilan is pilit kinalimutan ng utak niya ang parte tungkol sa kasintahan niya dala siguro ng isang pangyayari na nagbigay dahilan para kalimutan ito." pahayag ng doctor.
"Pwede ho bang mangyari ang ganun doc? at babalik pa ba ang alaala niya tungkol doon?" saad naman ni Nice.
"Depende iyan kasi may some cases na after ilang buwan babalik na ang alaala na iyon pero pwede ring hindi na talaga." sagot ng doctor.
Sumunod si Erwin kaya narinig niya lahat-lahat ng sinabi ng doctor. Napabuntong-hininga nalang siya.
"By the way total gising na rin ang kaibigan ninyo pwede na kayong lumabas after 3days..." dagdag pa ng doctor.
"Sige doc, salamat..." paalam ng dalawa.
Nakita siya ng dalawa at tinapik-tapik lang ang balikat niya. Naupo sila sa upuan sa labas ng silid. Walang gustong magsalita.
"Siguro oky na rin ang ganito ang mahalaga ligtas na siya at malayo na sa kapahamakan..." malungkot na turan ng binata.
"Hindi ba sabi ng doctor may possibilidad na bumalik ang alaala niya sa iyo kaya huwag ka nang malungkot." wika naman ni Nice.
"Kung bumalik ang alaala niya tiyak kamumuhian ako noon..." wika ni Erwin at yumuko.
"Maiintindihan ka naman niya siguro pag nangyari iyon..." saad naman ni Ellyn.
Maya-maya ay dumating si Paul at Vince dala ang dalawang bata. Sinalubong sila ni Ellyn at Nice.
"Kamusta pare?" bati ni Paul kay Erwin.
"Balita namin gising na raw si Mary Rose...." singgit naman ni Vince.
"Oo mg pre gising na nga siya...." malungkot na turan ni Erwin.
"Pasok muna tayo sa loob..." pagyayaya ni Nice.
Pumasok sila at nang makita ni Mary Rose ang dalawang bata natuwa ito. Nakaramdam rin ng kasiyahan ang binata dahil sa nakita. Lumabas naman ang mga matanda kasama ang dalawang babae. Naupo si Erwin sa tabi ng dalaga.
"Totoo ba na ikaw daw ay nobyo ko?" wika ni Mary Rose na puno ng katanungan ang mga mata.
Hindi naka sagot ang binata nagkatitigan lang sila. Ito rin ang unang nagbaba ng tingin.
"Oo siya ang kasintahan mo mare...." si Paul ang sumagot.
"Pasensya na hindi talaga kita maalala eh...." saad ng dalaga.
Masaya ang lahat pero may halung lungkot dahil hindi maalala ng dalaga ang kasintahan. Lumipas ang tatlong araw at naka labas na ang dalaga sa ospital.
"Dahan-dahan lang pink at baka mabinat ka..." wika ng binata.
"Oky lang ako huwag ka mag-alala." naka ngiting sagot ng dalaga at may halo itong hiya.
Simula ng makauwi todo alaga ang ginawa ni Erwin sa kasintahan. Ipinagluluto niya ito lagi tapos ipinapasyal. Lumipas ang linggo at lumakas na ulit ang dalaga kaya bumalik na ito ng trabaho.
"Sure ka anak na kaya mo na?" nag-aalalang wika ni Perla sa anak.
"Oo ng anak kung gusto mo magpahinga ka muna." singgit ni Pedro.
"Pahingga ka nalang muna pink baka hindi pa kayanin ng katawan mo eh..." turan rin ni Erwin.
"Nay, tay, blue huwag kayong OA kaya ko na promise mag-iingat ako." wika ng dalaga.
Si Erwin ang nanghatid sa kasintahan para masigurado niya na safe ito. Lumipas ang buwan at umuwi na nang probinsya ang mga magulang ni Mary Rose, inihabilin nila ang dalaga kay Erwin.
"Ingatan mo ang anak namin iho ganun rin ang bunso ha...." bilin ni Perla.
"At huwag mo nang paiiyakin ang panganay ko dahil sa susunod hindi lang suntok ang aabutin mo." saad ni ni Pedro.
"Makakaasa ho kayo tito, tita...." sagot ng binata.
Siya ang naghatid sa dalawa sa airport dahil may pasok si Maribel at gaun rin ang dalaga. Pumasok na ang dalawang matanda at umalis na rin siya.
"Ipaghahanda ko siya ng dinner ngayon...." masayang saad ng binata habang nagdadrive.
Nakarating siya sa Unit ng dalaga at nagulat siya sa naabutan sa labas.
BINABASA MO ANG
BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )
RomanceMary Rose Saban simple, mabait at down to earth. Kilalang designer sa bansa, workholic, pero sa kabila ng tinatamasang kasikatan may kulang pa ito sa buhay na kanyang hinahanap. Erwin Mabpanan- kilalang hunk sa mundo ng pag momodel. Mayabang, presk...