My POV:

6 1 0
                                    

Marahang binaybay ng sinasakyan kong bus ang daan papuntang Maynila. Hindi pa rin ako makapaniwala na makakapunta ako rito ng mag-isa lamang. Nakalagay ang pang-ulong hatinig sa aking tainga habang ito'y tumutugtog ng awit ni TJ Monterde. Hindi ako malungkot o sawi, sadyang ang sarap lamang damahin ng mga ganitong kanta sa pagbiyahe. Ayaw kong umidlip o makatulog sa pampublikong sasakyan, mas lalo't higit wala akong kasama. Nakatingin ako sa bintana habang dinadama ang tugtog, biglang bumagsak sa aking balikat ang ulo ng katabi ko. Hindi ko alam kung ako ba ay maiinis o maaawa dahil mukhang pagod pa ata ang aking katabi. Hayaan ko na nga siya at malapit na rin naman akong bumaba sa susunod na termino ng bus. Pupunta akong paliparan at iiwan muna ang aking pinagmulan. Sa wakas, makakaalis rin ng bansa. Ang aking unang paglabas ng bansa ay mag-isa at nakakalungkot ng bahagya. Kailangan kong mag-aral ng mabuti dahil ako'y nakatanggap lamang ng iskolarsip at isponsor mula sa isang di kilalang tao. Alam kong wala akong kasiguraduhan roon ngunit kailangan kong sumugal. Hindi kami aahon sa hirap kung hanggang dito lamang ang aking pangarap. Dali-dali na akong umupo dahil nabibigatan na rin ako sa aking mga gamit. Hay Pilipinas, babalik ako nang dala ang aking tagumpay at pag-angat. Sana ay pagpalain ako ng Diyos. Narinig ko na ang anunsyo at ako nga'y makakasakay na sa eroplano sa unang pagkakataon. Kinakabahan na nakakatuwa. Lilipad na at totoo ngang nakakasuka at nakakalula kaya hindi ko namalayan na napakapit ako sa aking katabi at nakurot ko siya. Dumugo ang braso niya at bigla akong bumalik sa katinuan ng tuluyan na nga kaming nasa ere. Inis ang nabakas ko sa mata ng lalaking katabi ko at ako nama'y hiya at pagkamuhi. Agad akong humingi ng tawad sa kanya at inabutan siya ng "Band-aid" para matakpan ang sugat na kanyang natamo. Nakakahiya naku po! Mahigit labing-tatlong oras kami magiging magkatabi sa eroplano at hindi akmang ngiti ang naibibigay ko sa kanya tuwing ako'y mapapalingon. 5 oras na ang nakalilipas at nakaramdam na rin ako ng antok. Di ko namalayan na 6 na oras na akong tulog, at nagising akong nakasandal sa aking katabi. Nakailang sabi na ako sa kanya ng pasensya dahil baka nasira ko ang kanyang biyahe at pagpapahinga subalit hindi naman nya ako pinansin. Suplado, akala mo naman ikinagwapo niya. Bago bumaba ay binigyan ako ng flight attendant ng pagkain. Kinakabahan na ko kaya nag-ayos ako saglit sa banyo at paglabas ko ay nakangiti sa akin ang isang lalaki na parang nakakaloko. Di naman siya mukhang manyakis o masamang tao, Ewan ko lamang kung bakit ngumiti siya o sadyang malabo lang ang aking paningin dahil ako ay may salamin. Limang minuto na lamang at maglalanding na ang eroplanong sinasakyan ko. Para bang may mga paru-paro sa aking tiyan at sobrang galak ko. Ito na iyon. Di ko alam kung ano ang mangyayari sa akin rito ngunit sana'y maging ligtas ako. Paglabas ko sa pinto ng eroplano, ako'y napangiti ng abot tenga. Ang ganda pala talaga rito sa California, at iba ang hangin. Hinanap ko na agad ang taong sasalubong sa akin na may hawak ng aking pangalan, sila ang kukupkop pansamantala sa akin rito sa California at ako'y kanilang patitirahin at pakakainin sa abot ng kanilang makakaya. Kumaway na agad ako sa aking magiging Ina at kapatid dito. Masaya nila akong sinalubong at niyakap. Nakahinga ako ng maluwag at napasabi ng "Salamat Panginoon" dahil mukhang mabubuting tao ito. Agad kaming sumakay sa sasakyang dala nila at ako'y kinausap. Pumunta ako roon ng baon lamang ay ang kaalamang natutunan ko sa Pilipinas. Nakakaintindi ng Ingles ngunit hindi ganoon kagaling magsalita. Ako nga'y nawindang dahil mabilis silang magsalita na dumating sa punto na sinabihan ko silang dahan-dahan lamang. Nakakatawa raw ako at napakamasayahin. Pagkarating sa kanilang tahanan, inasikaso ko muna ang aking mga gamit at nagpahinga ng mga ilang oras. Ika-siyam palang ng umaga dito ay sobrang antok pa rin ako. Dahil na rin siguro sa pagkakaiba ng oras sa Pilipinas. Agad akong bumangon dahil naramdaman kong gutom na ako. May pagkain na sa mesa at wala na ngang tao sa bahay bukod sa 10 taong gulang na anak ng aking tinutuluyan. Mabait na bata at maalam na sa buhay kaya hindi ko na kailangang pagsabihan. Kumain na ko at sinabihan ako ni Jaycee na asikasuhin ko na ang aking mga papeles sa pagpasok ko sa Unibersidad. May kaibigan akong Pilipino na naririto kaya sinabihan ko siya na samahan akong mag-asikaso dahil nga wala akong alam rito. Agad naman siyang sumang-ayon at susunduin raw niya ako sa aking tinutuluyan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My childhood dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon