CHAPTER 33

3.3K 61 0
                                    

BECAUSE OF YOU

(REALITY'S DESIRE BOOK 3)

Written by: Sexy Lady

Masayang nagyakapan ang dalawa kasama ang anak nila. Sa wakas sa loob ng napakahabang panahon ay nabuo na sila muli.

"Ilove you daddy..... ilove you mommy..." wika ni Joy para sa dalawa.

Naka ngiti namang lumabas ang dalawang mag-asawa. Alam nilang maayos na ang lahat dahil sa ngiti ng dalawa.

"Masaya ako para sa inyo bhest sa wakas malalagay kana rin sa tahimik..." wika ni Ellyn.

"Oo nga bhest, mabuti at nagkasundo kayo agad at wala ng problema...." dagdag pa ni Nice.

"Salamat mga bhest ha...." kay lapad ng ngiti ni Mary Rose.

Masayang nagyakapan ang tatlo at nagkatinginan lang ang mga lalaking naroroon pati ang mga anak nila.

"Congrads pre at ingatan mo ang kaibigan ko ha..." wika rin ni Paul.

"Makakaasa ka pre....." sagot ni Erwin.

"Pag may problema ka pre narito lang kami ni pareng Paul para tulungan ka..." turan din ni Vince.

Makikita ang saya sa bawat mukha ng mga naroroon lalong lalo na si Erwin at Mary Rose dahil buo na ang pamilya nila, kailangan nalang itong basbasan.

"Hmmm, pre may nakakalimutan ka yata na gawin...." naka ngiting wika ni Paul.

Nagkatinginan ang lahat at napa tingala naman si Mary Rose sa taas dahil hinanap niya ang nakita niya kaninang kumukinang.

"Oo nga pre nawala na sa isip ko eh kasi na excite ako..." sagot ng binata.

Maya-maya ay may isang baloon na pumutok sa taas at may nalaglag na mahabang papel at may nakasulat doon.

PINK, WILL YOU MARRY ME!!!

Halos maluha naman si Mary Rose sa kanyang nakita at si Joy ay nag-alala ng makitang tumutulo ang luha ng kanyang ina.

"Ooohhh mommy please don't cry.... daddy your bad you made my mom cry..." naka taas ang kilay na wika ng bata.

Napa kamot naman ng ulo si Erwin sa sinabi ng anak. Natawa naman si Mary Rose dito.

"No baby i was happy thats why i'm crying, don't be mad..." usal ng babae sa anak.

"Ahmmm pink, hindi mo ba tinuruan si Joy ng tagalog?" singit ni Erwin sa dalawa.

Nagsalubong naman ang kilay ng babae sa narinig niya. Maging sina Ellyn, Paul, Vince at Nice ay napangiti na rin.

"Bakit blue?" tanung ng babae.

"Kasi puro english ang mga salita niya tapos kung hindi english ay french, pakiramdam ko dumudugo na ang ilong ko sa kakasalita niya ng mga iyon...." sagot ng binata

Humagapak ng tawa ang apat pati na rin si Mary Rose nakitawa kaya napakamot ng batok si Erwin sa kanila.

"Pero alam mo bhest may point ang hubby-to-be mo, kahit ako nahihilo narin makinig ng english ng anak mo ay ninyo pala...." singgit ni Ellyn.

"Oo nga bhest minsan patia anak ko nagtatanung kung anu na ang mga sinasabi ni Joy..." saad rin ni Nice.

"Kaunti lang ang tagalog na alam niya mga bhest eh kasi doon na siya nagkaisip sa Paris at nag-aaral na rin siya doo kaya ganyan..." katwiran ni Mary Rose.

Si Joy naman ay salubong ang kilay dahil marami siyang hindi naiintindihan sa pinag-uusapan ng mga ito.

"Oky pre hayaan mo muna iyan at gawin mo na ang mga dapat mung gawin." wika ni Paul.

May hinila na maliit na lubid ang binata pagkatapos ay may kinuha ito doon at lumapit sa babae.

"Baby can i barrow your mom for a while?" paalam ni Erwin sa anak.

Ngumiti naman ang bata at bumaba ito tsaka lumapit sa tatlong bata na abala rin sa paglalaro.

"Ngayon pink isang bagay lang ang nais kung sabihin sa iyo at sana huwag mo na akung tangihan po dito dahil ayaw ko ng tumanggap ng pagtangi at hindu na sagot...." usal ng binata.

Lumuhod ito sa harap niya at nahuhulaan na ng babae ang mga susunod na mangyayari.

"Pink will you be my wife, the mother of my children and my partner in life, will you marry me?" madamdaming wika ng lalaki.

Napaluha ang dalaga sa mga katagang iyon. Matagal na rin niyang inaasam na marinig ito mula sa binata at ngayong naririto na ay hindi na niya pakakawalan pa.

"Yes, yes, yes, yes......." usal ng apat ng sabay

Natawa na naman siya kaya para siyang baliw ngayon lumuluha na tumatawa.

"Pink...." usal ni Erwin.

"Yes blue, i will marry you...." sagot ng dalaga.

Na siya naman ikinatuwa ng binata. Isinuot nito agad ang singsing sa kamay ng dalaga ata agad na binuhat at inokot.

"Blue ibaba mo ako at nahihilo na ako..." usal ng babae sa katipan.

Ibinaba naman siya ni Erwin at ginawaran ng halik sa labi. Pumalakpak naman ang apat pati ang mga bata naki sali narin.

"Kasalan na...." sigaw ni Ellyn.

Namula ang babae ng marinig ito pero sa loob-loob niya ay saya na walang katumbas. Saya na sana ay maging panghabang-buhay na kasama ang lalaking minahal niya.

"Abay ako bhest ha...." wika ni Ellyn.

"Abay ka jan eh may anak na tayo, sponsors nalang..." saad ni Nice.

"Oo nga, ang abay sa walang asawa iyan tayo naka ilan na.." wika ni Paul.

"Tsee, pakialam mo kung gusto kung mag-abay..." singhal ni Ellyn sa asawa.

Natawanan ang lahat at nagsaya sila. Welcome party sa pagbabalik ni Mary Rose ag ni Joy at para na rin sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa.

"Happy kaba pink?" tanung ni Erwin.

Magkatabi silang matutulog ngayon matapos ng mahabang panahon na pagkakawalay sa isa't isa.

"Sobra blue,,,, hmmmm sorry ha...." usal ng babae.

"Sorry saan?" tanung ng kanyang katipan.

"Sa lahat-lahat blue, sa pag-iwan ko sa iyo, alam kung nasaktan kita pero nais ko lang talaga hanapin ang sarili ko, sorry kung naghintay ka ng....." wika ni Mary Rose.

Hindi na niya ito natapos dahil hinalikan agad siya ng kasintahan sa labi. Habol-hininga sila ng maghiwalay.

"Naiintindihan ko pink at kalimutan na natin iyon ang mahalaga ay ang ngayon...." sagot ni Erwin at niyakap ang babaeng tinatangi.

Ibinalita nila sa lahat ang nalalapit nilang pagpapakasal at natuwa ang mga magulang nila. Lalo na ng malaman ng mga magulang ni Erwin na may apo na ang mga ito.

BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon