BECAUSE OF YOU
(REALITY'S DESIRE BOOK 3)
Written by: Sexy Lady
Busy ang dalawa sa pag-aasikaso ng nalalapit na pag iisang dibdib nila. ang dalawa niyang kaibigan ay sponsors nila. Si Maribel ang maid of honor, si Joy at Precious ang flower girl.
Si Jade ang ring bearer at si Josh sa bible. Bakas ang tuwa sa bawat isa, nagpapasukat kasi sila ng isusuot ngayon. Blue at pink ang motif ng kasal nilang dalawa. Pink ang susuotin ng mga babae maliban sa bride na white at blue ang sa lalaki maliban sa groom n white rin ang suot.
"Mommy i'm hungry already..." wika ni Joy.
Kaninang umaga pa sila sa botique at hanggang ngayon ay hindi pa sila tapos. Ang dami kasi nilang nagpasukat.
"Bhest balik nalang kami later pakakainin ko muna itong dalawa..." wika ni Ellyn at inakay ang dalawang anak.
Sina Nice palang kasi ang nasusukatan dagdag pa na ang daming nauna na kostomer sa kanila.
"Sige bhest mag-iingat kayo ha..." wika ni Mary Rose.
Nagbeso-beso muna ang dalawa at nagyakapan.
"Bye,bye Joy....." paalam ni Jade sa bata.
"Bye,, bye and take care...." naka ngiting sagot naman ni Joy sa bata at kumaway.
Pasimpling lumapit dito si Jade at humalik sa pisngi ng batang babae tapos ay tumakbo sa kotse.
"Aaaahhhhhhh......" tili ni Joy.
Taranta namang lumapit si Mary Rose sa anak nang marinig niya ito.
"Why did you shout baby?" nag-aalalang tanung nito sa anak.
"Because of Jade mommy!" wika ng batA na para na itong iiyak.
Hawak pa nito ang kanyang pisngi at namumula ang kanyang mukha. Lumapit na rin si Ellyn ng marinig na binigkas ng bata ang pangalan ng kanyang anak.
"Why baby, what Jade did on you?" tanung ni Mary Rose sa anak.
Pigil na pigil ng bata ang mapaiyak halata ito dahil sa pumumula niya.
"Because mommy Jade kiss me on my cheek...." sagot ng bata at yumuko.
Napangiti ang dalawang ina at nagkindatan na tila nag-uusap ang mga mata nila at nagkaintindihan.
"Paano ba iyan bhest...." usal ni Mary Rose.
"Oo nga bhest eh...." naka ngiting saad rin ni Ellyn.
Umalis na ang mga ito at naiwan silaNg mag-iina. Binuhat ni Mary Rose ang anak at pinatahan ito dahil umiyak na talaga.
"Ssshhhh,,,, enough baby...." pag-aalo ng babae.
Nasa ganung sitwasyon sila ng dumating si Erwin. Dali-dali itong lumapit ng makitang umiiyak ang anak.
"Why my baby is crying?" tanung ng lalaki.
Napaanagat ang bata pagkarinig niya sa boses ng ama at agad pinahid ang mga luha, napa ngiti naman ang kanyang katipan.
"Anung nangyari pink at umiiyak ito?" tanung niya sa babae.
"Hinalikan ni Jade kaya hayan tumili at umiyak..." tugon niya.
Niyakap nalang ni Erwin ang anak at pinatahan ito. Mabuti at tumahan na rin.
"Don't worry baby it's just a kiss..." wika ni Erwin dito.
Natapos ang paghahanda nila at dumating ang araw ng kanilang kasal.
"Masaya ako para sa iyo ate, sa wakas nasa mabuting kamay kana..." wika ni Maribel.
"Oo Bel, sa tagal ng panahon sa wakas ito na ang araw na inaasam ko..." sagot rin ng babae.
Kasalukuyang nilalagyan siya ng make-up ng baklang nag-aayos sa kanya.
"Ang ganda ng anak ko..." wika ng kanilang ina na kakapasok lang.
"Syempre ma, sa inyo yata kami ni ate nagmana ng kagandahan.." si Maribel ang sumAgot.
Napangiti naman si Mary Rose dahil doon, bumukas ang pinto at niluwa nito ang kanilang ama.
"Aba ang pogi mo mahal ah..." turan ng ginang.
"Syempre kaya nga patay na patay ka sa akin eh..." pagmamalaking sagot ng ama nila.
"Ang yabang mo pa, puro kulubot man iyang noo mo..." singgit ni Maribel.
Natawanan ang mga naroroon, nang matapos ay nagbihis na si Mary Rose upang pumunta na sila ng simbahan.
BINABASA MO ANG
BECAUSE OF YOU(REALITY'S DESIRE BOOK 3) ( Complete )
RomanceMary Rose Saban simple, mabait at down to earth. Kilalang designer sa bansa, workholic, pero sa kabila ng tinatamasang kasikatan may kulang pa ito sa buhay na kanyang hinahanap. Erwin Mabpanan- kilalang hunk sa mundo ng pag momodel. Mayabang, presk...