CHAPTER 05

24 13 2
                                    

Chapter 05 - " THE INVITATION CARDS"

(5 days later)

" Tulungan na kita akin na yung iba.."
Sabi ni Maritte sa akin at kinuha ang ibang invitation cards.

Ang sabi kasi ng babae kanina sa akin ay ako na daw magbigay para personal na daw na ang debutante ang magbigay para kakaiba daw. Tsk daming paandar.
Halos lahat ng mapapadaan sa gate ay binibigyan namin. Yung iba nga naka kunot ang noo habang tinatanggap ang mga invitation cards at magugulat o manlalaki ang mata matapos buksan at basahin kung ano ang laman.
Tsk. Alam ko magugulat sila sino ba naman ang hindi?
Ang inaakala nilang nobody ay isa pala sa may-ari ng school na ito. Actually wala naman akong maiyayabang kasi hindi naman ako ang nagpatayo at namamanage sa lahat ng mga kumpanya ni lola pero di maikakaila yun na ako pa rin ang may-ari kasi sa party na gaganapin bukas ng gabi ehh sigurado akong makikilala na ang pangalan ko. And I don't need those kind of stares lalo na ang pagbabati nila saken ng goodmorning.... Hello.... Good day mga ganun halatang mga plastik...
Meron pa nga isa kanina na bigla na lang nagsabi ng kung ano-ano na kesyu daw eh gusto niya ako maging kaibigan. Psh mukha niya.... Nagiging maldita na talaga ako bwesit di ko maintindihan ang sarili ko siguro naninibago ako o di kaya nagulat sa mga nangyayari ngayon.
I dont want their attention pero sa nangyayari ngayon alam kong simula sa monday ay papansinin na nila ako more like I say magpapaimpress. Ganun din kasi ang ginawa nung iba kela ate Maria ay Ate Mareile.

"What? So it's really true na kapatid ka nga nila Mareile and Maria kaya pala maakapareha kayu ng apelyido..." Pasigaw na sabi ni Sandra.

"And Mareile didn't even tell us..."

"Yeah she keeps a secret to us how dare her.." Sabi ni Annie at tumingin sakin at ngumisi.

"Kawawa ka naman matagal na pala nilang isinekreto ang buong pagkatao mo dito sa school? I remember when I attended the opening of this academe wala ka sa opening at hindi ka rin naibanggit sa mic.... So poor.."

Naalala ko noon nung opening ng Academe na ito. Kahit anong pilit ko kela mama na sumama ako dahil yun ang sabi ni lola sa kanila pero di nila ako sinama nanood lang ako sa tv noon habang inaanunsyo ang tungkol sa Academe hanggang sa banggitin niya lahat ng mga kapatid ko at nagulat ako noon ng hindi niya ibinanggit ang pangalan ko. Kaya nung first day of school ko sa academe ay walang nakakilala sa akin hanggang sa patuloy akong nag-aaral ay wala manlang nagpakilala o namansin saken. Malapit na din ang anniversary ng school next month na.

"Bakit kaya ngayon ka lang nila ipinakilala sa buong school? Ikinakahiya ka siguro ng pamilya mo..." Nang-uuyam na sabi ni Sandra. At sa likod nito ay paparating na si Alizza.

"Give me that damn invitation card." Parang galit na tugon nito at inagaw lang sa kamay ko ang ivitation na sana ay iaabot ko sa isang estudyante na nakalahad ang kamay.

" Hu!! I didn't know that its true pinalabas nilang long lost daughter ka ng mga Levitin but I didn't believe it because matagal na kitang nakikita sa mansion ng mga Levitin. And You know what all? Lagi siyang kinukulong noon kapag bumibisita ang mga kabarkada ng mga ate o kuya niya..... At sa basement pa..."

Napuno ng singhap at tawanan ang harap ng gate.

"Pwede ba tumigil na kayu wala namang ginagawa si Rex sa inyu ahh!"

Pumagitna na si Maritte sa amin at iniawat sila Alizza.
Nakayuko lang ako dahil sa sinabi ni Alizza.

'pinalabas nilang long lost daughter ka ng mga Levitin.. '

Sigurado akong iyun ang headline sa mga diaryo at telebisyon. Narinig ko rin kanina iyun sa radiyo ng tindahan na pinaglagyan ko ng bike ko.

Bakit?

LEVITIN'S SERIES #1 : STRANGER'S SHARING SURNAMEWhere stories live. Discover now