CHAPTER 5 - Hugs and kisses

390 35 1
                                    


BLAZE ASHER'S POV

At dahil First Time kong magkaroon ng POV dito , gusto kong malaman niyo na sobrang pogi ko. Kung hindi ka maniwala edi pumunta ka dito sa Monte Villa Building para makita mo.

Kanina pa ako hindi makatulog dahil nagugutom padin ako , kaya naman kanina hindi ko na natiis yung gutom ko ,  Buti nalang tulog na silang lahat. Ngayon ay nandito na naman ako sa  kusina para kumain.

Gusto kong mag diet pero sa pagda-diet ko mas lalo akong nagiging matakaw , baka mawala na yung abs at muscles ko. Kailangan ko na ulit mag gym every weekend.

Lumabas ako para kumuha ng tubig. Napansin kong baluktot si Grace , ano ba naman 'tong babaeng 'to nagpapakahirap sa buhay meron pa namang isang kwarto.

"Ikaw na babae ka , gamitin mo utak mo ha? Papakahirap ka dito eh anluwag luwag dun sa isang kwarto." Mahina kong sabi habang natutulog siya.

Binuhat ko siya papuntang kwarto. Buti nalang hindi nagising. Kinumutan ko siya , baka manigas 'to sa sobrang lamig ng panahon ngayon.

Aksidenteng napadampi ang kamay ko sa balat niya. Bakit sobrang kinis? kung titingnan naman parang napakagaspang ng balat niya. Hinawakan ko ang pisngi niya , bakit ang lagkit? Saka bakit nagkakabrown yung daliri ko kapag hinahawakan ko ang mukha niya?

Bigla siyang gumalaw , kaya kinabahan ako. Kala ko magigising na siya pero nanatili parin siyang tulog. Lumabas ako at pumunta sa kwarto ko.

Paniguradong may tinatagong sikreto 'to.

_______________________

12:30 Pm na pala. Sobrang lakas ng ulan , nasan kaya sina Vladymyr?

Agad akong lumabas ng kwarto para tiningnan kung nandito pa sila , Nanonood na naman sila ng Movie. Kala mo naman sila ang may-ari ng Condo na 'to.

"Hey pre , nakailang round kayo?" Tanong ni Stanley sakin. Napakunot ang noo ko.

"What? anong nakailang round?"

"May babae kang inuwi dito kagabi. Nakita ko na lumabas sa C.r kanina. Pre   , sobrang galing mong pumili. Mala marian rivera yung babae mo." Saad niya mas lalo akong nagtaka.

"What? Wala naman akong inuwing babae dito kagabi ah?"

"Don't deny it , be proud bro kasi nakasungkit ka ng magandang dilag." Natatawang sabi ni Vladymyr. "I'm just kidding." dagdag niya.

"Sobrang puyat mo nga oh , anong oras kana nagising ." Natatawang saad ni Laurent. Nanatili namang tahimik si Grace.

"Porke nagpuyat may ginawa ng kababalaghan?" Masungit kong sabi.

"Eh sino yung babaeng nakita ko kaninang lumabas sa Cr?" Tanong ni Stanley.

"Sinong naglipat sakin sa kwarto kagabi?" Tanong bigla ni Grace. Sh8t!

"Hindi ako." Sabay-sabay na sabi ng apat kong kaibigan. Napatingin sila sa akin.

"Ikaw?" Gulat na tanong nilang lahat. Kinakabahan ako. Kinunot ko ang noo ko.

"Ako? Bubuhatin si Grace? Eh inis na inis nga ako sa babaeng yan. Her Wish!" Masungit kong sabi.

Sabay-sabay na nanliit ang mga mata nila. "Whaaaat? Is there anything wrong? Saka maaga akong natulog kagabi , atsaka bat naman ako lalabas ng kwarto ko kung ang makikita ko lang naman ay isang pangit na nerd." Inis kong tanong.

"Wala naman bro ,  masyado kang defensive , napaghahalataan ka tuloy." Bulong sakin ni Leigh. Nanlaki ang mata ko.

Agad nalang akong pumunta sa C.R , aasarin lang nila ako. Hmp!

𝖳𝗁𝖾 𝖬𝗒𝗌𝗍𝖾𝗋𝗂𝗈𝗎𝗌 𝖭𝖾𝗋𝖽(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon