Going to our next destination, kinain ko na ang mga baon kong pagkain. Nakakagutom kahit kakakain lang namin ng breakfast kanina. Nakakagutom kasi maglakad at mas nakakagutom mainis dahil sa nangyari last chapter!
"Belle," pagtawag ni Criza. Sa pagtawag niya pa lang sa 'kin, alam kong walang kwenta ang sasabihin niya. "Titig?" tanong niya habang naka-ngisi. Sinasabi ko na nga ba!
"Tawagin ko nga si Joao," sabi ko at akmang tatayo. Agad naman akong pinigilan ni Criza.
"Joke lang naman! Bakit ba ganiyan ka sa 'kin, Belle? Hindi na ikaw 'yung Belle na nakilala ko!" pagda-drama niya.
"Tumahimik ka na nga!" nilagyan ko ng kinakain kong V-cut ang bibig niya. Nakanga-nga pa kasi siya kaya hindi ako nahirapang lagyan ang bibig niya.
"Aray! Muntik na ako nabilaukan!" reklamo niya pagkatapos nguyain at lunakin ang nilagay ko sa bibig niya.
"Okay na 'yon! What if langaw 'yung pumasok sa bibig mo imbes na 'tong pagkain? Ha?" tanong ko. If ever lang na may langaw dito sa loob ng bus.
"Hmm, may point ka naman," kibit-balikat niya.
For our next destination, pupunta kami sa isa sa mga sikat na bilihan ng mga pasalubong dito sa Pampanga. Nagpa-ikot sila ng Sans Rival bilang free taste para sa 'min. And, gooooosh! Sobrang sarap! Truly, Pampanga wouldn't be the Culinary Capital of the Philippines for nothing!
"Wow, naka-eco bag!" pang-aasar ko kay Criza. Nilabas niya na kasi ang eco bag niya na paglalagyan niya raw ng mga bibilhin niya mamaya na mga pasalubong.
"Parang mag-gogrocery lang, 'no?" natatawa niyang tanong.
"Bibilhan mo sila Tita ng mga pasalubong para makalimutan nila ang exam mo sa Cost Control na 22/50, 'no?"
Sinamaan ako ng tingin ni Criza. "Sige, ipaalala mo pa! Tsaka, hindi naman nagalit si Daddy, 'no! Sabi ko, mas mahalaga pa rin na sama-sama at buo ang pamilya namin," pagkekwento niya.
"Wow, ha! Akala mo naman kung sino kang napaka-deep na tao!"
Nagtawanan kaming dalawa. "Bagay ba sa 'kin?"
"Hindi," mabilis kong sagot. Sumimangot lang siya at hindi na ako pinansin.
"Okay, bus number 2! Pwede na tayong bumaba!"
Grabe, ang init sa labas! Wala pa naman kaming dalang payong ni Criza! Kami pa kasi ang nagsama, eh tamad kami magdala ng payong! Ang layo pa naman ng lalakarin namin! Wala kasing parking doon sa mismong store kaya sa medyo malayo kami nag-park. Tumawid pa kami ng kalsada at may nadaanan pang church.
Pagdating namin sa store, pinanood muna namin kung paano nila ginagawa ang mga masasarap na delicacies dito sa Pampanga. May mga free taste rin na open arms naming tinanggap. Dakot pa nga ang ginawa ni Gello, eh. Baon niya raw hanggang mamaya. Adik talaga 'yun!
"Pwede pong kumuha?" tanong ni Jim sa isang staff na nasa gilid.
"Dito?" turo naman ng staff sa mga nasa harap namin na mga pang-free taste. "Oo naman."
"Doon po sana," sabi ni Jim sabay turo sa isang cake na nasa gilid. May birthday celebration yata sila. May candle rin kasi sa cake na mukhang nahipan na.
Agad namang hinampas ni Limer si Jim. "Hindi 'yon kasali sa free taste!" natatawa niyang sinabi.
Natawa lang 'yung staff sa kanila. Ang sama tuloy ng loob ni Jim. Bakit daw siya pinagdamutan? Jusko, tawa tuloy kami nang tawa. Happy birthday na lang po sa may birthday!
Pagkatapos ay pumunta na kami sa mismong store para bumili ng mga pasalubong. Kaniya-kaniya kami ng kuha. Talagang nakipaglaban ako para sa Sans Rival! Aba, hindi ako papayag na mauubusan ako noon! Buong buhay akong magtatanim ng sama ng loob kapag naubusan ako!