Ashleen's POV
Kagabi ko pa kino-contact si Grace, hindi niya sinasagot mga tawag ko eh. Ano na bang nangyari dun? Ang aga niya kasing umuwi kahapon kaya hindi ko na siya nakausap ng matino. Anak naman ng tokwa uh.
Recess.
Nagkita-kita kami sa dating lugar.
Tinabihan ko agad si Grace.
Ashleen: Uy. Okay ka na ba?
Grace: (tumayo)
Ashleen: Teka. Uy. San ka na naman ba pupunta?
Grace: Wala.
Ashleen: Grace? Galit ka ba sa akin?
Saktong dating ng mga BOYS.
Grace: Makaalis na nga dito. Ang daming sinungaling.
Pinigilan ko si Grace.
Ashleen: Grace ano bang nangyayri sa iyo!!?
Paul; Grace. Ako naman may kasalanan ng lahat eh. SORRY na.
Grace: SORRY? Sorry Paul? SORRY? Bakit? Anong magagawa ng SORRY mo? At ikaw naman Ashleen, sabi mo sa akin noon wala tayong magging sikreto sa isa't isa, na maggng honest tayo sa isa't isa? Pero anong ginawa mo? Itinago mo sa akin na niloloko lang ako ni Paul!
Ashleen: Grace... I'm sorry.
Grace: Isa ka pa. Sorry ka din.
Ashleen: Ayoko lang naman kasi na masaktan ka eh.
Grace: E anong nararamdaman ko ngayon? Tumatawa ako? Masaya ako? Salamat sa ginawa mo Ashleen kasi HINDI AKO NASASAKTAN. Grabe.
Paul: Grace. Mag usap tayo.
Habang hinahawakan ang kamay ni Grace. Agad naman iyon inalis ni Grace.
Grace: Wala na tayong paguusapan pa. Tapos na tayo.
Sabay alis. Naiyak ako sa nangyari. Mahal na mahal ko yung best friend ko na yun eh ='( Nilapitan ako ni Wendy.
Wendy; Ashleen. Tama na.
Mark: Bhe... Wag ka nang umiyak.
Paul: Wag ka mag alala, Ashleen. Kakausapin ko siya.
Ashleen: KASALANAN MO TO EH!
Mark: Wag ka ngang sumigaw. Nakakahiya ka, Ash.
Ashleen: Bakit? May kailangan ba akong ikahiya?! BAKA YANG KAIBIGAN MO ANG KAILANGANG MAHIYA! MANLOLOKO!
Paul: ASHLEEN. ANO BANG PROBLEMA MO? HA?
Mark: Paul. Tol. Babae yan. Babae yan.
Paul: E NAKAKAPIKON NA YANG BABAE NA YAN E!
Ashleen: Bakit? Di mo matanggap? Di mo maamin sa sarili mo?! AKALA MO KUNG SINONG MATINO, PLAYBOY NAMAN PALA.
Mark: ASHLEEN! TAMA NA! Sumusobra ka na eh! Baka nakakalimutan mo kaibigan ko tong kausap mo!
Ashleen: Pwes KAIBIGAN ko lang din ang ipinaglalaban ko dito, Mark! MAGSAMA kayo!
Sabay alis.
Wendy: Teka lang, Ashleen.
Jayem: Wendy. Hayaan mo muna silang magpalamig.
---------
Wendy's POV
Ano ba yan? Akala ko ba masaya ang barkada nila? E ano ba talagang nangyayari? -,- Naguguluhan naman ako. Grabe naman pala mag away away mga estudyante dito. Buti nalang wala masyadong teacher na gumagala gala. O kaya mga schoolmates na nagsusumbong. Para ngang mga wala silang pakeelam kahit may nagsisigawan na kanina. Hmm. Hinahanap ko si Ashleen. Hindi ko naman siya makita. Si Mark naman, mas pinili pa si Paul kesa sa GF niya. Wala siyang kuwenta. Habang hinahanap ko siya, nakita ko si Lance. Nagiisa at parang naglalabas ng galit dun. Tapos nakita ko.. Sinusuntok niya na yung puno. Nagulat ako.
BINABASA MO ANG
Sa Isang Sulyap Mo
Fiksi RemajaLove at first sight. Falling for a friend. Break ups. Letting go. Moving On. Hanggang saan ang kaya mo para sa taong mahal mo?