"Hindi ka pa nagbibihis?"I looked at my ate who's curiously asking me kung bakit di pa ako nagbibihis.
I'm just here, nakaupo sa kama ko at nakatulala. Iniisip kung dapat ba akong sumunod o dapat na ba akong hindi sumunod kahit ito lang. Mapagbigyan nila ako.
Umiling ako bilang sagot. I don't want to go anywhere. Lalo na sa dapat na puntahan namin. God knows how much I wanted to stop the time. I just want to think on something else. I want to know the truth. I want a clear explanation yet I also want to stay.
"Alexa, come on hmm? Magiging maayos din ito sayo. You will find this rightful kapag na realize mo na, okay?"
Whatever people says, wala parin talaga sa isip ko yung ganitong set up. I can't even understand why they wanted me to do this.
"Ate" I give her a meaningful sight
Tumatango siyang ngumiti saakin, "I understand, but first let's obey mom, okay? Sumunod na muna tayo, saka natin silang subukang kausapin, hmm?" mahinang pagpapaliwanag niya saakin
Palagi naman akong sumusunod sakanila eh. Palagi. Lahat nalang.
I still don't want to move pero naguguilty na ako sa kalungkutan na nakikita ko kay ate. Nalulungkot siya dahil malungkot ako. Wala siyang magawa kasi ayokong gawin. Pero kapag pinagpatuloy ko pa, siya yung pagagalitan and ate don't deserve it.
I really can't understand mom. At first, she don't want me to do anything kasi ang alam ko siya na ang bahala para hindi matuloy yung ganitong condition. Pero bakit ganun? I just woke up and they're telling me to dress elegantly because for some reason,
I'm getting---
Napatingin ako kay ate dahil sa hinahagod niya na ako ngayon. She looked at me in apologetic face.
Umiling ako sakanya.
I don't hate ate. Hindi ko siya sinisisi kung bakit napunta sakin ang dapat na siya ang gumagawa. In fact, ayoko din na mangyari sakanya ito. I know what's going on with her and kuya kile, so I tried to just feel okay.
We are currently in our car, papunta sa convention. This is a big party, ofcourse. I bet pinaghandaan nila. Ako lang ata ang hindi nakakaalam sa sariling party ko. Ni hindi nga sila nagabalang sabihin sakin mismo eh. I just knew when ate told me. Pano pa kaya yung ipaliwanag nila saakin kung bakit humantong sa ganito.
Napatingin ako sa baba noong naramdaman kong bigla nalang tumulo yung luha ko. Mas lalo lang itong nasundan nang niyakap ako bigla ni ate habang hinahagod sa likod
"I'm so sorry, I can't do anything. I'm so sorry my sister"
Mas lalo lang akong umiyak. I'm trying hard not to cry loudly. Ayokong humagulgol. Kaya pa naman ata itong pigilan, hindi ba?
That's what I thought.
Bumaba na ako sa sasakyan. Inalalayan ako ni ate, I'm still weeping. Kanina habang yakap-yakap ako ni ate, she is giving me advices dahilan para mas lalo lang mamugto ang mga mata ko. Party palang ito, pano pa kaya kapag actual na, baka himatayin ako kakaiyak.
"Oh there you are, Alexa anak!"
I glanced at my mom who's gesturing a hug. Umiwas ako agad ng tingin dahil ayokong mapansin niya ang mga mata kong namamaga.
"I'm sorry," mom smiled at me sadly, nagtaka ako. "You cried? It's okay, hmm? I'll try to do something, just don't cry baby hmm?" dagdag niya pa na mas lalo lang akong naguluhan
"Mom?" Parang pusang tumingin ako sakanya.
Ngumiti lang siya sakin habang yakap ako. Dinala muna niya ako sa dressing room para siguro ayusin ang make up ko.