Chapter 08 - MEET HALE FRENZYHERSCHEN'S POV
" San ba talaga tayu pupunta? Anong secret? "
"Basta tignan mo na lang pagdating natin don. "
Hinayaan ko na lang sila na mag-usap ng hindi ko maintindihan at tumitingin lang ako sa bintana ng kotse mag-aala-una na ng hapon.
Pagkalipas ng ilang minuto na pagmamaneho ng kotse ay nakarating kami sa isang park.
Bumaba sila at dala-dala na ang basket samantalang ako ay naglalakad patungo sa isang mesa doon na may mga upuan na gawa sa kahoy at dun kami pumwesto." Anong meron dito? Bat dito mo ako dinala?.." wala sa sariling tanong ko kay Maritte at di ko alam kung bakit siya ang tinanong ko samantalang si Rheus naman ang nagmaneho patungo dito.
"Anong? "
"Wala parang pamilyar kasi sa akin ang lugar..."
Nakita kong nagulat si Maritte at naguguluhan namang lumingon sa akin si Rheus."Anong ibig mong sabihin?.."
"Wala wag mo ng isipin yun."
Nilatag nila ang maliit na blanket at dun naman nila nilagay ang pagkain sa may bandang taas na lamesa na gawa sa kahoy.
"B-ba't dito niyu naisip na pumunta?.."
" Para naman mapresko ang hangin.."
Nakangiting sabi ni Rheus. Kaya naman ay napatango na lang ako." Nga pala Rex may nasalihan ka bang clubs sa school?.."
" Wala kasi lahat naman na try ko ng salihan kasu ayaw nila akong tanggapin sa clubs nila. "
"Ha? Bakit naman?.."
"Eh kasi nga di siya noon pinapansin,ngayon naman binubully naman siya ngayon but for now let's see it on Tuesday kung i bubully pa siya.."
"Kaya nga naman now that they know that youre one of Levitin's Family.."
".........." Di nalang ako nagsalita at ng may makita akong bumebenta ng ice cream kaya naman nagpaalam ako sa dalawa na bibili ako pero di nila ako narinig at patuloy pa din sila sa pag-uusap..
Hayst ang serysuso naman nila parang may problema ehh HAHA.."Kuya tatlong nasa set A cup.." sabi ko at nag-abot ng singkwenta pesos..
" Ms.Herschen kayu ho pala.." Nagulat naman ako dahil kilala niya ako.
"Kilala n-niyu ho a-ako?.."
"Eh hehe opo kasi po nakita ko yung mukha mo sa diyaryo.. Maganda ka sa diyaryo pero mas maganda ka pala sa personal Maam.."
"Eh si manong naman eh.."
Ngumiti lang siya habang nag so-scoop ng ice cream sa tatlong cup..
Matapos ay iniabot niya ito sa akin at nagpaalam na ako.Pagkarating ko sa pwesto namin ay ganun pa rin nag-uusap pa rin sila pero ng mapatingin si Maritte sa akin at nabigla ata... Huh? Bat siya nabigla? Napataas naman ako ng kilay sa kaniya.
"R-rex.."
"Bakit?.."
"Ahh wala...wala kelan ka pa nahilig sa ice cream?.."
Kunot-noong tanong ni Rheus sa akin.. ha? Ano namang masama kung kumain ng ice cream? Ng mapatingin ako ulit kay Maritte ay nakangiti na siya..
Tss..
Kanina nagulat tapos ngayon naman nangingiti seriously ? Anong problema ng mga ito?
Iniabot ko sa kanila ang ice cream nila at kumain na.. Inuna ko pa ang pagkain ng ice cream.
YOU ARE READING
LEVITIN'S SERIES #1 : STRANGER'S SHARING SURNAME
Random[Random Story] Herschen Rexile Levitin is known for being afraid of dark and especially on toys. Not just a toy but a teddy clown toy. Wanna know why she's afraid of those? Is she going to accept the reasons why her family is like that towards to he...