(Past ni Rhea at Nelson)
Rhea's POV
College ako nang makilala ko ng personal si Nelson Vermon. Well honestly, kilala ko na sya noon pa. Anak sya ng President ng Miss Famous Magazine and fortunately I got the chance to met him nung maging classmate ni Aya si Ejhay. Isang sikat na modelo at isa din sa mga kaibigan ni Nelson. Ang tawag pa nga sa kanila ay THE FAMOUS FOUR!
"Hi! I'm Nelson, and you are?"
"Pare, she's Rhea. Bestfriend ni Aya." Si Ejhay na ang nagsabi ng pangalan ko nun dahil hindi ako makapagsalita nang mga sandaling yun. Paano ba naman kasi ang gwapo niya kaya. Para sa akin sya ang may pinakamagandang mukha. Pretty Man in short.
"Hi Rhea, nice to meet you!" Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang kinindatan niya ko. Hindi ko alam, pero gusto kong magtatalon sa tuwa.
"A-ahm N-nice to meet you too. Uhm Nelson!" Nauutal kong sabi.
"Bestie, ok ka lang?" Biglang tanong ni Aya.
"Ah o-of course!" Alangan kong sagot.
"Pare, 'wag mo naman masyado titigan si Rhea kita mo oh namumula yung mukha!" Sabi naman ni Marco. Concern ba sya o nang-aasar lang? Yumuko na lang tuloy ako sa kahihiyan.
_____________
Kinagabihan hindi ako makatulog. Paikot-ikot na nga ako sa higaan ko at lahat na yata ng posisyon sa pagtulog ginawa ko na pero, ayaw pa din ako dalawin ng antok.
Haaayysst! Bakit ba?
Ayoko sana aminin, pero hindi kasi siya mawala sa isip ko. Hindi mawala sa isip ko yung maganda niyang mga mata, yung lips niya na parang ang sarap halikan.
I bit my lips at the thought of it.
Haay ano ka ba Rhea, 'wag mong pagnasaan si Nelson! - Sigaw ng isip ko.
Napatingin ako sa orasan at nalaman ko na 10pm na pala. Hindi pa naman masyadong gabi pero sanay ako matulog ng mas maaga. Kinuha ko nalang ang cellphone ko para maglaro ng Candy Crush. Ito na lang pagkaka-abalahan ko baka sakali antukin ako.
Habang naglalaro ako biglang may nag pop up na message, agad ko din naman binasa yung text.
Hi pretty! - Yan yung nakalagay sa text. Napakunot noo ako. Sino naman kaya 'to? Hindi ko yun nireply dahil hindi ko naman siya kilala. Baka kasi wrong sent o kaya naman may nanloloko lang, trip niya ko dahil walang mapagtripan. But, after five minutes nagtext ulit yung unknown sender.
Tulog ka na ba? Usap muna tayo.
Lalo akong na curious kung sino ba siya kaya nag decide ako na i-reply yung text niya.
Sino ka ba? - Text ko sa kanya.
Hey, nakalimutan mo na?, ako si NV.
NV? Sino yun? NV.. Inisip kong mabuti kung may kilala ba akong NV, tapos biglang pumasok sa isip ko.. si Nelson. Pero paano naman niya malalaman ang number ko? At bakit niya naman ako itetext?
Sorry ha, wala akong kilalang NV. Ang kilala ko lang Nelson Vermon, si Pretty man! Kaya pwede 'wag mo 'ko pagtripan.
Ewan ko kung bakit ba ako naghihintay ng reply, eh halata naman na nanloloko yung sender na yun.
Muntik ko pang mabitawan yung phone ko ng mag vibrate yun. Tinignan ko kung sino yung caller..
Yung unknown sender tumatawag. Naisip ko na sagutin yun para malaman ko kung sino ba talaga siya at nang hindi din ako napapraning kakaisip di ba?
"H-hello?"
"Hi Rhea!" Biglang bumilis ang oabog ng dibdib ko ng mabosesan siya. Pero bakit niya ako tinawagan?
"Sino ka?" Tanong ko pa din although may idea na ako kung sino siya.
"Si Vermon 'to."
"Vermon? N-nelson Vermon?" Paniniguro ko.
"Ako nga. Naistorbo ba kita?"
________________
"Bakit Pretty man?" Nagulat ako sa biglang tanong niya sa'kin. Nasa Starbucks kami ngayon. Kanina, niyaya niya ako para mag kape. Pumayag na din ako dahil hindi rin naman ako makatulog. Atsaka isa pa, gusto ko din siya makita.
"H-ha? Ahh eh.. Ano kasi.." Nag iinit ang mukha ko, at sigurado akong namumula na yun kaya di ko malaman kung paano ba magre-react sa tanong niya.
"Kasi?" Mas lalo pa niya akong tinitigan kaya naman lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko, at pakiramdam ko para akong nilulunod ng nararamdaman ko ngayon.
"K-kasi ano.. ahm.. A-ang ganda ng mukha mo!" Nayuko ako at napakagat-labi sa sinabi ko. Hindi ko akalain na magagawa kong sabihin yun sa harap niya.
"Mas maganda ka!" He wink at me for the second time. Ang gwapo niya lalo kapag ginagawa niya yun.
"Nagpapatawa ka ba?"
"Mukha ba akong nagpapatawa? I'm serious here." At sa pangalawang pagkakataon, hindi nanaman ako makapagsalita sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Flavor Of Love (Miss Famous Book 2)
Ficción GeneralKaibigan at pagkaka-ibigan. A story written by: Marissa Aniban All Rights Reserved©2015 (Ongoing Series)