" Mommy ano pong sabi ng doctor?"
"Anak Hindi kana daw tatagal!"
Nung narinig ko yun nawalan nako ng pagasa para maging Normal pa.
Maayos naman yung buhay ko noon nung wala pa akong sakit.
Pero nagbago Ang lahat.
Nawalan nako ng kaibigan.
Hindi nako nakakapasok ng school.
Hindi ko na rin matutupad na maging magaling na Doctor.
At Pag nawala ako dikona makikita pa Ang mga mahal ko sa buhay.
Minsan gusto ko ng sumuko.
Dahil sa sakit na nararamdaman ko.
-----
"Anak gising na umuwi na tayo ng bahay."-malungkot na sabi ni mommy
Nang makauwi na kami. Sinalubong agad ako ni kuya.
"Okay ka lang Cara?"-Kuya Jules
"Oo Kuya"-nanghihina na sabi ko
"Hatid ko na sya mommy sa kwarto nya"-sabi ni Kuya Kay Mommy. Nag nod lang si Mommy at kinausap nya lang si Daddy. Nakikita ko at nararamdaman ko na may lungkot sa mga mata nila.
Nang makaakyat nakami sa kwarto. Pinahiga nako ni Kuya.
"Magpahinga kana"-sabi ni Kuya. At naglakad na sya. Wala pang apat na hakbang ni Kuya mula sa pinto ng kwarto ko nagsalita ako.
"Kuya natatakot ka bang mamatay?"-biglang lumabas sa bibig ko. Ewan ko kung saan ko nakuha yung katanungan na iyon.
Ang tagal bago makasagot si Kuya sa katanungan ko.
"Kung iisipin mo. Oo aaminin ko natatakot ako. Ikaw natatakot kaba?"- sabi ni Kuya Pero nakatalikod sya sakin.
"Kuya natatakot ako"-sabi ko, naupo ako sa kama mula sa pagkakahiga ko. Naramdaman ko nalang yung pagbagsak ng luha ko. Humarap sakin si kuya pinipigilan nyang umiyak. Nakikita ko sa malungkot nyang mga mata.
"Magpahinga kana. Bukas Pag gising mo maayos na Ang lahat."-kuya Jules
"Kuya *sob* imposible *sob* yang sinasabi mo."-sabi ko
"Tama na Cara pwede itulog mo na yan at .... Wag kana magisip ng ikatatakot mo.."-sabi ni kuya at lumabas na ng kwarto. Dahan dahan nyang isinara yung pinto.
Dahil hindi pa ako inaantok. Pumunta ako sa study table ko. Kinuha ko Ang diary ko. at Nagsimula akong magsulat
* Dear Diary,
Bakit ganun? Ako pa !! Andami namang iba dyan na masama. May nagawa ba akong Mali? Para magkaganto Ang kalagayan ko? Naging good girl naman ako. Bakit ako pa yung kukunin ni Lord? Andami Kong katanungan Diary. Paano na yung dream ko? Magiging bato nalang ba? Kung totoo lang talaga Ang Miracle... Siguro Magkakaroon ako ng lakas ng loob para labanan itong sakit na ito. Salamat diary ikaw nalang Ang magiging alaala nila Pag nawala na ako. *
Tinago ko na yung diary pagkatapos ko magsulat. Bumalik ako sa kama. Naupo muna ako. Parang ayaw pa kasi matulog ng utak ko. Ano kayang pwedeng gawin??? .... *isip* *isip*
Alam ko na. Kumuha ako ng papel gumawa ako ng maraming airplane. Ito kasi yung ginagawa ko nung bata pa ako para mawala yung lungkot ko. Natutuwa ako Pag nakakakita ako ng maraming airplane.
Nung napagod ako kakagawa natulog nako.
********************
BINABASA MO ANG
Two Days Before She Died
Historical Fiction" Feel The moment and Make it Perfect ♥ "