Chapter 1
Sam Pov.
Hello. Im Shaina Althea Monic Lopez Ferer. Im 17. Oh akala nyo yung sam galing sa Samantha no? Hahaha nagkakamali kayo.
So ayun nandito ako ngayon dito sa kuno sa may bukid ng papahangin. Kakatapos ko lang kasi sa mga gawain sa bahay. Si nanay ayun namamalengke.
'kelan kaya ako makakapunta sa maynila'
Yan ang biglang pumasok sa utak ko habang nag mumuni muni. Taga Nueva Ecija Kasi ako.
At pangarap kong makapunta sa maynila.
Sabi ni nanay, yung tatay ko daw taga maynila at may iba ng pamilya. Kaya lalo akong nainganyong pumunta sa maynila para makita ko yung tatay ko.
Iniwan daw kami ni tatay nung pinagbubuntis pa lang ako ng mama ko. Mayaman daw kasi yung tatay ko at tutol yung mga magulang ng tatay ko sa pagmamahalan nilang dalawa.
'psh! Epal'
Sabi pa ni nanay pinakasal daw yung tatay ko sa babaeng di naman nya mahal.
Oh tama na ang drama. Babalik na nga lang ako sa bahay haha!
Pagbalik ko sa bahay may kotse na sa labas. As in magandang kotse. Mukhang mamahalin.
Pumasok ako sa loob at doon ko nakita ang isang lalaking kahawig ko. Magkamukha talaga kami. Kinagulat ko lang bigla nya akong niyakap.
Di ko alam kung bkt pero parang naluluha ako. Parang nung niyakap nya ako naramdaman ko yung pagmamahal ng isang...AMA!
"AH excuse me po?"sabi ko kaya sya napabitaw ng yakap sakin at umiiyak silang dalawa ni mama.
"Ma, sino ba sya?"tanong ko kay mama pero tumingin lang sya sa lalaking yun.
"Oh i guess di mo talaga ako kilala dahil ang tagal ko kayong iniwan"sa narinig kong yun bigla akong nablangko.
Ano daw? Matagal na iniwan?
Edi ibig sabihin...
Ibig sabihin sya ang tatay ko?
"I-ikaw po ba ang tatay ko?"tanong ko na naiiyak.
"Ye-"di ko na sya pinatapos pa sa sasabihin nya dahil bigla ko na syang niyakap at doon na talaga bumagsak ang luha ko.
"Tatay ko"sabi ko at mas hinigpitan pa ang yakap.
"Bat nyo po kami iniwan?"tanong ko tapos narinig kong mas umiyak si mama. Bumitiw na ako sa pagkakayakap.
"Sorry anak kung iniwan ko kayo ng nanay mo ah!"sabi nya sakin. Tumango naman ako at niyakap sya ulit.
Di ko alam kung bkt? Pero wala akong nararamdaman na galit sa kanya. Kasi naiintindihan ko na hindi nya ginusto na iwan kami ni nanay.
"Uh! Anak"tawag sakin ni nanay.
"Hmm?"tanong ko habang nagpapahid ng luha.
"Sasama ka muna sa tatay mo ha!"sabi nya.
"Talaga po?"tanong ko. Tumango naman sya.
"Eh kayo po?"tanong ko ulit.
"Ay nako anak di ako pwedeng sumama"sabi ni nanay. Bkt hindi?
"Bkt naman po?"tanong ko. Di naman sya sumagot.
"Diba tay pwede naman nating isama si nanay?"tanong ko kay tatay.
"Oo naman"sagot naman ni tatay.
"Oh nay narinig mo yun? Pwede daw!"sabi ko kay nanay umiling naman sya.
"Hindi pwede anak, kailangan mag enjoy muna kayo ng tatay mo! Yung kayong dalawa Lang"sabi nya ulit.