KINABUKASAN, maghapon kong hinintay na magpakita si Perce sa akin. Pero nakauwi na lang kami ni Nanay mula sa pamilihan, hindi dumating si Perce. Muli na namang pumukaw ang kaba at pag-aalala sa akin. May nangyari kaya sa academy? Nalaman na ba nila na kami ni Perce ang nasa likod ng pagkawala ng mga mahahalagang libro?
"'Nak, ayos ka lang? Ako na ang magtutuloy ng niluluto mo. Kumalma ka muna roon."
Napakurap ako nang marinig ang kalmadong boses ni Nanay. Bumaba ang tingin ko mula sa kawalan patungo sa niluluto kong tinola. Nagwawala sa pagkulo ang tubig at nagsisitalsikan palabas ng kaldero. Agad kong nabitawan ang metal na sandok nang makitang lumalatay roon ang hibla ng puting enerhiya mula sa palad ko na siyang dahilan ng nangyayari. Nang bitawan ko iyon, saka lang bumalik sa normal na pagkulo ang niluluto ko.
Napansin kong may mga paso ako sa kanang kamay at braso ko dahil sa pagtalsik ng mainit na tubig pero nakakapagtakang wala akong nararamdamang sakit at hapdi. Itinago ko na lang ang mga kamay ko sa likuran ko bago humingi ng pasensya kay Nanay. Patakbo akong pumasok sa kwarto ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko na naman nakontrol ang sarili ko dahil umaabot kahit saan ang isipan ko.
Muli kong binalingan ang mga paso sa kamay ko at napabuntong-hininga na lang. Nag-teleport na ako kaagad patungo sa dating bahay nila Kael para kunin ang gamot. Magte-teleport na sana ako pabalik ng bahay nang bigla kong naramdaman ang presensya ni Perce sa likuran ko.
"Perce," gulat kong tawag sa kanya. Kanina ko pa siya hinihintay na magpakita sa akin kasi ang dami kong gustong itanong sa kanya, pero ngayong kaharap ko na siya at nakita ang seryoso niyang mukha, parang umurong ang dila ko.
May masama kayang nangyari sa academy?
Seryoso lang siyang nakatitig sa akin—o sa likuran ko, hindi ako sigurado. Dala ng pagtataka, nilingon ko ang nasa likuran ko. At ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita si Tres na nakatayo roon. Natutop ko pa ang dibdib ko dahil sa pagkabigla.
"Tres? Anong..."
Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Perce. Alam na ba ni Tres ang ginawa namin? Kaya ba nandito siya? Pero paano nangyari iyon? Sinabi ba ni Perce? Naabutan nga kaya nila si Perce kagabi sa library kaya natagalan siya?
"Do you know how much trouble you put yourself into, Ellis?" nakakunot noong tanong ni Tres, mataman akong tinititigan.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at nilingon si Perce.
'Paano nalaman ni Tres, Perce?' naguguluhan kong tanong sa kanya sa isipan niya.
Alam kong Class A si Tres, mahusay sila sa pag-iimbestiga pero hindi ko inaasahang ganito kabilis niya malalaman ang ginawa namin. Ang ginawa ko.
Nang hindi sumagot si Perce, muli kong hinarap si Tres habang pilit itinatago ang kabang nararamdaman ko. Maiintindihan naman siguro niya ang ginawa ko kung magpapaliwanag ako, 'di ba?
"Paano mo nalaman, Tres?" maingat na tanong ko.
"I just know!"
Bahagyang tumaas ng boses niya kaya napalunok ako. Galit ba siya sa 'kin? Dahil sa ginawa ko? Malala nga kaya ang iniwan kong gulo sa academy?
"Sure, you have your reasons. But why you didn't tell me, Ellis?"
Bakit hindi mo ako pinagkakatiwalaan? Iyon ang naunawaan ko sa sinabi niya.
Napayuko na lang ako dahil hindi ko siya magawang tingnan. May parte sa akin na sinasabing isa iyon sa mga rason kung bakit hindi ko sinabi sa kanya. Pero ayoko lang talaga na madamay pa siya.
BINABASA MO ANG
She is the Light (BOOK 1-3)
FantasiaTHE LIGHT CHRONICLES BOOK 1: She is the Light (Completed) BOOK 2: Shadow of Light (Completed) BOOK 3: The Light: Girl of the Prophecy (On-going) All her life, Ellis Henson dreamed of being just an ordinary girl. But even having the greatest desire f...