RS:H 33

4.4K 88 15
                                    

Dara's POV

o.-

-.o

Minulat mulat ko ang mata ko at naginat.

(-.-)zzz Bakit ang bigat nang pakiramdam ko?

Tatayo na sana ako nang makaramdam ako nang bigat. Langya ano batong naka yakap sakin?!

"Baby tulog pa ta-."

O______O

"WAHHHHH!!!!" Sigaw ko saka ko tinulak si Baygon dahilan para mapapulakda sya sa sahig.

"Arayyy!" Narinig kong ngiwi nya sa baba. Sinilip ko sya at nakahiga sya sa sahig hawak hawak nya ang likod nya.

"Bakit mo ko tinulak?" Tanong nya habang pupungas pungas nang mata.

Bakit ko daw sya tinulak? Seriously?! Ikaw makakita ng lalaki--pogi na nakayakap sayo sa kama. Di mo ba itutulak?

Syempre kelangan pa din itulak kahit G-Dragon na yan. -_-

(A/N: Hindi pa ko baliw para itulak si GD kapag tinabihan ako sa kama. Baka di lang yakap gawin ko. Haha! ^_^)

"Bakit nakayakap ka sakin kanina ha? Tsaka bakit nasa kama na kita? Kagabi nasa lapag ka ah? Panong napunta ka sa kama ko?" Ratrat ang pagtatanong ko sa kanya.

Manyakis talaga tong Dragong to.

Tiningnan ko ang sarili ko at. Naka damit pa naman ako at sya nakasando white na may touch ng orange at naka jogging pants sya na pinahiram ko kagabi.

"Ano ba Babbit inaantok pa ko." Malumanay nyang sabi sabay hakbang paakyat sa kama ko.

*boosgh*

"ARAYYYY!" Daing nya nang itulak ko ulit sya kaya ayon naka dapa na naman sa sahig.

Wala yan sa katinuan kaya wala ding balanse. Ang dali ko kasi naitutulak sya. Pero WAHHHH!!! Katabi ko talaga syang matulog? For real?

"Nakakailan ka na Babbit ah. Ang sakit na ng likod ko." Daing nya habang umaalalay patayo.

"Eh kasi bakit ka ba nasa kama ko ha? Diba nasa baba ka?" Tanong ko.

"Masakit kasi sa likod pag nasa lapag kaya tinabihan kita. Pero tingin ko mali ang ginawa ko kasi mas lalong sumakit ang likod ko dahil sa tulak mo." Sabi nya habang nakapikit at hawak hawak ang likod nya.

Walang atubili ay humiga sya sa kama ko. Hindi ko na sya nagawang itulak dahil naawa ako sa itsura nya. Halata mong haggard at gustong matulog.

"Hoy! Feel na feel mo sa kama ko no? Dun ka sa baba." Utos ko sa kanya pero di ako pinakinggan at nakarating na ata sa dream world nya.

Tiningnan ko ang orasan at 5AM pa lang? Ibigsabihin 2 hours pa lang ako nakakatulog. Pano ba naman. Walang ginawa yang si Baygon kundi bwisitin ako kagabi na tabihan nya daw ako. -_____- Paka pervy.

"Baygon." Sabi ko habang tinutusok tusok ang braso nya.

"Hmmm?" Tanong nya habang nakadapa at feel na feel ang pagtulog.

"Dun ka sa baba. Matutulog pa ko. Naalipungatan lang ako kasi napakabigat nang nasa bewang ko at kamay mo pala yon." Sabi ko.

"Ehhhhh...." Aba ang kapal nito ah?

"Dali na. Matutulog din ako." Sabay hawak ko sa braso at inangat ito para hilahin na sya pababa.

Bakit ba ang bigat netong damuhong to kahit patpatin?

"Ayaw mong umalis. Edi sapili-WAHHHHH!" Napahiga ako nang wala sa oras dahil bigla akong hinawakan ni Jiyong sa bewang at hilahin ako pahiga.

"Ano bang ginagawa mo?" Inis kong sabi sa kanya habang pinapalo sya. Pano, nakayakap nang mahigpit sakin habang nakahiga kami. Ramdam ko nga dito ang paghinga nya eh.

Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon