three

2.4K 65 3
                                    

Ara's POV

Kasalukuyang naga-ice skating kami ni Mika ngayon sa mall. Nakakasawa kasi yung arcade arcade eh kaya eto naman naisip namin.

"Ahh!" Sigaw ni Mika at nadulas ulit ito. Natawa naman ako at tinulungan ko siya.

"Lakas mong mag-aya dito tapos ikaw 'tong nadudulas lagi." Sabi ko at hinila ko patayo.

"Kesa naman sa mag-arcade tayo. Corny eh." Sabi nito at nag iceskating muli.

Ngayon, hindi na siya nadudulas o naaout of balance. Nakuha na niya siguro ang tamang pagbabalanse sa katawan. Pinapanood ko lang habang iniikot niya yung ice skating rink. Nginingitian naman niya ako tuwing napapatingin siya sakin kaya hinabol ko na siya at sinabayan sa pag-ikot. Magkahawak ang kamay namin at kahit na malamig dito, damang-dama ko ang mainit niyang kamay. Hanggang sa tumigil kami sa gitna ng ice skating rink at nagkatinginan kami. Walang nagsasalita kundi ang mga mata lang namin at ang aming mga ngiti. Kitang-kita ko na masaya siya at ganun rin naman ako.

Habang nagtititigan kami bigla na lang bumuhos yung mga artificial na snow mula sa itaas. Napatingin kami ni Mika roon at inaabot namin yun isa-isa. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.

"I missed you Ara." Sabi nito at mas hinigpitan pa ang yakap. Napayakap na rin ako sa kanya at napangiti.

"I missed you too, Mika."

Tinignan lang namin ang mga naglalaglagan na snow hanggang sa matapos ito. May narinig akong ingay at nakita ko naman si Mika na napahawak sa tiyan niya. Natawa na lang ako.

"Tara na. Gutom na mga alaga mo sa tiyan." Sabi ko at hinila ko na siya.

"Wait." Sambit niya bago kami lumabas sa rink. "Selfie muna tayo. Sayang naman kung wala tayong souvenir dito." Nilabas niya yung phone niya at pumwesto naman ako sa gilid niya at nagpose na. Nakaisang shot lang naman kami at lumabas na.

Pagkatapos naming mag-aayos, naghanap na kami ng pwedeng kainan.

"Miks, san gusto mo?" Tanong ko. "Mang Inasal, Shakey's, McDo, o Jollibee?" Ngunit wala siyang respond kaya naman tumingin na ako sa kanya at busy pala siya sa phone niya.

"Mika." Tawag ko ulit sa kanya. Napatingin naman ito sakin at nagpeace sign pa.

"Ah, sa Shakey's na lang. Konti yung tao oh." At hinila na niya ko patungo roon. Naghanap muna kami ng table at nag-order na. Sagot na daw ni Mika kaya naman inorder ko na lahat ng gusto ko.

"Ayos lang na inorder ko yung mga yon?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Yes. Treat ko naman di ba?" Sabi nito at tumingin na naman sa phone niya.

Ang weird pero lagi niya atang ginagamit phone niya ngayon. Nakakapagselos naman kaso wala akong karapatan so I just shut my mouth.

Di nagtagal at dumating na yung inorder namin at sinimulan na rin naming kumain. Malakas talaga kumain 'tong si Yeye. Akala mo mahinhin eh pero sa kainan, mala Aby Marano yan, Beast Mode Dont Care. Haha!

"Huy, hinay-hinay lang." Mahina kong sabi at tinawanan ko na lang siya.

Maya-maya ay may naramdaman ako napakapamilyar na presensiya mula sa likod ko. Pati amoy parang kilala ko. Tumingin na ako sa likod at hindi ako nagkamali. Pero ang nakakagulat bakit siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito Kief?" Tanong ko at napatingin ako kay Mika na di nagulat pero mukhang kinakabahan.

"Ara," sambit niya ng pangalan ko at umupo ito sa tabi ni Mika. Wait, what?! Anong nangyayare? Ininom ko muna yung drinks ko at tumingin sa kanya.

"Ara, may gusto akong sabihin sayo." Seryosong sabi ni Kiefer at hinayaan ko lang siya kahit sa loob-loob ko para na akong sasabog.

"We share everything to each other right? But there is one thing that I didn't tell you na dapat sinabi ko na dati." Huminga muna siya ng malalim. "Si Mika, girlfriend ko siya." Nakita ko namang hinawakan ni Kief ang kamay ni Mika.

Pagkasabi ni Kiefer nun, napabuntong hininga na lang ako at ready na ready na rin tumulo yung mga luha ko sa mata. Sino bang hindi maiiyak dito? Yung babaeng gusto ko, boyfriend pala niya yung bestfriend ko. Para akong ginago di ba?

I manage to give them a smile.

"Wow." Sambit ko. "Kaya pala libre, suhol pala." Matigas kong sabi. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sana sinabi na ni Kiefer 'to matagal na para hindi ko nagustuhan si Mika. Kaso hindi eh, aamin na nga sana ako ngayon. Grabe!

"Ara." Tawag sakin ni Kiefer at naglakad na ako palabas pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Please let me expla--"

"Naiintindihan ko kung bakit hindi mo sinabi pero sana naman sinabi mo ng mas maaga." Sabi ko at tinanggal ko na ang kamay niyang nakakapit sa kamay ko.  Nakita ko rin si Mika sa peripheral view ko na nakatingin samin pero hindi ko na lang siya pinansin.

----

How's this? Comment naman dyan para malaman ko feels niyo. :)

SWITCHED (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon